top of page
Search

ni Maestra Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | August 6, 2024


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Ricardo ng Pasay City.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na isa ako sa naapektuhan ng kalamidad sa lugar namin.   Napilitan akong isara ang tindahan ko dahil wala na akong puhunan para bumili pa ng stocks. 


Madalas ko ring mapanaginipan ang trumpeta.

Ano ang ibig sabihin ng mga panaginip ko?


Naghihintay,

Ricardo




Sa iyo, Ricardo,


Kabaligtaran ang ibig ipahiwatig ng panaginip mo na isa ka sa naapektuhan ng kalamidad sa lugar n’yo ay nangangahulugan na uunlad ang negosyo mo. Lalago pa ito at kikita ka ng malaki. Ito rin ay nagpapahiwatig na isa sa mga kaibigan mo ay mapo-promote sa trabaho.


Samantala, kung ang trumpeta sa panaginip mo ay hinihipan mo, ito ay senyales na susuwertehin ka sa buhay. Madaragdagan pa ang kabuhayan n’yo hanggang sa tuluyan kayong yayaman. Subalit, kung narinig mo lang ang tunog ng trumpeta ay babala na may makakaaway ka, at masasangkot ka sa gulo. Ugaliin mong mag-ingat upang makaiwas ka sa kaguluhan. 


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna






 
 

ni Maestra Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | August 2, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Flora ng Naic, Cavite.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na ang daming puting rosas sa simbahan. Ang gaganda at sariwang-sariwa ito, kaya naman naparami ako ng pitas. 

Makalipas ang ilang saglit, lumabas ‘yung pari mula sa loob ng simbahan, sinabi nito sa mga nagsisimba na puwede umanong pumitas ng mga rosas, subalit agad akong nagtago sa pari at lihim na umalis. 


May nakasalubong akong dalawang babae, at binenta ko sa kanya ang rosas ng P150. Nakasalubong ko rin ‘yung dati kong dyowa, at tinanong niya ako kung puwede ba kaming magkabalikan. Hindi ko ito pinansin, bagkus pumunta agad ako sa banyo, at naghugas ako ng mga kamay. Paglabas ko sa banyo, nandu’n pa rin ang ex ko, at tinanong niya ulit sa akin kung puwede raw ba kaming magkabalikan, kaya naman agad kong hinawakan ang kanyang kamay.  


Ano kaya ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,Flora



Sa iyo, Flora,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na maraming puting rosas sa simbahan, at agad kang pumitas ay magtatagumpay ka sa mga balak mong gawin. Makakaranas ka rin ngayon ng kaligayahan, kasaganaan, at uunlad pa ang negosyo mo. 


Ang lumabas naman ang pari sa simbahan at sinabi niyang maaari kayong pumitas ng rosas ay nagpapahiwatig na may matatanggap kang magandang balita.


Ang may nakasalubong ka naman na dalawang babae ay tanda na paiba-iba ang desisyon mo sa buhay. Ang binenta mo sa kanila ang rosas sa halagang P150 ay senyales na may nakukursunadahan kang bilhin, ito rin ay tanda na madali kang matukso sa larangan ng pag-ibig. 


Samantala, ang makasalubong mo ang dati mong dyowa at tinanong ka nito kung puwede ba kayong magkabalikan ay depende kung masaya ba ang mukha niya o malungkot.


Kung masaya ang mukha niya, ito ay simbolo na tapat ang kanyang hangarin sa iyo. Subalit, kung malungkot naman ang kanyang mukha, ito ay tanda na hindi bukal sa loob niya ang pakikipagbalikan sa iyo. 


Ang nagpunta ka sa banyo at naghugas ng kamay ay paalala na nag-aalala ka sa isang bagay na hindi pa nangyayari, bagama’t hindi pa nangyayari, balisa ka na sa magiging resulta. 


Ang nakita mo muli ang ex mo na naghihintay sa labas ng banyo, ito ay hudyat na papayag kang makipagbalikan sa kanya, at handa kang isakripisyo ang sarili mo pati na rin ang pinagkakakitaan mo sa buhay. Dapat kang mag-ingat ka sa pagpapasya, siguraduhin mo muna ang magiging desisyon mo para ‘di ka magkamali at masaktan sa pagpili ng lalaking iyong iibigin.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna






 
 

ni Maestra Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | August 1, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Glenda ng Ilocos Sur.

 

Dear Maestra,


Ano kaya ang ibig sabihin kapag madalas kang managinip ng taxi? Napanaginipan ko rin na nagtatrabaho ako sa isang tindahan. 

Ano ang ibig ipahiwatig ng mga panaginip ko?


Naghihintay,Glenda



Sa iyo, Glenda,


Kung sa panaginip mo ay nag-aabang ka ng taxi, at ikaw ay hinintuan, ito ay nangangahulugan na makakapaglakbay ka sa malayong lugar. Makakaranas ka ng pagkabagot, at maiinip ka dahil bago ka makarating sa iyong pupuntahan, marami kang pagsubok at hamon na pagdaraanan. 


Kung ikaw naman mismo ang nag-hire ng taxi, o ‘di naman kaya ay ikaw ang nagmamaneho nito, ito ay senyales na maaari kang magkaroon ng isang magandang trabaho. Ito rin ay pahiwatig na may makikilala kang lalaking guwapo at mayaman. Darating ang araw na liligawan ka niya. Magkakatuluyan kayo at magkakaroon kayo ng dalawang anak.


Samantala, ang nagtrabaho ka sa isang tindahan ay simbolo ng kaginhawaan sa buhay. Giginhawa na ang buhay mo, ‘yun bang sakto lang para sa buhay na pinapangarap mo.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna






 
 
RECOMMENDED
bottom of page