top of page
Search

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Apr. 10, 2025



Prangkahan ni Pablo Hernandez

MATAPOS MABULGAR NA SI ROQUE ANG PASIMUNO NG PEKENG ‘POLVORON VIDEO’ NI PBBM, ASAHAN NIYANG MALUPIT NA RESBAK SA KANYA NG MARCOS ADMIN -- Sa hearing ng Tri-Committee ng Kamara tungkol sa fake news ay sinabi ng vlogger na si Pebbles Cunanan na si former presidential spokesman Harry Roque raw ang pasimuno sa paggawa ng “polvoron video” na pineke at pinagmukhang si Pres. Bongbong Marcos (PBBM) ang taong nasa video na sumisinghot ng cocaine.

Dahil sa ibinulgar na iyan ni Cunanan, asahan na ni Roque ang malupit na resbak na gagawin sa kanya ng Marcos administration, abangan!


XXX


MARCOS ADMIN UTANG NANG UTANG WALA NAMANG PROYEKTONG PINAGAGAWA – Inanunsyo ng Bureau of Treasury (BOT) na nitong nakalipas na buwan ng Pebrero 2025 ay nangutang ang Marcos administration ng P340 billion sa mga financial institution sa mundo.


Saan kaya napupunta ang mga inuutang ng Marcos admin, kasi utang nang utang tapos wala namang naibabalitang proyektong pinagagawa ang gobyerno, tsk!


XXX


MAJORITY NG MGA TRAPO SA SENADO AT KAMARA, TIYAK TUTUTULAN NA IPAGBAWAL ANG POLITICAL DYNASTY -- Pinagkokomento ng Supreme Court (SC) ang Senado at Kamara tungkol sa petisyon ng Kapatiran Partylist at 1Sambayanan na dapat ipagbawal na ang political dynasty sa bansa.


Sa rami ng mga trapo (traditional politicians) sa Senado at Kamara na may mga “Kamag-anak Inc.” sa pulitika, tiyak majority sa kanila tututulan na ipagbawal ang political dynasty sa ‘Pinas, period!


XXX


PAMILYA NINA SENATORS BONG GO, DELA ROSA AT FORMER SENATORS LACSON AT PANGILINAN, HINDI SUWAPANG SA POSISYON KAYA WALA SILANG POLITICAL DYNASTY – Sa mga reeleksyunista sa pagka-senador at sa mga dating senador na muling kumandidato sa eleksyon, sina Sen. Bong Go, Sen. Ronald Dela Rosa, former Sen. Kiko Pangilinan at former Sen. Ping Lacson lang ang walang political dynasty.


Ibig sabihin niyan, na ‘yung mga kapamilya nila ay hindi suwapang sa posisyon, palakpakan naman diyan!

 
 

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Apr. 9, 2025



Prangkahan ni Pablo Hernandez

IMBES MAGPAKITA NG MORAL SUPPORT, IDINA-DOWN PA LALO NI ENRILE SI EX-PDU30 -- Sinabi ni Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile na malaki ang kanyang paniniwala na hindi na makakabalik sa Pilipinas si dating Presidente Rodrigo Duterte na nakakulong ngayon sa International Criminal Court (ICC) jail sa The Netherlands.


Noong si ex-PDu30 pa ang pangulo ng Pilipinas ay isa si Enrile sa mga todong sumisipsip sa kanya, pero ngayon nakakulong na ang ex-president sa ICC jail, imbes magpakita ng moral support, idina-down pa niyang lalo, tsk!


XXX


MASAKIT SA PAMILYA DUTERTE ANG GINAWA NI PBBM -- Masakit talaga sa pamilya Duterte ang ginawa sa kanila ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM).


Noong 2022 presidential election puwede naman kumandidato sa pagka-presidente si Vice Pres. Sara Duterte-Carpio, pero nagparaya siya at nag-bise na lang sa dating private citizen na Bongbong Marcos. Nagtodo kampanya sa kanya ang mga Duterte kaya ibinoto ng milyun-milyong Duterte Diehard Supporters (DDS) at nang manalo at maging presidente, pinaimbestigahan ang confidential funds ni VP Sara, sinampahan ng impeachment complaint ang bise presidente at ang matindi, hinuli at isinurender si ex-PDu30 sa ICC, tsk!


XXX


SA RAMI NG MGA PULITIKONG PARANG WALA SA WASTONG PAG-IISIP, DAPAT GUMAWA NG BATAS ANG KONGRESO NA ISAMA SA REQUIREMENTS NG COMELEC ANG NEURO TEST SA MGA KAKANDIDATO -- Dapat gumawa ng batas ang Kongreso na isama na sa requirements sa mga kakandidato sa eleksyon ang neuro test.

May mga pulitiko kasing nagsipag-file ng candidacy na pinayagan ng Comelec na kumandidato na parang wala sa mga wastong pag-iisip.


Sa Bicol, may kandidatong nagsabi ng patungkol sa hitsura ng mga babae kapag nakikipagtalik. Sa Metro Manila, may kandidatong puwede raw siyang pilahan ng mga babaeng solo parents at sa Mindanao ay may kandidatong nagsabing dapat daw magaganda ang mga babaeng nurse, hindi pangit.


