top of page
Search

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | October 09, 2023


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Dante ng Masbate.


Dear Maestra,


Limang beses na akong sumasangguni sa inyo tungkol sa aking mga panaginip, at lahat ng sinasabi n’yo ay tama.


Madalas kong mapanaginipan ngayon ang iba’t ibang uri ng gusali. Ano ang kahulugan nito?


Naghihintay,

Dante


Sa iyo, Dante,


Nakakataba ng puso, at nakakatuwang isipin na isa ka pala sa madalas na sumangguni sa akin.


Ang ibig sabihin ng panaginip mo tungkol sa gusali ay depende sa iyong panaginip. Kung bagong gusali ang napanaginipan mo, ito ay senyales na aalis ka na sa dati mong lugar.


Kung pangit ang gusali, luma, malapit ng masira at halos babagsak na, ito ay babala ng paghihiwalay. May posibilidad na maghiwalay kayo ng mahal mo sa buhay. Maaari kayong mag-away at mauwi ito sa hiwalayan.


Kung gusali naman ito ng pabrika, ito ay nagpapahiwatig na magbubukas ka ng sarili mong negosyo. Magiging abala ka sa pakikipagtransaksyon.


Samantala, kung mga bagong gusali na ginagawa naman ang napanaginipan mo, ito ay sign ng kasaganaan at kaligayahan sa personal mong buhay. Magiging masaya kayo ng pamilya mo at sasagana rin ang inyong kabuhayan.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna



 
 

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | October 08, 2023


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Danica ng Malabon.

Dear Maestra,


Napanaginipan ko na nagwawalis ako ng bakuran nang bigla akong makaramdam ng pagkahilo, at ‘di ako makahinga. Nagising ako na tuyu’t na tuyo't ang lalamunan ko at hindi ako makahinga.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay,

Danica

Sa iyo, Danica,


Maraming salamat sa pagsangguni mo sa akin tungkol sa iyong panaginip.


Ang ibig sabihin ng nagwawalis ka ng inyong bakuran ay dapat mong ituwid ang mga nagawa mong kapalpakan noong nagdaan mga araw. Ituwid mo ang mga pagkakamali mo bago pa mahuli ang lahat.


Samantala, ang bigla kang nakaramdam ng pagkahilo, at hindi ka makahinga ay nangangahulugang dapat mong ipahinga ang iyong sarili kung napapagod ka na.


Iwasang mong magtrabaho ng sobra. Gawin mo lang ang kaya ng iyong katawan.


Ipahinga mo ang iyong sarili kung sakaling makaramdam ka ng pagod. Alalahanin mong ang kalusugan ay isa na ring kayamanan. Ingatan mo ang iyong kalusugan kung gusto mo pang humaba ang iyong buhay.

Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


 
 
  • BULGAR
  • Oct 7, 2023

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | October 07, 2023


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Danilo ng Pangasinan.


Dear Maestra,


Nakatira ako malapit sa gubat, madalas ay nanghuhuli ako ng mga hayop at binibenta ko ito.


Napanaginipan ko na nakatayo ako sa ilalim ng puno. Wala ng dahon ang puno dahil old tree ito at tuyo’t na rin ang mga sanga.


Hindi ko napansin na ang dami palang langgam sa paanan ko, at maya-maya ay may dumaang iba't ibang uri ng mga hayop.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Danilo


Sa iyo, Danilo,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nakatayo ka sa puno, mahihirapan kang abutin ang iyong pinapangarap. Dadaan ka muna sa maraming pagsubok at matinding kahirapan bago mo ito mapagtagumpayan.


Ang langgam ay pahiwatig na marami kang kakaharaping sagabal sa lugar ang iyong pupuntahan. Gayunman, titiisin mo ito upang umunlad at yumaman ka.


Samantala, ang iba't ibang hayop, ay nagpapahiwatig na ang buhay mo ay punumpuno ng pagtitiis at kahirapan.


Maraming pagsubok ang mararanasan mo. Ngunit, malalagpasan mo rin ang pagsubok na ito at sa bandang huli, yayaman at uunlad din ang iyong buhay kasama ang iyong mga mahal sa buhay.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


 
 
RECOMMENDED
bottom of page