top of page
Search

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | November 23, 2025



Prangkahan ni Pablo Hernandez


DAPAT IPAKULONG NG MARCOS ADMIN SI ROMUALDEZ, KUNG HINDI ITO GAGAWIN BAKA DIYAN NA MA-PEOPLE POWER SI PBBM -- Sana hindi “ningas kugon” lang ang sinabi ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM) na pati ang kanyang pinsan na si Leyte Rep. Martin Romualdez ay mahaharap sa mga kasong plunder at bribery, at kasunod nito ang rekomendasyon ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) sa Ombudsman na isama na ito (Romualdez) sa sampahan ng mga kaso.


Nais nating ipunto ay dapat tuluyan ng Marcos admin na kasuhan at ipakulong si Romualdez dahil kung ang lahat ng mga sangkot sa flood control projects scam ay nakasuhan at nakakulong na sa city jail, pero si Romualdez ay wala pang kaso at hindi pa naikukulong, siguradong kay PBBM magbu-boomerang at baka diyan na totoong ma-People Power siya at mapatalsik sa Malacañang, period!


XXX


HINDI LANG PALA P1.3T KUNDI P1.7T ANG NA-SCAM SA FLOOD CONTROL PROJECTS MULA YEAR 2016 HANGGANG 2025 -- Hindi lang pala P1.3 trillion ang na-scam ng mga kurakot sa flood control projects, kundi ayon kay ICI Commissioner Rogelio Singson, sa nakalipas na 10 taon (year 2016-2025) ay higit sa P1.7 trillion ang ninakaw ng mga scammer sa kaban ng bayan, at ang statement na ito ng ICI commissioner ay tumutugma sa sinabi ng kontraktor na si Sarah Discaya sa Senate Blue Ribbon Committee noong Sept. 1, 2025 na nagsimula silang magkamal sa Dept. of Public Works and Highways (DPWH)-flood control projects noong year 2016 onwards.


Pagpapatunay ang statement na iyan ni ICI Comm. Singson at sa sinabi ni Mrs. Discaya sa Senate Blue Ribbon Committee na nag-umpisa ang flood control projects scam sa panahon ng Duterte administration dahil year 2016 nang maging pangulo ng Pilipinas si former Pres. Rodrigo Roa Duterte (FPRRD), tsk!


XXX


KAPALMUKS SI ZALDY CO, MATAPOS ‘MANG-SCAM’ NG BILYUN-BILYON SA PERA NG BAYAN, GUSTO NIYANG ITURING NA VIP, I-HOUSE ARREST NA LANG DAW SIYA -- Sabi ni Atty. Ruy Rondain, abogado ni former Cong. Zaldy Co na uuwi lang daw ito sa ‘Pinas kung papayagang magpiyansa at ma-house arrest sa mga kaso niyang malversation of public funds through falsification of public documents at mga graft cases na pawang no bail.


Kapal din ng mukha ni Zaldy Co, kasi matapos niyang ‘mang-scam’ ng bilyun-bilyong pera ng bayan at magbuhay hari, magbuhay reyna ang kanyang misis at magbuhay prinsesa at prinsipe ang kanyang mga anak, eh, siya pa ang may ganang humingi ng kondisyon sa mga kinakaharap niyang kaso, gusto niya VIP siya, sa mansyon na lang niya daw siya ikulong, pwe!


XXX


KAPAG NAKANSELA ANG PASAPORTE, DALAWA ANG PUWEDENG MANGYARI KAY HARRY ROQUE, I-DEPORT SIYA NG THE NETHERLANDS O HULIHIN NG INTERPOL, BITBITIN PABALIK NG ‘PINAS -- Matapos hatulan ng korte ng habambuhay na pagkabilanggo si former Mayor Alice Guo dahil sa kasong qualified trafficking in person kaugnay sa pagkakasangkot nito sa operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa Bamban, Tarlac at ianunsyo ni Sen. Sherwin Gatchalian na kumikilos na ang Dept. of Justice (DOJ) para kanselahin ang pasaporte ni former presidential spokesman Harry Roque na kasalukuyang nasa The Netherlands, na may kaso rin na qualified trafficking in person sa pagkakasangkot naman niya sa POGO sa Porac, Pampanga, ay muli siyang (Harry Roque) nanawagan kay PBBM na bumaba na sa puwesto at isalin na ang pamamahala ng Pilipinas kay VP Sara Duterte-Carpio.


Ang problema ni Roque walang plano si PBBM na isalin kay VP Sara ang pagiging presidente ng bansa, kaya’t asahan niya na kapag kanselado na ang kanyang pasaporte, dalawa ang puwedeng mangyari at ito ay i-deport siya ng The Netherlands o kaya hulihin at bitbitin ng Interpol pabalik ng ‘Pinas, abangan!


 
 

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | November 22, 2025



Prangkahan ni Pablo Hernandez


AKALA NI ZALDY CO KAPAG NAGKA-PEOPLE POWER VS. PBBM, SAFE NA SIYA SA MGA KASO -- Buong akala ni former Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co na matapos ang kanyang mga video na “pasabog” na sangkot sa P100 billion Bicam insertion at kickback sina Pres. Bongbong Marcos (PBBM) at Leyte Rep. Martin Romualdez ay mapapatalsik ang Marcos administration at magiging safe na siya sa mga kasong kinasangkutan umano niya sa Dept. of Public Works and Highways (DPWH)-flood control projects scam, Dept. of Education (DepEd)-laptop scam at Dept. of Health (DOH)-medical supply scam noong panahon ng pandemic, pero ang inaasam niyang People Power ay hindi nangyari.


