top of page
Search

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | September 11, 2025



Prangkahan ni Pablo Hernandez


MAHUSAY NA NAGAMPANAN NI SEN. BONG GO ANG PAGIGING CHAIRMAN NG COMMITTEE ON HEALTH, TAPOS TINANGGAL DITO NI NEWLY ELECTED SP TITO SOTTO -- Ang pinaka-bad na nangyari sa pagpapalit ng liderato sa Senado ay nang alisin ni newly elected Senate President Tito Sotto si Sen. Bong Go bilang chairman ng Senate Committee on Health and Demography, at ang komite na ito ay ibinigay kay Sen. Risa Hontiveros.


Mahusay na ginampanan ni Sen. Bong Go ang pamumuno sa Committee on Health, isinulong niya ang Malasakit Center Act kaya naging free hospitalization na ang mga pampublikong ospital. Itinaguyod niya ang Super Health Center na inilalagay sa bawat lungsod at munisipalidad para naman sa libreng laboratory test, ultrasound, paanakan, at may isolation room. Nagsulong din siya na dagdagan ng kama ang mga public hospital para hindi nagsisiksikan sa isang kama ang mga pasyente. Isinulong niya na magkaroon ng Philippine Senior Citizens Hospital para sa mga lolo at lola. Itinaguyod niya ang Overseas Filipino Workers Hospital para rito na magpagamot ang mga OFW pati ang kanilang mga pamilya. Ipinaglalaban niya ang karapatan ng mga health workers. Isinulong niya na mapagkalooban ng PhilHealth card ang lahat ng mga Pilipino. Ipinaglaban niyang maibalik sa PhilHealth ang higit P74 billion na tinanggal sa Bicameral Conference Committee, at marami pa siyang nagawa para sa health care ng sambayanang Pinoy.


Sa kabila ng mga nagawang ito ni Sen. Bong Go at marami pa sana siyang gagawin para sa kapakanan ng mamamayan, tinanggal siya ni SP Sotto bilang chairman ng Committee on Health, tsk!


XXX


NABULGAR NA ANG APPOINTEE NOON NI PBBM SA DPWH NA SI ENGR. BONOAN, MAY ANAK PALANG KONTRAKTOR -- Ibinulgar ni Sen. Ping Lacson na si resigned DPWH Sec. Bonoan ay may anak palang kontraktor na nakakopo rin ng mga kontrata sa gobyerno.


Sablay pala ang pagtatalaga noon ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM) kay Engr. Manuel Bonoan bilang kalihim ng DPWH, boom! 


XXX


IMBES HUMIRIT NG MARATHON HEARING SI ATTY. KAUFMAN SA ICC PARA MABILIS MAKALAYA SI FPRRD, PINA-POSTPONE PA KAYA ASAHANG MAGTATAGAL SA ICC JAIL ANG EX-PRESIDENT -- Sablay yata ang defense counsel ni former Pres. Rodrigo Roa Duterte (FPRRD) dahil  imbes humirit ng marathon hearing at ipakita nila ang husay sa pagtatanggol sa ex-president upang makalaya at makauwi na ito ng Pilipinas, mantakin n’yong pina-postpone pa ni Atty. Nicholas Kaufman ang nakatakda sanang hearing sa Sept. 23, 2025 sa International Criminal Court (ICC).


Dahil diyan ay asahan nang lalong magtatagal sa pagkakakulong ang dating presidente sa ICC jail sa The Netherlands, tsk! 


XXX


PARA MATIGIL ANG PANGRARAKET NI ALYAS ‘MELAD’ SA MGA TAGA-TUGUEGARAO CITY, DAPAT IPAHULI NA NI MAYORA MAILA TING QUE KAY COL. URANI -- Isang alyas "Melad" daw ang may raket na puwesto-pihong "dice" sa Tuguegarao City.


Dapat ipahuli agad ni Mayora Maila Ting Que kay city chief of police Col. Darwin Urani si "Melad" para matigil na ang pangraraket nito sa mga taga-Tuguegarao City, period!


