top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | December 17, 2021



Suspendido ang klase ngayong Biyernes, Disyembre 17, 2021 sa ilang lugar sa bansa bunsod ng malakas na ulan at hanging dala ng Bagyong Odette.


Narito ang mga lugar na walang pasok:


Bohol province

* All levels, public and private

* Work suspension, public and private


Lapu-Lapu City, Cebu

* All levels, public

* Work suspension, government work


I-refresh ang page na ito para sa updates.

 
 

ni Lolet Abania | December 16, 2021



Ikatlong landfall na ng Bagyong Odette ngayong Huwebes sa bisinidad ng Liloan, Panaon Island sa Southern Leyte.


Ayon sa state weather bureau na PAGASA, alas-4:50 ng hapon si Odette ay nag-landfall sa ikatlong pagkakataon sa nasabing lalawigan.


Unang iniulat ng PAGASA na inaasahan ang patuloy na pagkilos ng Bagyong Odette west northwestward o westward.


Gayundin, maraming lugar sa Visayas at Mindanao ang isinailalim na sa Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 4, batay sa 2PM weather bulletin ng PAGASA.

 
 

ni Lolet Abania | December 16, 2021



Muling nag-landfall sa ikalawang pagkakataon, ang Bagyong Odette sa bisinidad ng Cagdianao, Dinagat Islands ngayong Huwebes ng hapon, ayon sa PAGASA.


Sa Facebook post ng PAGASA, ang Bagyong Odette ay tumama sa kalupaan alas-3:10 ng hapon, matapos na inisyal na mag-landfall sa buong Siargao Island ng alas-1:30 ng hapon ngayong Huwebes.


Ayon sa PAGASA, si Odette ay kumikilos westward habang hahataw sa maraming probinsiya sa Central at Western Visayas regions bago ito tuluyang lumabas patungo sa Sulu Sea sa Biyernes.


“After passing near or in the vicinity of either Cuyo or Cagayancillo archipelago, Odette is forecast to cross the northern or central portion of Palawan tomorrow afternoon or evening before emerging over the West Philippine Sea,” batay sa 2PM bulletin ng PAGASA.


Ang Bagyong Odette ay may maximum sustained winds na 195 kilometers per hour, na may pagbugsong aabot sa 240 km/h, at central pressure na 915 hPa. Habang nagtataglay ng malakas na bugso ng hangin na lumalawak habang papalabas na aabot sa 480 km mula sa sentro.


Gayundin, si Odette ay kumikilos west northwestward ng 30 km/h.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page