top of page
Search

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Apr. 13, 2025



Prangkahan ni Pablo Hernandez

RATING NI PBBM PABABA NANG PABABA, RATING NI VP SARA PATAAS NANG PATAAS -- Sa latest survey na inilabas ng WR Numero Research Firm ay tumaas ng 9% ang rating ni Vice Pres. Sara Duterte-Carpio, na mula sa 41% noong Pebrero 2025, ay naging 50% na ito, samantalang 1% naman ang ibinaba ng rating ni Pres. Bongbong Marcos na mula sa 30% noong Pebrero 2025 din, ay 29% na lang ito ngayong buwan.


Masamang pangitain iyan sa Marcos administration kasi nakikita na ang rating ni VP Sara ay pataas nang pataas, habang pababa naman nang pababa ang rating ni PBBM, boom!


XXX


PAG-TOP NI SEN. BONG GO AT PAMAMAYAGPAG NG IBA PANG SENATORIAL CANDIDATES NI EX-PDU30 SA SURVEY PATUNAY NA GALIT ANG MAJORITY PINOY KAY PBBM -- Sa mga latest survey ng iba’t ibang survey firms patungkol sa mga senatorial candidate ay laging top o rank number 1 na si Sen. Bong Go, matatag na rin si Sen. Ronald Dela Rosa na nagra-rank 5-7, at pumapasok din sa mga contender sa rank 11 at 12 sina actor Philip Salvador at Sagip Partylist Rep. Rodante Marcoleta.


Ang pamamayagpag ng mga senatorial candidate ni ex-PDu30 sa senatorial election ang magpapatunay na majority Pinoy ang nagalit kay PBBM sa ginawang paghuli ng kanyang administrasyon at pagpapakulong sa dating presidente sa International Criminal Court (ICC) jail sa The Netherlands, period!


XXX


DAPAT LANG IBASURA NI PBBM NA MAGING PINOY ANG CHINESE NA SI LU DUAN WANG --Vineto o ni-reject ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM) ang panukalang Filipino citizenship ni Li Duan Wang, negosyanteng Chinese na nakabase sa Pilipinas.


Tama talaga ang desisyon na iyan ni PBBM kasi pulos pambu-bully na ang ginagawa ng China sa ‘Pinas sa isyu ng West Philippine Sea (WPS), tapos itong Chinese na ito gusto pang maging Filipino citizen, pwe!


XXX


NAKIKITA NG PUBLIKO NA MALAPIT NANG MA-BILIBID SI BISTEK -- Ibinasura ng Sandiganbayan ang hirit na motion for reconsideration ni former Quezon City Mayor Herbert Bautista na ipawalang-sala siya sa kinasasangkutan niyang P32 million graft case na may kaugnayan sa maanomalyang tracking system project noong siya pa ang alkalde ng lungsod.


Dahil diyan ay nakikini-kinita na ng sambayanang Pinoy na malapit nang ma-Bilibid si Bistek, abangan!


 
 

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Apr. 12, 2025



Prangkahan ni Pablo Hernandez

MALILINTIKAN KAY SEC. GATCHALIAN ANG MGA KANDIDATONG GAGAWING PUNCHLINE ANG MGA MAY KAPANSANAN, SOLO PARENTS AT MATATANDA -- Binalaan ni Dept. of Social Welfare and Development (DSWD) Sec. Rex Gatchalian ang mga kandidato na huwag gawing punchline ang mga may kapansanan, solo parents at mga matatanda dahil hindi siya mangingiming sampahan ng kaso ang mga ito.


Ang babala na iyan ni Secretary Gatchalian ay dapat isalpak ng mga kandidato sa kanilang mga utak kasi hindi nagbibiro ang kalihim sa kanyang babala, tiyak na may paglalagyan, malilintikan sila kapag ginawa nilang punchline ang mga may kapansanan, solo parents at mga matatanda, period!


XXX


SP ESCUDERO ANDAP SA MARCOS ADMIN KAYA HINDI INAPRUB ANG PAGPAPAKULONG KAY LACANILAO -- Hindi inaprub ni Senate President Chiz Escudero ang pagpapakulong kay Special Envoy Transnational Crime Ambassador Markus Lacanilao na ikinontempt nina Sen. Imee Marcos at Sen. Ronald Dela Rosa.