 
 

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | September 10, 2025



Prangkahan ni Pablo Hernandez


WALANG ‘K’ MAGING STATE WITNESS ANG MAG-ASAWANG DISCAYA DAHIL SILA ANG MOST GUILTY SA FLOOD CONTROL SCAM -- Walang “K” o karapatan ang mag-asawang Curlee at Sarah Discaya na maging state witness ng pamahalaan laban sa mga sinasabi nilang mga kongresista at Dept. of Public Works and Highways (DPWH) officials na tumatanggap umano sa kanila ng kickback mula sa mga flood control project na ipinagkakaloob sa kanila ng DPWH.s


Sa ipinakita nilang yaman, karangyaan sa buhay, sangkatutak na luxury cars, mala-palasyong tahanan at mga mamahaling kagamitan ay hindi least guilty ang mag-asawang Discaya, kundi sila ang most guilty sa ‘pang-i-scam’ sa kaban ng bayan, boom!


XXX


ANG SINUNGALING NA KAPATID NG MAGNANAKAW, HINDI DAPAT GAWING STATE WITNESS -- Ang mag-asawang Discaya ay nuknukan ng sinungaling kasi ang sinabi nila na kesyo dahil daw sa laki ng porsyentong kickback na hinihingi sa kanila ng mga kongresista at DPWH officials ay halos 2% hanggang 3% na lang daw ang kinikita nila sa kanilang mga proyekto, at kung minsan daw ay nalulugi pa sila, na ang paawa effect nilang ito sa Senate Blue Ribbon Committee ay taliwas sa lifestyle at karangyaan sa pamumuhay na ipinakita ng pamilya Discaya sa publiko.


Sabi nga nina Sen. Kiko Pangilinan, ang sinungaling ay kapatid ng magnanakaw at si Pasig City Mayor Vico Sotto naman ay ang sinungaling asawa ng magnanakaw, at dahil liar ang mag-asawang Discaya at sangkot pa sila sa pang-i-scam sa kaban ng bayan, hindi talaga sila puwedeng maging state witness, period! 


XXX


NAHUHUBARAN NA NG MASKARA ANG MGA NAGPAPANGGAP NA MGA LINGKOD-BAYAN DAHIL MGA KURAKOT PALA SILA -- Matapos isangkot ng mag-asawang Discaya sa Senate Blue Ribbon Committee sa kickback sa mga proyekto ang ilang kongresista, ay isinangkot naman ni DPWH-Bulacan Asst. District 1 Engr. Brice Hernandez sa House Infra Committee sa DPWH projects scam sina Sen. Jinggoy Estrada at Sen. Joel Villanueva.


Mainam din ang ginawang pagbubulgar ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM) sa flood control projects scam, dahil diyan ay nahuhubaran ng maskara ang mga nagpapanggap na mga lingkod-bayan, iyon pala mga kurakot, tsk!


XXX


INAKALA NG MGA DDS SI SPEAKER ROMUALDEZ ANG MAPAPATALSIK, ANG MASAKLAP ANG NAPATALSIK SA PAGKA-SENATE PRESIDENTE KAPWA NILA DDS NA SI SEN. ESCUDERO -- Nang isangkot ng mag-asawang Discaya sina Speaker Martin Romualdez at former House Appropriations Committee Chairman, Ako Bikol Partylist Rep. Elizaldy Co ay nagbunyi ang mga Duterte Diehard Supporters (DDS), nagsipag-post sila sa social media na patalsikin na si Speaker Romualdez.


Ang masaklap, hindi nangyari ang gusto ng mga DDS na mapatalsik sa puwesto si Speaker Romualdez, at sa halip ang kapwa nila DDS na si Sen. Chiz Escudero ang napatalsik bilang Senate president, pinalitan siya ni SP Tito Sotto, boom!

 
 

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | September 9, 2025



Prangkahan ni Pablo Hernandez


ASAHAN NA NG MAG-ASAWANG DISCAYA NA SANGKATUTAK NA PLUNDER CASE ANG KAKAHARAPIN DAHIL SANDAMAKMAK NA PERA NG BAYAN ANG ‘IN-SCAM’ NILA -- Noong August 31, 2025 ay sinabi ng kontraktor na si Curlee Discaya na hindi raw sila tatakas palabas ng Pilipinas dahil wala raw silang ghost projects, at sa pagharap naman ng kanyang misis na kontratista rin sa imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee, ang mga construction firms daw nila ay hindi sangkot sa mga ghost project.


