top of page
Search

ni Angela Fernando - Trainee @News | October 28, 2023



ree

Nakatakdang bumalik ng bansa ang pang-apat na batch na overseas Filipino workers mula Israel sa Lunes, Oktubre 30.


Ayon sa kay Department of Migrant Workers (DMW) official Hans Leo Cacdac, may 60 OFWs at 2 sanggol ang pauwi na sa bansa sa ilalim ng emergency repatriation, 32 sa mga ito ay hotel workers at 28 naman ay caregivers.


Kapag naging matagumpay ang paglapag ng pang-apat na batch, 119 OFWs at 4 na sanggol na ang natulungang makauwi ng bansa.


Sa kabilang banda, meron pang mahigit 180 manggagawang Pilipino sa Israel ang nagnanais na makauwi ng Pilipinas.




 
 

ni Mabel Vieron | July 5, 2023



ree

Naglunsad ang Israel ng malawakang military operation laban sa Palestinian militants sa Jenin refugee camp sa West Bank.


Unang umatake ang drone ng Israel hanggang nagpadala sila ng ground forces na nagdulot ng giyera. Nasa walong Palestinian ang nasawi at mahigit 50 katao ang sugatan.


Ayon sa Israel forces, target lang umano nila sa operasyon ang mga armadong Palestinian. Ang Jenin refugee camp ay tirahan ng 14,000 katao na may lawak na 0.42 square kilometers.


Isinagawa ang operasyon matapos na makatanggap ng impormasyon na nagiging pugad na ito ng terorismo.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | May 17, 2021


ree

Muling pinaulanan ng air strikes ng Israel ang Gaza ngayong Lunes at tinatayang lagpas 200 na ang nasasawi sa giyera sa pagitan ng Jewish state at Islamist militants.


Magdamag na pinaulanan ng strikes ng Israel ang Palestinian enclave ng Islamist group na Hamas.


Sa kabuuan ay 197 Palestinians na ang naiulat na nasawi sa Gaza kabilang ang tinatayang aabot sa 58 kabataan at mahigit 1,200 ang sugatan simula noong Lunes, May 10.


Sa Israel naman, 10 na ang naiulat na nasawi kabilang ang isang bata at 282 ang sugatan.


Samantala, ayon sa Israel, mahigit 3,000 rockets na ang pinaulan sa kanila ng Gaza simula noong Lunes ngunit naharang ang 1,000 nito ng kanilang Iron Dome anti-missile system.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page