top of page
Search

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | September 14, 2025



Prangkahan ni Pablo Hernandez


AFTER NG EDSA PEOPLE POWER 1, MAS LUMALA ANG KAHIRAPAN, AFTER EDSA PEOPLE 2, MAS LUMALA ANG CORRUPTION KAYA MALABONG MAGKAROON ULI NG PEOPLE POWER SA ‘PINAS -- Malabo nang magkaroon uli ng People Power sa Pilipinas para magpabagsak ng administrasyon.


Feeling kasi ng mayoryang mamamayan ay wala namang naging mabuting dulot ang People Power.


Noong EDSA People Power 1, pangunahing isyu ay kahirapan, nag-People Power ang mamamayan, at nang mapatalsik ang noo’y Pres. Ferdinand Marcos Sr., at si Cory Aquino ang pumalit na presidente, ay mas lalong lumalala ang kahirapan, at noong EDSA People Power 2, ang isyu naman ay corruption, nang mapatalsik din ang noo’y Pres. Joseph Estada, pumalit sa kanya na naging presidente ay si Gloria Arroyo, mas lumala ang corruption, boom!


XXX


MAG-ASAWANG DISCAYA, DAPAT SAMPAHAN NA NG KASONG PLUNDER PARA AGAD-AGAD MABAWI ANG P31B ‘IN-SCAM’ SA KABAN NG BAYAN -- Ang hinahangad ng mag-asawang Curlee at Sarah Discaya na maging state witness ay tinuldukan na ni Sec. Boying Remulla ng Dept. of Justice (DOJ) dahil ayon sa kalihim, sa laki ng ninakaw sa kaban ng bayan, hindi least guilty, kundi most guilty ang mag-asawang Discaya kaya hindi raw sila qualified na mapasok sa witness protection program ng pamahalaan.

Sana agad-agad sampahan ng kasong plunder ng DOJ ang mag-asawang Discaya para makulong at mabawi na ng pamahalaan ang higit P31 billion ‘in-scam’ nila sa kaban ng bayan, period!


XXX


ANG TINDI NG ‘PAGKAGAHAMAN’ SA PERA NG BAYAN NG MAG-ASAWANG DISCAYA, KAHIT SA PANAHON NG PANDEMIC, ‘NAKAPANG-SCAM’ NG MGA FLOOD CONTROL PROJECT -- Sa imbestigasyon ng House Infra Committee ay ipinakita ni Iloilo 1st District Rep. Janette Garin ang mga data mula sa Dept. of Public Works and Highways (DPWH) na sa panahon ng pandemic noong year 2020 ay nakakuha ang mag-asawang Discaya ng mga flood control project na sa kabuuan ay nagkakahalaga ng higit P11.5 billion, at pagkaraan niyan ay tinanong ni Rep. Garin si Curlee Discaya kung totoo ito, at ang sagot ni Mr. Discaya ay “yes po”.


Ang tindi sa ‘pagkagahaman’ sa pera ng bayan ang mag-asawang Discaya, kasi mantakin n’yo, naka-lockdown ang mamamayan noong year 2020 pandemic, tapos nakalabas sila (mag-asawang Discaya) sa kanilang tahanan para ‘mang-scam’ sa kaban ng bayan, nakakuha pa ng sangkatutak ng flood control projects sa DPWH, buset!


XXX


‘AKO TAGO’ ANG DAPAT IPINANGALAN NI ZALDY CO SA KANYANG PARTYLIST AT HINDI AKO BICOL -- Bago umpisahan ng Senate Blue Ribbon Committee at House Infra Committee ang imbestigasyon sa flood control projects scam ay agad nagtungo sa Amerika si Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co, ang isa sa kongresistang nasasangkot sa flood control projects anomaly, na ang dahilan ay may sakit daw siya at magpapagamot umano siya sa US, pero maraming nagsasabi na nagtago ito para makaiwas sa imbestigasyon.


Hay naku, dapat pala hindi Ako Bicol ang ipinangalan ni Zaldy Co sa kanyang partylist, kundi ang dapat ay “Ako Tago”, boom!


 
 

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | September 13, 2025



Prangkahan ni Pablo Hernandez


TITO SEN, BAKA AGAD-AGAD ‘MAKUDETA’ AT MATANGGAL DIN BILANG SENATE PRESIDENT -- Sinabi ni Senate President Pro Tempore Ping Lacson na pinayuhan niya si newly elected Senate President Tito Sotto na ituring nito ang kanyang sarili bilang Senate president ng lahat ng senador, at hindi Senate president lang ng mga miyembro ng majority bloc ng Senado, dahil kung ang paiiralin niya na SP lang siya ng majority bloc ng Senate ay "forthwith" o agad-agad baka “makudeta” rin siya bilang Senate president.


