top of page
Search

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Mar. 30, 2025



Prangkahan ni Pablo Hernandez

TRUST RATING NI VP SARA PATULOY SA PAGTAAS, TRUST RATING NAMAN NI PBBM PATULOY SA PAGLAGAPAK -- Sa isinapublikong latest survey ng Publicus Asia ay mula sa 23% trust rating last year (2024) ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM) ay bumagsak ito sa rating na 18% ngayong year 2025, at sa kabilang banda naman, sa trust rating ni Vice Pres. Sara Duterte-Carpio na 31% ay tumaas naman ito sa 39%.


Ibig sabihin niyan, patuloy na mas pinagkakatiwalaan ng majority Pinoy si VP Sara kesa kay PBBM kasi nga ang rating ng bise presidente ay sige-sige ang pagtaas, samantalang rating ni PBBM ay patuloy ang paglagapak, boom!


XXX


ATAKE NI EX-P-DUTERTE SA BLANK BUDGET DOCUMENTS HINDI FAKE NEWS DAHIL HUMIRIT NA ANG 1SAMBAYANAN SA SC NA IDEKLARANG ILEGAL ANG 2025 GAA NA PINIRMAHAN NI PBBM -- Naghain ng petition for certiorari and prohibition ang civil society group na 1Sambayanan sa Korte Suprema na ideklarang labag sa batas ang mga blank budget document sa ilang probisyon sa 2025 General Appropriations Act (GAA) na nilagdaan ni PBBM.


Patunay iyan na hindi fake news ang ibinulgar noon ni ex-P-Duterte na mga blank budget document na nakalusot pirmahan ni PBBM, kasi nga kahit ang 1Sambayanan ay naniniwalang may mga labag sa batas na naipaloob sa 2025 national budget, period!


XXX


WALA NA YATANG FINANCIAL INSTITUTIONS SA MUNDO ANG GUSTONG MAGPAUTANG SA PILIPINAS, KAYA MARCOS ADMIN SA MGA LOCAL CREDITOR NA LANG NAGHAHANAP NG MAUUTANGAN -- Ayon sa Bureau of Treasury (BOT) ay nagpaplano raw ang Philippine gov’t. na mangutang ng P735 billion sa mga local creditor sa bansa.


Aba teka, tila wala ng mga financial institution sa iba’t ibang bansa ang nais magpautang sa Pilipinas kaya ang Marcos administration ay sa local creditors na sa ‘Pinas maghahanap ng mauutangan, buset!


XXX


PNP, BUMANTOT SA PAG-ARESTO KAY EX-P-DUTERTE, TAPOS PINABABANTOT DIN NI ‘MARCIAL’ SA KANYANG PROTECTION RACKET -- Hindi lang pala pangalan ng ilang opisyal ng PNP sa Camp Crame ang ginagamit ni “Marcial” sa pagbibigay proteksyon sa mga illegal logger sa lalawigan ng Rizal, kundi pati pala pangalan ni Rizal PNP Director Felipe Maraggun ay ginagasgas din nito sa protection racket niya sa ilegalistang nagngangalang “Aling Tessie” sa Taytay.


Pumapalo sa higit P350K ang kinikita ni “Marcial” weekly sa kanyang protection racket at dahil diyan ay nagkaroon daw ito ng ari-ariang resort sa Antipolo City.


Dapat aksyunan ng Camp Crame at Rizal PNP Office ang panggagamit sa kanila ni “Marcial” kasi sa totoo lang, bumantot na nga ang pangalan ng PNP dahil sa pag-aresto kay ex-P-Duterte kaya nakulong ang dating presidente sa International Criminal Court (ICC) jail, tapos may protektor pa ng mga ilegalistang nagdadagdag bantot sa kapulisan, boom!

 
 

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Mar. 28, 2025



Prangkahan ni Pablo Hernandez

DAMING NAG-PRAYER RALLY SA B-DAY NI EX-P-DUTERTE, PATUNAY ITO NA MARAMI PA RING NAGMAMAHAL SA KANYA -- Sa ika-80 kaarawan ni ex-P-Duterte ay maraming Duterte Diehard Supporters (DDS) ang nagsagawa ng prayer rally sa iba’t ibang panig ng bansa para ipagdasal na makalaya at makauwi na sa ‘Pinas ang dating presidente.

Patunay ang prayer rally na iyan na marami pa ring nagmamahal kay ex-P-Duterte, period!


XXX


KAYA AYAW UMUWI NG ‘PINAS NI ROQUE DAHIL ALAM NA AARESTUHIN SIYA SA NAIA -- Pagdating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) mula United States (US) ay agad inaresto ng mga otoridad si Mayor Ryanh Dolor ng Bauan, Batangas na kinontempt ng Kamara dahil sa pang-iisnab sa House hearing na may kaugnayan sa privatization ng Bauan Waterworks System.


