top of page
Search

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Apr. 5, 2025



Prangkahan ni Pablo Hernandez

RATING NINA PBBM AT SPEAKER ROMUALDEZ PAREHONG LUMAGAPAK -- Sa latest survey ng Publicus Asia ay parehong lumagapak ang ratings nina Pres. Bongbong Marcos (PBBM) at Speaker Martin Romualdez, 19% ang ibinagsak ng rating ni PBBM at 14% naman ang ibinulusok sa rating ni Speaker Romualdez.


Sa totoo lang, babagsak talaga ang rating ng magpinsang pulitiko dahil kapag boboladasin ni PBBM ang publiko sa mga nagawa kuno ng kanyang administrasyon, ang gagawin naman ni Speaker Romualdez ay pupurihin si PBBM kahit walang katotohanan ang ibinibida ng Pangulo sa mamamayan, boom!


XXX


MILYUN-MILYONG DAYCARE STUDENTS SA ‘PINAS, TAPOS 300 DAYCARE CENTERS LANG ANG IPAPAGAWA NG MARCOS ADMIN -- Ibinida ni Secretary Amenah Pangandaman ng Dept. of Budget and Management (DBM) na magpapagawa raw ang Marcos administration ng 300 daycare centers sa buong bansa.


Ganu’n?! Aba’y milyun-milyon ang mga daycare students sa buong Pilipinas tapos 300 daycare centers lang ipapagawa. Napakakuripot naman ng gobyernong ito, tsk!


XXX


MAY PA-SHOCK-SHOCK PANG NALALAMAN SI SP CHIZ SA LAKI NG GAGASTUSIN SA NEW SENATE BLDG., PERO IPAPATULOY DIN PALA ANG PAGPAPAGAWA NITO -- Nilagdaan na ni Senate Pres. Chiz Escudero ang architectural and engineering design ng New Senate Building, na ibig sabihin ay ipapatuloy na niya ang pagpapagawa sa mala-palasyong bagong gusaling ito ng Senado sa Taguig City.


Noong Hunyo 2024, ibinida ni SP Chiz sa publiko na na-shock daw siya sa laki ng gastos, worth P23 billion sa pagpapagawa ng New Senate Building kaya ipina-stop niya ang konstruksyon nito.


Hay naku, may pa-shock-shock pang nalalaman si SP Chiz sa laki ng gagastusin sa gusaling ito, ‘yun pala ipapatuloy din niya ang pagpapagawa ng New Senate Building, pwe!


XXX


PALAPIT NA NANG PALAPIT ANG KATAPUSAN NG MGA MALILIGAYANG ARAW NG MGA FAKE NEWS VLOGGER NA NASA IBANG BANSA -- Binigyan na ng go-signal ng Malacañang ang National Bureau of Investigation (NBI) para makipag-ugnayan sa Interpol upang dakpin ang mga Pinoy fake news vloggers na nasa ibang bansa at nagpapakalat ng pekeng balita laban sa Marcos administration.


Palapit na nang palapit ang katapusan ng maliligayang araw ng mga Pinoy fake news vloggers na nasa ibang bansa, abangan!

 
 

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Apr. 4, 2025



Prangkahan ni Pablo Hernandez

ICC IBINUKO ANG MARCOS ADMIN, ITO RAW ANG NAGDESISYONG ISUKO SI EX-P-DUTERTE -- Ibinuko ni International Criminal Court (ICC) spokesman Fadi El Abdallah na ang Marcos administration daw ang nagdesisyong isuko si dating Presidente Rodrigo Duterte sa ICC sa The Netherlands.


Kung ganu’n, parang sinabi na rin ni Abdallah na wala silang magagawa kung nagdesisyon ang Marcos admin na huwag isuko si ex-P-Duterte sa ICC, period!


XXX


MARCOS ADMIN, TIKLOP KAY SEN. IMEE -- Inisnab ng mga miyembro ng gabinete ni Pres. Bongbong Marcos ang ikalawang hearing ng Senado tungkol sa pag-aresto at pagpapakulong kay ex-P-Duterte sa ICC jail.


Ibig sabihin, tiklop ang Marcos admin kay Sen. Imee Marcos na namumuno sa imbestigasyong ito kaya tumanggi na ang Malacañang na padaluhin sa pagdinig ang mga miyembro ng gabinete ni PBBM, boom!


XXX


HUWAG MUNANG MAGSAYA ANG MGA MANGGAGAWA SA UTOS NI PBBM NA I-REVIEW ANG SUWELDO, BAKA HANGGANG REVIEW LANG, WALANG DAGDAG-SAHOD -- Inatasan ni PBBM ang lahat ng regional wage boards sa bansa na i-review ang mga sahod ng mga manggagawa sa private sector sa mga nasasakupan nilang rehiyon.