Sa tema ng salita ni Sen. Lacson ay tila hindi niya nagustuhan ang pagtanggal sa mga komiteng hawak dati ng mga senador na kasapi ng majority bloc noon, na ngayon ay nasa minority bloc na matapos na “makudeta” o mapatalsik si Sen. Chiz Escudero at si Tito Sen ang maging SP ng Senado.


Isang halimbawa riyan ay ang nangyari kay Sen. Bong Go, epektibo niyang nagagampanan ang mandato bilang chairman ng Senate Committee on Health and Demography, napakarami niyang nagawa patungkol sa health care na napapakinabangan ngayon ng milyun-milyong Pilipino, tapos porke nasa majority bloc si Sen. Risa Hontiveros at naging bahagi ng minority bloc si Sen. Bong Go ay tinanggal sa kanya ang komiteng ito (health) at ibinigay sa kaalyado niyang senadora, tsk!


XXX


BAKA MAGKAROON NG LAMAT ANG MAYORS FOR GOOD GOVERNANCE DAHIL SA MAGKAIBANG PANINIWALA NINA MAYOR VICO AT MAYOR MAGALONG KUNG DAPAT O HINDI MAGING STATE WITNESS ANG MAG-ASAWANG DISCAYA -- Sa imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee ay pinangalanan ng mag-asawang Curlee at Sarah Discaya ang ilang kongresista at Dept. of Public Works and Highways (DPWH) na nanghihingi raw ng kickback sa kanila mula year 2022 hanggang year 2025, at pagkaraan ay nag-request sila na magpasailalim sa witness protection program ng gobyerno, at sa imbestigasyon naman ng House Infra Committee, ang isa sa resource person na si Pasig City Mayor Vico Sotto ay nagsabi na hindi dapat maging state witness ang mga Discaya dahil bukod sa bilyun-bilyong pisong pera ng bayan ang kanilang ‘na-scam’ ay pareho pa raw sinungaling ang mag-asawang ito, at sa House hearing din na ito ibinulgar ni DPWH Engr. Brice Hernandez na sangkot sa flood control anomaly sina Sen. Jinggoy Estrada at Sen. Joel Villanueva.


Matapos ang magkasunod na imbestigasyon ng Senado at Kamara, sinabi ni Baguio

City Mayor Benjamin Magalong na mas kapani-paniwala raw ang imbestigasyon ng Senado kaysa Kamara, na waring tila pabor siyang maging state witness ang mag-asawang Discaya, na kinokontra naman ni Mayor Vico.


Malamang magkaroon ng lamat ang Mayors for Good Governance na parehong kinaaaniban nina Mayor Vico at Mayor Magalong dahil magkasalungat ang kanilang paniniwala sa kung dapat o hindi maging state witness ang mag-asawang Discaya, period!


XXX


NAGKUKUMAHOG ANG MAG-ASAWANG DISCAYA NA MAGING STATE WITNESS PARA MAKALUSOT SA KASO, AT ‘DI MABAWI ANG P31B ‘IN-SCAM’ SA KABAN NG BAYAN -- Kahit maraming personalidad na ang nagsasabi na hindi puwedeng maging state witness ang mag-asawang Curlee at Sarah Discaya dahil bukod sa bilyun-bilyong pisong pera ng bayan ang kanilang ‘na-scam’, pareho pa silang sinungaling, ay nagkukumahog pa rin ang mag-asawang Discaya na maging testigo ng estado sa mga pinangalanan nilang mga kongresista na tumatanggap daw ng kickback sa mga flood control projects.


Sa totoo lang, dalawa lang naman ang dahilan kaya nagkukumahog silang maging state witness, at ito ay para makalusot sila sa kaso at hindi bawiin ng gobyerno ang higit P31B ‘in-scam’ nila sa kaban ng bayan, buset!


XXX


KAYA MARAMING JOBLESS DAHIL MARAMING GHOST PROJECTS, MGA PROYEKTONG WALANG NAGTATRABAHO -- Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) ay dumami ang bilang ng mga Pinoy na walang trabaho sa Pilipinas.


Isa lang naman ang dahilan kung bakit maraming jobless Pinoy kasi sangkatutak ang mga ghost project sa DPWH, mga proyektong walang nagtatrabaho, boom!



