top of page
Search

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | May 13, 2025



Prangkahan ni Pablo Hernandez

DAMING KARAHASAN SA ARAW NG HALALAN AT PATUNAY IYAN NA SABLAY ANG SINABI NI CHAIRMAN GARCIA NA MAPAYAPANG MATATAPOS ANG ELEKSYON SA ‘PINAS -- Napakaraming report ng karahasan ang naganap kahapon sa iba’t ibang lugar sa bansa habang idinadaos ang halalan.


Patunay iyan na sablay ang sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na titiyakin daw niya na magiging mapayapa ang election day sa ‘Pinas, boom!


XXX


BALOTA INILUWA NG ACM DAHIL SA INIT NG PANAHON, KUNG GANU’N TULAD NG SMARTMATIC, PALPAK DIN PALA ANG MIRU -- Sinabi ni Comelec Chairman Garcia na ilang Automated Counting Machine (ACM) daw ang nagluwa ng balota dahil sa init ng panahon.


Sabi noon ni Chairman Garcia wala raw siyang nakikitang problema sa ACM ng Miru Systems Co. Ltd na ipinalit nila sa Smartmatic, meron palang palpak sa araw ng halalan, tsk!


XXX


KOREK SI VP SARA NA ‘DI SESERYOSOHIN NG KAMARA ANG IMPEACHMENT KAY PBBM DAHIL ALANGAN NAMANG IPAHAMAK NI ROMUALDEZ ANG PINSANG PRESIDENTE -- Ayon kay Vice Pres. Sara Duterte-Carpio na hindi raw seseryosohin ng Kamara ang inihaing impeachment case ng Duterte Youth Partylist kay Pres. Bongbong Marcos (PBBM).


Korek si VP Sara, dahil alangan namang ipahamak ni Speaker Martin Romualdez ang pinsan niyang presidente kaya ang mangyayari riyan pagbukas ng sesyon, automatic reject agad ang impeachment case na iyan na isinampa ng Duterte Youth Partylist laban kay PBBM, period!


XXX


PAGSASAMPA NG KASO NG PNP SA FAKE NEWS VLOGGER, DAPAT MAGING ARAL SA MGA FAKE NEWS VLOGGERS SA ‘PINAS -- Patung-patong na kaso ang isinampa ng Philippine National Police (PNP) laban sa vlogger na nagpakalat ng fake news na ni-raid daw ng pulisya ang bahay ni ex-P-Duterte sa Davao City.


Maging aral sana iyan sa mga vloggers na mahilig magpakalat ng fake news sa social media, dahil sa totoo lang, sinsero ang PNP, maging ang National Bureau of Investigation (NBI) na kasuhan ang mga fake news vloggers sa ‘Pinas, boom!


 
 

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | May 11, 2025



Prangkahan ni Pablo Hernandez

DAMI PA RIN BANG BOBOTANTE O KAUNTI NA LANG? -- Election day na. Mamayang gabi ay diyan natin malalaman kung natuto na sa tamang pagboto ang mga kababayan natin.


Kapag natalo ang mga trapo (traditional politician) at political dynasty, ibig sabihin alam na ng mamamayan ang tamang pagboto, pero kapag nagwagi pa rin sila (trapo at ‘Kamag-anak Inc.’) ibig sabihin ay bobotante pa rin sila, boom!


XXX


LALONG TUMAGILID ANG KANDIDATURA NI KIKO PANGILINAN DAHIL SA FAKE NEWS -- Fake news pala ang kumalat sa social media na kapag nanalo ay susuportahan daw ni senatorial candidate, former Sen. Kiko Pangilinan na ma-impeach si Vice Pres. Sara Duterte-Carpio.


Sa totoo lang, kahit fake news iyan ay may epekto ‘yan sa kandidatura ni Pangilinan kasi ang daming Duterte Diehard Supporters (DDS) ang nagalit sa kanya.

Hay naku, hindi na nga makapasok sa top 12 senatorial survey si Pangilinan, tapos dinale pa ng fake news, at dahil diyan lalong tumagilid ang kanyang kandidatura, tsk!


XXX


MAS GUSTO NG MAJORITY PINOY NA IBINOBOTO ANG MGA SIKAT NA KAPAG NANALO ‘NGANGA’ LANG SA SENADO -- Magaganda ang plataporma ng mga hindi popular na kandidato sa pagka-senador, talaga naman at kung susuriin ang kanilang mga sinasabi ay para talaga sa kapakanan ng mga mahihirap ang gusto nilang gawing mga batas sa Senado.


Ang problema, hindi sila sikat kaya malabo silang manalo, dahil ang gustong ibinoboto ng mayoryang Pinoy ay mga sikat na kapag nanalo “nganga” lang sa Senado, boom!


XXX


SANA TULUY-TULOY NA P20/KILONG BIGAS SA KADIWA -- Sa Martes (May 13,2025) sisimulan na raw ng Dept. of Agriculture (DA) ang pagbebenta ng P20 per kilong bigas sa mga Kadiwa stores sa Metro Manila.


Okey na rin iyan kahit sa mga Kadiwa stores lang, at sana magtuluy-tuloy iyan para sa kapakanan ng mga mahihirap nating mga kababayan, period!




 
 

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | May 11, 2025



Prangkahan ni Pablo Hernandez

IMPEACHMENT VS PBBM INISMOL LANG, PERO HALATANG ‘NGARAG SA TAKOT’ KAYA ROMUALDEZ AYAW AKSYUNAN -- Inismol ng Malacanang ang impeachment case na isinampa ng Duterte Youth Partylist laban kay Pres. Bongbong Marcos (PBBM).

Inismol pero halatang “ngarag sa takot”, kasi ayaw aksyunan ni Speaker Martin Romualdez, kesyo wala pa raw sesyon kaya hindi pa sila kumikilos, boom!


XXX


SEN. BONG GO, TOP NA SA SENATORIAL SURVEY, TOP PA SA SATISFACTION RATING NG 19TH CONGRESS -- Hindi lang sa 2025 senatorial survey nagta-top si Sen. Bong Go, kundi pati satisfaction ratings tungkol performance ng mga senador sa 19th Congress.

Si Sen. Bong Go rin kasi ang nag-top sa gradong 60.80% sa satisfaction ratings ng mga senador sa 19th Congress, na pagpapatunay na nasisiyahan ang taumbayan sa kanyang paglilingkod sa bayan at sa mga Pinoy, period!


XXX


HINDI MAN AMININ TIYAK KABADO ANG 8 ‘MANOK’ NI PBBM SA PAGKA-SENADOR NA HINDI NADALA NG INC -- Tatlo sa senatorial candidate ni PBBM ang inendorso ng kapatiran ng Iglesia ni Cristo (INC), at sila ay sina Sen. Bong Revilla, Sen. Pia Cayetano at Las Pinas City Rep. Camille Villar.


Dahil tatlo lang ang binitbit, hindi man aminin ay tiyak kakaba-kaba na ang walong “manok” ni PBBM sa pagka-senador na hindi inendorso ng INC, boom!


XXX


MGA DATING PAGCOR OFFICIALS NA HINATULANG MAKULONG NG 100 TAON SA SELDA NA MABUBULOK -- Hinatulan ng Sandiganbayan ng 100 taong kulong si dating Philippine Amusement and Gaming Corp. (Pagcor) Chairman Efraim Genuino at apat pang dating opisyal nito dahil sa patung-patong na kasong graft at malversation sa maling paggamit ng higit P50 million pondo ng Pagcor.


Aba’y kung ganyan katagal ang hatol, tiyak mabubulok na sila sa kulungan, period!





 
 
RECOMMENDED
bottom of page