ni Mai Ancheta @News | July 18, 2023
Ipinagtanggol ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang P3 milyong ginamit sa logo ng ahensya.
Sinabi ni PAGCOR Chairman Alejandro Tengco na hindi lamang ang logo ang ginastusan ng bidder kundi mayroon pang ibang deliverables para sa ahensya.
Hindi naman natinag ang opisyal sa mga banat ng mga kritiko at mga netizen at nanindigang hindi babaguhin ang logo, bagkus ito ang gagamitin ng PAGCOR sa lahat ng kanilang mga tanggapan sa buong bansa, pati na sa mga stationaries at envelopes sa kanilang operasyon.