Iyan ang dahilan kung kaya’t ayaw umuwi ng ‘Pinas si former presidential spokesman Harry Roque kasi may arrest order din sa kanya ang Kamara at alam niyang aarestuhin din siya pagdating niya sa NAIA, boom!


XXX


YARI ANG MGA NAG-FAKE NEWS NA MAY NAG-SUICIDE NA MAGSASAKA DAHIL SA LUGI -- Sa isinagawang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) ay sinabi nila na fake news na may magsasakang nagpakamatay dahil nalugi sa pagsasaka.

Sigurado, yari sa NBI ang nagpasimuno sa fake news na ito kasi sa lahat ng ayaw ng ahensya ay iyong mga nagsasagawa ng fake news para linlangin ang publiko, period!


XXX


KAPAG SUMAPI SI EX-SEN. KIKO SA SENATORIAL CANDIDATES NI PBBM, TIYAK PUPUTAKTIHIN SIYA NG BATIKOS -- Sabi ni former Sen. Kiko Pangilinan na fake news daw ang nabalitang siya na ang kapalit ni Sen. Imee Marcos sa senatorial candidates ng Marcos administration.


Kaya kapag isang araw ay nakita nating nasa entablado na ng Alyansa ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM) si Kiko, tiyak puputaktihin siya ng batikos ng netizens sa isyung ito.


Para iwas-batikos, dapat panindigan ni Kiko na hindi siya sasapi sa Alyansa senatorial slate ni PBBM, boom!

 
 

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Mar. 28, 2025



Prangkahan ni Pablo Hernandez

START NA NG KAMPANYAHAN SA LOCAL ELECTIONS KAYA’T MGA REELEKSYUNISTANG ‘NGANGA’ LANG SA PUWESTO, DAPAT IBASURA SA ELEKSYON -- Simula na ngayong araw ang kampanya ng mga kandidato sa local elections (governor, vice governor, district representatives, board member, mayor, vice mayor, at mga konsehal).


Kaya dapat suriin ng mga botante kung ano ang nagawa ng mga reeleksyunistang kandidato, at kapag nalaman nilang wala namang ginawa sa posisyon sa nakalipas na 3 taon, dapat ibasura na ng mamamayan ang mga ito, kasi kapag nanalo na naman, tiyak 3 taon na namang “nganga” lang ang mga ito sa puwesto, boom!


XXX


HINDI DAPAT IBINIBIDA NG DA ANG P45 PER KILO NG BIGAS DAHIL PARA SA MGA MAHIHIRAP, MAHAL PA RIN ANG GANITONG PRESYO -- Ibinida ng Dept. of Agriculture (DA) na simula raw sa March 31, 2025 ay oobligahin na ang mga rice trader na lagyan ng suggested retail price (SRP) na P45 per kilo ang mga itinitinda nilang bigas sa merkado.


Sa totoo lang, sa mahihirap na pamilya ay napakamahal pa rin ang P45 per kilo ng bigas, kaya hindi dapat ibinibida ‘yan ng DA, mga buset!


XXX


HINDI IA-ABOLISH NI PBBM ANG NTF-ELCAC, PONDO NITO PARANG CONFI FUNDS NA GINAGASTA NG WALANG KAAKIBAT NA RESIBO -- Sa kabila ng mga panawagan ng iba’t ibang sektor ng lipunan na i-abolish na ang red-tagger agency na National Task Force-End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ay wala raw plano si Pres. Bongbong Marcos (PBBM) na buwagin ang ahensyang ito ng gobyerno.


Hindi talaga ipapabuwag iyan ni PBBM kasi ang inilaang pondo riyan ay mala-confidential fund, ginagasta ng walang kaakibat na resibo sa katuwiran na para raw mapangalagaan ang seguridad ng mga rebeldeng nagbabalik-loob sa pamahalaan, boom!


XXX


SANA MAGPAKITANG-GILAS DIN SI COMMISSIONER VIADO SA PAGPAPAARESTO NG MGA BIGTIME FIXER SA BI -- Pitong opisyal ng Bureau of Immigration (BI) ang nasangkot sa mga katiwalian na sinibak daw ni BI Commissioner Joel Viado.


Sana hindi lang sa mga kurakot ng BI officials magpakitang-gilas si Comm. Viado, sana ganundin siya sa pamamagitan ng pag-aresto sa mga bigtime fixer na tulad nina alyas “Betty” at “Anna” na labas-masok sa imigrasyon, period!

 
 
RECOMMENDED
bottom of page