Pero nabuking na nagsisinungaling sila dahil may mga nag-post sa social media na nakarating na rin sa Facebook page ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM) na ang mga construction firm ng mag-asawang Discaya na Amethyst Horizon Builders at Alpha and Omega General Contractor and Development Corporation ay may ghost projects na flood control na mag-uugnay sa mga Brgy. Batang at Brgy. Garawon, parehong nasa bayan ng Hernani sa Eastern Samar, at ang pag-aari rin ng mga Discaya na YPR General Contractor and Construction Supply Inc. ay may ghost project na flood control sa Brgy. Soong, Llorente sa nabanggit din na lalawigan. 


Dahil sa nabulgar na iyan ay posibleng marami pang ghost projects ang mag-asawang Discaya, at dahil sangkatutak na pera ng bayan ang kanilang ‘in-scam’, asahan na nilang

sandamakdak na mga kasong plunder din ang kanilang kakaharapin, boom!


XXX


DAPAT IMBESTIGAHAN NI MAYOR VICO SOTTO ANG MGA KONTRATA NG MAG-ASAWANG DISCAYA SA CITY HALL MULA YEAR 2012, AT KAPAG ‘IN-SCAM’ ANG KABAN NG PASIG CITY, UNAHAN NIYA ANG BABAGAL-BAGAL NA MARCOS ADMIN SA PAGSASAMPA NG KASONG PLUNDER SA MGA ITO -- Sa interview nina Korina Sanchez at Julius Babao noon sa mag-asawang Discaya ay sinabi ni Sarah na noong year 2012 kumuha sila ng kontrata sa city hall, at sa Senate Blue Ribbon Committee ay inamin ni Sarah Discaya na year 2016 onwards daw nakakuha ng mga flood control project sa Dept. of Public Works and Highways (DPWH).


Balikan natin ang year 2012, hindi pa alkalde sa panahong ito si Mayor Vico Sotto, kaya’t panawagan natin sa kanya (Mayor Vico) na tingnan ang mga kontratang pinasok ng mag-asawang Discaya sa city hall, at kapag napatunayang may ginawa rin silang ‘kawalanghiyaan’ sa kaban ng Pasig City, sampahan na agad niya ng kasong plunder, unahan na niya ang Marcos administration na babagal-bagal sa pagsasampa ng kaso sa mga Discaya, period!


XXX


KUNG SI SARAH DISCAYA ANG ‘FLOOD CONTROL SCAM QUEEN’, SI DPWH USEC. MARIA CABRAL NAMAN ANG ‘INSERT QUEEN’ -- Ang ibinulgar ni Sen. Ping Lacson na tinawagan ni DPWH Usec. Maria Cabral ang staff ni Sen. Tito Sotto noong May 2025 na mag-insert o magsingit ng mga flood control project para sa 2026 national budget, ay kinumpirma rin ni Tito Sen.


Malamang ang pangungumbinse ni Usec. Cabral sa staff ni Tito Sen ay ginawa rin nito sa mga staff ng ibang senador at kongresista, at maaaring may mga pumatol.


kung ang bansag ngayon kay Sara Discaya ay “flood control scam queen”, ang puwede namang ibansag kay Usec. Cabral ay “insert queen” ng DPWH, boom!


XXX


NASA ‘PINAS NA SI ROYIMA GARMA KAYA ASAHAN NA MABUBULOK SIYA SA KULUNGAN KAPAG NAPATUNAYANG GUILTY SA KASONG MURDER -- Nasa bansa na si former Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Royima Garma matapos siyang i-deport ng Amerika pabalik ng ‘Pinas.


Kabilang si Garma sa sinampahan ng kasong murder ng National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP) kaugnay sa pagpatay kay former PCSO Board Member Wesley Barayuga noong July 2020, at kapag napatunayang guilty siya sa kaso, dahil no bail ang murder case ay tiyak mabubulok na siya sa kulungan, abangan!



 
 
RECOMMENDED
bottom of page