 
 

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | September 12, 2025



Prangkahan ni Pablo Hernandez


BUTI NI-REJECT NI TITO SEN NA MAGING STATE WITNESS ANG MAG-ASAWANG DISCAYA, KUNG INAPRUB BAKA ‘PINAS MAGMISTULANG INDONESIA AT NEPAL -- Mabuti na lang ni-reject at hindi pinirmahan ni Senate President Tito Sotto ang sulat ni Sen. Rodante Marcoleta na hihilingin kay DOJ Sec. Boying Remulla na gawing state witness ng gobyerno ang mag-asawang Curlee at Sarah Discaya laban sa mga kongresista at iba pa na isinangkot nito sa kickback sa flood control project scam.


Kasi sa totoo lang, sa higit P31 billion na-scam umano ng mag-asawang Discaya sa kaban ng bayan kapag ang mga ito ang ginawang state witness ng gobyerno, para sila ay makalusot sa sangkatutak na kasong mga no bail na plunder at economic sabotage ay tiyak magwawala ang taumbayan, baka matulad ang Pilipinas sa Indonesia at Nepal na ang kanilang mga mamamayan ay nagwala, nanunog ng mga gov’t. building at mala-palasyong tahanan ng mga corrupt na mga politician at kapitalista sa dalawang bansang ito, period!


XXX


SABI NINA SEN. KIKO ANG SINUNGALING KAPATID NG MAGNANAKAW, AT MAYOR VICO ANG SINUNGALING ASAWA NG MAGNANAKAW, KAYA HANGAD NG MAG-ASAWANG DISCAYA NA MAGING STATE WITNESS ‘SUNTOK SA BUWAN’ -- Sa post ni Sen. Kiko Pangilinan aniya, “Ang sinungaling kapatid ng magnanakaw,” kaya hindi puwedeng maging state witness ang mag-asawang Discaya na parehong nagsinungaling nang magpaawa effect, pa-feeling victim sa Senate Blue Ribbon Committee na dahil daw sa kickback sa kanila ng (iilan) binanggit niyang mga kongresista at DPWH officials ay 2% to 3% na lang daw ang natitira sa kanila, may pagkakataon pa raw na nalulugi sila sa mga proyekto. At sa pagharap naman ni Pasig City Mayor Vico Sotto sa House Infra Committee, binanggit niya na sa ipinakitang yaman ng mga Discaya sa publiko ay kasinungalingan umano ang sinabi ng mga ito na maliit lang daw ang kinikita nila sa mga proyekto dahil sa kickback, at pagkaraan sinabi ng alkalde na huwag maniwala sa mga Discaya dahil aniya, “Ang sinungaling (Sarah ito), asawa ng magnanakaw,” sabay lingon kay Curlee Discaya. 


Ang nais nating ipunto rito, dahil sa nuknukan sa pagsisinungaling ang mag-asawang Discaya ay "suntok sa buwan" ang nais nilang maging state witness ng gobyerno para makaiwas sa kaso at hindi makumpiska ng pamahalaan ang ‘na-scam’ nilang higit P31B sa pera ng bayan, boom!


XXX


DAPAT HINDI LANG MGA TAGA-DPWH AT MGA KONTRAKTOR ANG KASUHAN, PATI TAGA-COA ISAMA SA KASO -- Sinampahan na ni DPWH Sec. Vince Dizon ng kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act ang ilan sa mga sangkot na DPWH officials at mga kontraktor sa flood control projects scam sa Bulacan.


Aba teka, bakit walang taga-COA (Commission on Audit) sa kinasuhan? Dapat sampahan din ng kaso ang mga taga-COA dahil baka kasabwat sila sa scam na ‘yan dahil hindi nila ginampanan ang kanilang mandato na i-audit kung completed na at sapat ang ginastang pera ng bayan sa mga flood control project na kalaunan ay natuklasang mga "guni-guni" project pala, period!


XXX


KAILAN MAGPAPAKITANG-GILAS SI GEN. LUCAS PARA LANSAGIN ANG 'PROTECTION RACKET SYNDICATE' AT 'OIL PILFERAGE SYNDICATE' SA CALABARZON? -- Patuloy na namamayagpag ang "protection racket syndicate" nina "Tsan Parak," "Tata Obet," "Adlawan," “Dimapeles,” "Rico," at "Jong" sa mga ilegalista sa buong Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon (CALABARZON) at "oil pilferage syndicate" nina "Dondon

Alahas," "Violago," "Amang" at "Aldo" sa Batangas at Cavite.


Kailan kaya gagawa ng aksyon, magpapakitang-gilas si PNP-Region 4-A Director, Brig. Gen. Kenneth Lucas para lansagin ang dalawang sindikatong ito sa CALABARZON, abangan!


 
 
RECOMMENDED
bottom of page