Opps, huwag munang magsaya ang mga manggagawa, kasi baka hanggang review lang iyan, dahil nga ang utos ni PBBM i-review lang, walang utos na magdagdag ng suweldo, period!


XXX


P5 DAGDAG-PASAHE SA LRT DINEDMA NG MGA SENATORIAL CANDIDATE NI PBBM KAYA DAPAT DEDMAHIN DIN NG MGA LRT COMMUTER SA ELEKSYON ANG MGA ‘MANOK’ NG MARCOS ADMIN SA PAGKA-SENADOR -- Wala isa man sa mga kandidatong senador ni PBBM ang kumontra sa P5 dagdag-pasahe na ipinatupad ng Light Rail Transit Line 1.


Dahil dedma lang sa isyung dagdag-pasahe sa LRT-1 ang mga senatorial candidate ni PBBM, ang dapat gawin ng mga LRT commuter ay dedmahin din nila ang kandidatura ng mga ‘manok’ ni PBBM sa pagka-senador, ibasura nila ang mga ito sa eleksyon, boom!

 
 

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Apr. 3, 2025



Prangkahan ni Pablo Hernandez

TAWAG SA MGA PULITIKO NA NANGANGAKONG NAPAPAKO, MGA TRAPO! -- Ito ang ilan sa mga pangako ng mga kumakandidato sa pagka-senador. Pabahay, trabaho, murang bigas, murang pagkain, mababang singil sa kuryente, tubig, pababain ang presyo ng gasolina, libreng gamot.


Ang tawag sa mga pulitikong nangangako ng ganyang klase ng mga pangako ay mga trapo (traditional politicians) kasi kapag sila ay naluklok na sa poder, mga pramis nila mapapako na, boom!


XXX


REELEKSYUNISTANG PARTYLISTS MGA ‘NGANGA’ SA OIL PRICE HIKE KAYA’T DAPAT TODA AKSYON PARTYLIST MAILUKLOK PARA MAY BABATIKOS SA DOE AT OIL COMPANIES -- Nagkaroon na naman ng bigtime oil price hike, pero ang mga partylist na may puwesto ngayon sa Kamara ay mga dedma lang, mga walang paki sa panibagong dagdag-dusa sa mga motorista.


Kabilang sa tinamaan sa bigtime oil price hike na ito ay mga tricycle driver, kaya’t panawagan natin sa mga miyembro ng Tricycle Operators and Drivers Association (TODA), kung nais ninyong magkaroon ng boses sa Kamara ang inyong sektor, suportahan n’yo ang TODA Aksyon Partylist para kapag may mga ganyang pahirap na taas-presyo sa mga produktong petrolyo, may babatikos sa Dept. of Energy (DOE) at sa oil companies, period!


XXX


PINANINDIGAN NAMAN NI SEC. GATCHALIAN NA WALANG PULITIKONG MAKAKA-EPAL SA PRO-POOR PROGRAM NG DSWD KAYA'T SANA ANG AKAP HINDI NA KAINITAN NG CIVIL SOCIETY GROUPS – Tila walang puso sa mga mahihirap na kababayan ang mga civil society group na nagsampa ng petisyon sa Supreme Court (SC) na humihiling na ipatigil ang implementasyon ng Ayuda sa Kapos ang kita Program (AKAP) sa panahon ng eleksyon.


Hindi naman mga pulitiko ang nakikinabang dito kundi ang mga mahihirap na Pinoy, at pinatunayan naman ni Dept. of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian na wala siyang pinapormang politicians sa pamamahagi ng AKAP at iba pang pro-poor program ng kagawaran, kaya’t sana hindi na kinaiinitan ng civil society groups ang mga programang pangmahirap ng kagawaran.


Palibhasa kasi mga rich ang mga miyembro ng civil society groups kaya’t hindi nila ramdam ang dinaranas na kahirapan ng mga maralitang Pinoy, boom!


XXX


MAY ‘PROTECTION RACKET SYNDICATE’ NA RIN SA CALABARZON -- Sa jurisdiction ni PNP-Region 4-A Director, Brig. Gen. Kenneth Lucas sa Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon (CALABARZON) ay pumutok ang mga pangalang "Tata Obet," "Adlawan" at "Dimapeles" na sangkot daw sa protection racket sa mga ilegalista sa mga lalawigang ito.


Parami na nang parami ang mga nasasangkot sa protection racket kaya’t kapag walang ginawang aksyon si PNP Chief Gen. Rommel Marbil para hulihin ang mga ito, darating ang panahon na bawat rehiyon sa bansa, may mga protection racket syndicate na, period!

 
 
RECOMMENDED
bottom of page