Ang ginawang ito ni SP Escudero ay pagpapakita na andap siya sa Marcos administration kaya tinabla niya ang pag-contempt nina Sen. Imee at Sen. Dela Rosa kay Lacanilao, ang ambassador na nakipag-ugnayan sa Interpol para dakpin sa Pilipinas at ikulong sa International Criminal Court (ICC) jail sa The Netherlands, tsk!


XXX


SANA LAGING OIL PRICE ROLLBACK ANG IAANUNSYO NG DOE, HUWAG MUNANG OIL PRICE HIKE -- Inanunsyo ng Dept. of Energy (DOE) na may oil price rollback sa panahon ng Holy Week.


Sana laging oil price rollback ang iaanunsyo ng DOE at wala na munang oil price hike kasi nga ubod na ng taas ng presyo ng mga produktong petrolyo sa ‘Pinas, boom!


XXX


SENATORIAL CANDIDATE NA SANGKOT SA VOTE BUYING DAPAT HUBARAN NG MASKARA -- Isang senatorial candidate ang iniimbestigahan ng Comelec tungkol sa isyu ng vote buying, gayunman ay hindi siya (senatorial candidate) pinangalanan ng komisyon.


Dapat hubaran ng maskara at ilantad ng Comelec sa publiko ang pangalan ng senatorial candidate na ito para maibasura siya sa eleksyon ng mga mamamayan, period!

 
 

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Apr. 11, 2025



Prangkahan ni Pablo Hernandez

MALAPIT NANG MAWALAN NG PAGKAKAKITAAN ANG MGA BAYARANG FAKE NEWS VLOGGERS -- Sa pagdinig ng Tri-Committee ng Kamara ay nangako ang Meta, kumpanyang may-ari ng Facebook na makikipagtulungan sila sa Philippine gov’t. para labanan ang fake news sa social media.


Dahil sa statement na iyan ng Meta tiyak natorete ang mga bayarang fake news vlogger kasi nakikita na nila na malapit na silang mawalan ng pagkakakitaan sa paggawa ng

mga fake news, period!


XXX


KAPAG HINDI TINIGILAN NG PSA ANG KAPI-FAKE NEWS BAKA TAMAAN SILA SA GAGAWING PAGLABAN NG META SA FAKE NEWS -- Inanunsyo ng Philippine Statistics Authority (PSA) na bumaba raw ang bilang ng mga nawalan ng trabaho sa ‘Pinas.


Dahil sa sinabing iyan ng PSA ay pinutakti na naman sila ng batikos sa social media kasi nga maituturing itong fake news dahil sa totoo lang, ang daming jobless Pinoy sa bansa.

Kapag hindi tinigilan ng PSA ang kapi-fake news para lang pabanguhin ang Marcos admin, malamang pati sila (PSA) tamaan sa gagawing paglaban ng Meta sa fake news, boom!


XXX


ANG PAMBABASTOS SA KABABAIHAN HINDI PARTE NG FREEDOM OF SPEECH -- Ayon kay Atty. Ian Sia, kandidato sa pagka-kongresista ng Pasig City na bahagi raw ng freedom of speech ang sinabi niyang puwedeng pumila sa kanya ang mga babaeng solo parent.


Sablay ang palusot na iyan ni Atty. Sia dahil ang pambabastos sa kababaihan ay hindi puwedeng maging parte ng freedom of speech, period!


XXX


PARA HINDI MAWALAN NG HANAPBUHAY, DAPAT IWASAN MUNA NG MGA KAWANI NG GOBYERNO MAG-LIKE, COMMENT AT SHARE SA POST NG MGA KANDIDATO -- Nagpalabas ng kautusan ang Civil Service Commission (CSC) sa mga kawani ng pamahalaan na nagbabawal sa mga ito na mag-like, mag-comment at mag-share sa mga post sa social media ng mga kandidato dahil kapag ito ay kanilang nilabag, magdudulot ito upang sila ay mawalan ng trabaho.


Napakasimple ng panawagan ng CSC kaya para hindi sila mawalan ng hanapbuhay, dapat sundin ng mga kawani ng gobyerno ang panawagan ng CSC, boom!

 
 
RECOMMENDED
bottom of page