Hindi katanggap-tanggap sa mga kababaihan ang ganyang mga statement sa pangangampanya, kaya’t para matigil na ang pambabastos at panlalait sa mga kababaihan, dapat na talagang isama sa requirements ng mga kakandidato ang neuro test, period!


XXX


MGA KANDIDATONG NAMBABASTOS AT NANLALAIT NG MGA KABABAIHAN DAPAT IBASURA SA ELEKSYON -- Ang mga kandidatong nambabastos at nanlalait sa mga kababaihan ay dapat ibasura sa eleksyon.


Kapag ibinoto pa kasi ang mga iyan at mga nagsipagpanalo, tiyak na hindi titigil ang mga iyan sa pambabastos at panlalait sa mga kababaihan, at baka ang mangyari ay gayahin pa ng iba, sabihin na nananalo sa eleksyon ang mga kandidatong lalaki na nambabastos at nanlalait ng mga girls, boom!



 
 

ni Ka Ambo @Bistado | Apr. 8, 2025



Bistado ni Ka Ambo

May nagtatanong, tama lang ba na imbestigahan sa publiko ang isang “confidential fund”?


Ang sagot dito ay nakabatay sa depinisyon kung ano ang ibig sabihin ng “confidential?


----$$$--


ETO ang sagot ng ms EDGE co-pilot: “The word ‘confidential’ refers to something that is meant to be kept private or secret, and not shared with unauthorized people. It’s often used to describe sensitive information, documents, or discussions that require discretion or restricted access for security, privacy, or trust purposes. For example, personal data, legal documents, or classified government files are often labeled as ‘confidential’.”


-----$$$---


IPA-TAGALOG natin:“Ang salitang ‘confidential’ ay nangangahulugang isang bagay na kailangang manatiling pribado o lihim, at hindi dapat ibahagi sa mga hindi awtorisadong tao. Karaniwang ginagamit ito upang ilarawan ang mga sensitibong impormasyon, dokumento, o usapan na nangangailangan ng pagiging maingat o limitadong access para sa seguridad, pagkapribado, o tiwala.”


Kayo na lang ang umunawa at sumagot kung tama bang isapubliko ang “confidential fund”.


Kapag isinapubliko ang isang “confidential”, mayroon bang batas o moralidad na nilalabag?


Naririyan ang aktuwal na argumento at konteksto ng isyu  at hindi sa “teksto” o content nito.


-----$$$--


SA ngayon ang pinag-uusapan ay ang teksto o nilalaman ng “confidential fund record” — pero iyan ay dapat sinusuri batay sa konteksto ng sitwasyon.


Iyan ay isang mahalagang argumento at diskusyon sa nakatakdang impeachment trial laban kay VP Sara.


----$$$--


AT ano ang pagkakaiba ng impeachment trial kina Pareng Erap, ex-Chief Justice Renato Corona at VP Sara?


Ang mga sinuri ay karaniwang public records sa kaso nina Erap at Corona partikular ang SALN.


Pero sa kaso ni VP Sara, confidential records ang sinuri at may epekto ito sa seguridad ng bansa — dahil ang ilan dito ay ginastos laban sa mga sa pinaniniwalaang “kaaway” ng Republika ng Pilipinas.


---$$$--


ISA ring maselang termino sa depinisyon ng “confidential’ ay ang “discretion”.

Ano ba ang discretion?


----$$$--


ERE ang depinisyon ng discretion: It refers to the ability to make responsible decisions or judgments, especially in sensitive situations. It involves using one’s good judgment to act wisely, maintain confidentiality, or avoid causing harm. Discretion is often associated with tact, prudence, and careful consideration of circumstances before taking action or speaking. For example, showing discretion might mean choosing not to share someone’s personal information without their consent or handling delicate matters with thoughtfulness and care. It’s a valuable trait that reflects maturity and respect for others.


-----$$$--


NARITO ang katumbas sa Tagalog: Ang discretion ay tumutukoy sa kakayahang gumawa ng responsableng desisyon o hatol, lalo na sa mga sensitibong sitwasyon. Kasama rito ang paggamit ng mabuting pag-iisip upang kumilos nang maingat, magpanatili ng pagiging kompidensiyal, o umiwas sa paglikha ng pinsala. Kaugnay ito ng pagiging maingat, maingat na pagsusuri, at pag-unawa sa mga kalagayan bago kumilos o magsalita.


Halimbawa, ang pagpapakita ng discretion ay maaaring mangahulugan ng pagpili na huwag ibahagi ang personal na impormasyon ng iba nang walang pahintulot o paghawak sa maseselang usapin nang may maalalahanin at maingat na paraan.


-----$$$--


SIMPLENG sentido kumon ay madaling maunawaan kung dapat pang ipropaganda sa media ang isyu hinggil sa confidential fund.


Hindi na tayo magbibigay ng anumang paliwanag sa isyu upang makaiwas tayo sa emosyon o personal na opinyon.


Ang inilahad natin — ay napakateknikal at walang halong pagkampi o pagpanig.

Makatulong sana ito upang makapagsuri ang ordinaryong tao at maging ang mga ekspertu-ekspertuhan nating mga kababayan.


'''''''Maraming salamat.



Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page