top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | March 16, 2022



Pinaalalahanan ng PAGASA ang publiko na maghanda sa matinding init matapos nitong ianunsiyo ang pagsisimula ng dry season sa bansa.


Sinabi ng PAGASA na na-terminate na ang Northeast Monsoon o hanging amihan, dahilan upang maramdaman na ang mainit na panahon.


Ang mga pag-ulan naman na mararanasan ay bunsod ng easterlies at localized thunderstorms.


Pinayuhan naman ng PAGASA ang publiko na mag-ingat sa epekto ng mainit na panahon at maging matipid sa paggamit ng tubig.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | March 13, 2022



Naitala sa Dagupan City, Pangasinan ang pinakamataas na heat index ngayong taon sa 51°C, ayon sa ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) nitong Sabado.


Ang heat index — na temperaturang nararamdaman ng katawan ng tao — ay pumalo sa Dagupan City bandang 2:00 p.m. noong nakaraang Linggo, March 6, batay sa datos ng Pagasa.


Nilinaw ng Pagasa na ang 42-51°C heat index ay tinuturing nang “dangerous” o mapanganib.


Ang ilan pang lugar sa bansa ang nakapagtala ng heat indices sa “dangerous levels” ay:


Catbalogan, Western Samar, 46°C (March 1)

Muñoz, Nueva Ecija, 45°C (March 8)

Zamboanga City, 43°C (March 11)

Cotabato City, 43°C (March 11)


Nagpaalala naman ang Pagasa sa mga residenteng naninirahan sa mga nasabing lugar na manatili sa mga indoor areas dahil posibleng makaranas ng fatigue, heat cramps, heat exhaustion, at heat stroke kung matagal na mae-expose sa init ng araw.

 
 

ni Lolet Abania | March 5, 2022



Huling namataan ang isang low pressure area (LPA) na nasa layong 540 kilometro silangan ng Surigao City bandang alas-3:00 ng hapon ngayong Sabado, ayon sa PAGASA.


Batay sa 24-hour weather forecast ng PAGASA, inaasahang magdudulot ang LPA ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan sa bahagi ng Visayas, Caraga, at Davao Region.


Ayon sa PAGASA, makararanas din ang Central Visayas at Eastern Visayas, maging ang Caraga at Davao regions ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pagbuhos ng ulan at thunderstorms na posibleng may kasamang flash floods o landslides dahil sa katamtaman hanggang sa malakas na mga pag-ulan dulot ng LPA.


Makararanas naman ang Metro Manila at ang natitirang bahagi ng bansa ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pabugsu-bugsong pag-ulan o thunderstorms dahil sa easterlies o localized thunderstorms na posibleng may kasamang flash floods o landslides sa severe thunderstorms.


Sa wind speed forecast naman ng PAGASA para sa Northern Luzon ay mahina hanggang sa katamtaman habang ang coastal water conditions ay bahagya hanggang sa katamtaman.


Ang natitirang bahagi ng bansa ay makararanas ng mahina hanggang sa katamtamang wind speed at bahagya hanggang sa katamtamang coastal water conditions.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page