top of page
Search

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | November 9, 2023



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Loreto ng Pasay City.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na nakatanggap ako ng liham, natawa ako ng malakas nang mabasa ko ang nilalaman nito, kaya kumuha agad ako ng papel para sagutin ito.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Loreto


Sa iyo, Loreto,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nakatanggap ka ng liham ay makakatanggap ka rin ng hindi inaasahang magandang balita galing sa kaibigan mo na nagtatrabaho sa malayong lugar. Ito rin ay nagpapahiwatig na may matatanggap kang regalo.


Ang kumuha ka ng papel para sagutin ang sulat na natanggap mo, ito ay nangangahulugan na may gagawin kang magandang bagay na ikakatuwa ng taong nasa paligid mo.


Samantala, ang natawa ka ng malakas nang mabasa mo ang nilalaman ng liham ay senyales na mabibigo ka sa pag-ibig. Ito rin ay paalala na iwasan mong magbitiw ng masasakit na salita kapag kausap mo ang iyong karelasyon dahil maaari siyang masaktan sa mga sasabihin mo na puwede rin maging sanhi ng inyong ‘di pagkakaunawaan at tuluyang paghihiwalay.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


 
 

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | November 8, 2023


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Donita ng Masbate.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na bibigyan ako ng award sa barangay namin. Bumili ako ng alahas na may batong perlas, at ‘yun ang isinuot ko noong awarding. Ngunit, ang sinabit sakin ay isang laurel.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Donita


Sa iyo, Donita,


Ang ibig sabihin ng batong hiyas na perlas ay karangalan, kaligayahan at kayamanan dahil sa iyong angking talino at kasipagan sa pagtatrabaho.


Tamang-tama ang panaginip mo na nakatanggap ka ng award sa barangay n’yo. Ito rin ay nagpapahiwatig na makakapag-asawa ka ng mayaman at tinitingalang lalaki sa lipunan.


Samantala, ang laurel naman ay nagpapahiwatig ng tagumpay, kaginhawahan at kalayaan sa buhay. Ito rin ay senyales ng maligayang pag-aasawa sa lalong madaling panahon at pagkakaroon ng anak na magbibigay sa inyo ng karangalan at kaligayahang hindi matutumbasan.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna



 
 

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | November 7, 2023


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Siony ng Nueva Ecija.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na tumubo na ‘yung tinanim kong beans sa likod ng aming bahay.


Kumuha ako ng basket at dito ko nilagay ‘yung sariwang beans na halos umabot ng dalawang basket. Niluto ko agad ito para sa aming tanghalian.


Ano’ng ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Siony


Sa iyo, Siony,


Ang ibig sabihin ng beans ay gulo. Madadamay ka sa gulo na mayroon d’yan sa lugar n’yo.


Kung ang basket ay walang laman, ito ay nangangahulugan ng kabiguan sa iyong mga pinaplano.


Subalit, ang sabi mo ay punumpuno ito ng beans, ito ay nagpapahiwatig na malalampasan mo ang mga kabiguang iyong mararanasan.


Samantala, ang dalawang basket naman na pinaglagyan mo ng beans ay tanda ng pabagu-bago mong desisyon. Mas makakabuting huwag mo nang baguhin pa ang iyong desisyon. Kapag sinunod mo ito, mas gaganda ang iyong buhay.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


 
 
RECOMMENDED
bottom of page