Kaya’t nang matapos ang mga rally sa Quirino Grandstand at EDSA Shrine na si PBBM pa rin ang Presidente, agad sinampahan ng Ombudsman si Zaldy Co ng mga kasong malversation of public funds through falsification of public documents at graft cases, na ibig sabihin hindi siya naging safe sa mga kaso, boom!


XXX


KAHIT PINSAN NI ROMUALDEZ SI PBBM, HINDI SIYA LIGTAS SA MGA KASO -- Matapos itanggi ng Malacanang ang pagkakasangkot ni PBBM sa Bicam insertion at kickback, ay nagpa-presscon ang Presidente at ipinahiwatig na hindi safe sa mga kasong direct bribery at plunder ang pinsan niyang si Romualdez at si Zaldy Co, at pagkaraan niyan ay inirekomenda na ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) kay Ombudsman Boying Remulla na sampahan ng mga ganitong (direct bribery at plunder) kaso ang former House Speaker at dating partylist congressman.

Buong akala ni Romualdez porke pinsan niya ang Presidente ay safe na siya anumang kabulastugang gawin, hindi pala, period!


XXX


MARCOLETA HINDI SAFE SA MISDECLARATION SA KANYANG SOCE AT KASONG ISASAMPA NI ATTY. ESPERA -- Nang matapos ianunsyo ni Comelec Chairman George Garcia na iimbestigahan ng komisyon ang misdeclaration ni Sen. Rodante Marcoleta sa kanyang Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) ay nagpalabas ng statement si Atty. Petchie Rose Espera na sasampahan niya ng kaso si ret. Marine Sgt. Orly Guteza at iba pang kasabwat nito sa pamemeke sa kanyang pirma na ginamit nito (Guteza) sa kanyang affidavit sa pagharap sa Senate Blue Ribbon Committee.


At dahil diyan ay lumalabas na bukod sa hindi na siya safe sa gagawing imbestigasyon ng Comelec sa kanyang SOCE ay baka hindi rin siya maging ligtas sa kasong isasampa ni Atty. Espera kasi nga siya ang naging susi kaya nasalang si Guteza bilang surprise witness ng Senado laban kina Romualdez at Zaldy Co, boom!


XXX


KAPAG SI REP. RONNIE PUNO ANG NAGING SPEAKER, HINDI SAFE SI VP SARA SA IMPEACHMENT -- Sa panahon na si Speaker Bojie Dy ang lider ng Kamara ay hindi na napag-uusapan ang impeachment kay Vice Pres. Sara Duterte kaugnay naman sa pagkakasangkot nito sa P650M confidential scam, kaya lang may mga kumikilos sa House of Representatives para ma-kudeta si Dy at ang lumulutang na kapalit ay si Antipolo City Rep. Ronnie Puno.


Kaya kung sakaling mapatalsik si Speaker Dy at si Cong. Puno ang maging head ng Kamara ay masasabing hindi safe si VP Sara sa impeachment, kasi nga ang grupo nito (Puno) ay gigil na gigil ma-impeachment ang bise presidente, period!

 
 

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | November 21, 2025



Prangkahan ni Pablo Hernandez


NAMUMURONG MA-KUDETA SI SPEAKER DY, HINDI NIYA MAGAWANG PABANGUHIN ANG KAMARA NA PINABANTOT NINA ROMUALDEZ AT ZALDY CO -- Namumurong ma-kudeta si Speaker, Isabela Rep. Bojie Dy dahil maraming kongresista ang nahihinaan sa liderato nito bilang head ng Kamara.


May punto naman ang majority congressmen na patalsikin si Dy sa puwesto kasi nga parang wala siyang ginagawang aksyon para manumbalik ang tiwala ng publiko sa House of Representatives, at bumango uli ang Kamara sa taumbayan na pinabantot nina ex-Speaker, Leyte Rep. Martin Romualdez at former Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co, period!


XXX


LABAN-BAWI NG MAG-ASAWANG DISCAYA SA MGA INAKUSAHAN NILANG CONG. NA TUMATANGGAP DAW NG KICKBACK, DATI 17 PERO NGAYON 6 NA LANG -- Noong si Sen. Rodante Marcoleta pa ang chairman ng Senate Blue Ribbon Committee ay 17 kasalukuyan at dating mga kongresista ang pinangalanan ng mag-asawang kontraktor na sina Curlee at Sarah Discaya na tumatanggap daw sa kanila ng kickback sa mga flood control projects, pero nang si Sen. Ping Lacson na ang namuno sa komiteng ito, noong Nov. 14, 2025 ay mula sa 17 naging 6 na kasalukuyan at dating kongresista na lang ang idinadawit ng mga Discaya sa kickback.


Noong una ay palaban ang statement, 17 lawmakers ang isinangkot at inaasahan ng publiko na madadagdagan pa ang kanilang mga idadawit sa kickback, pero imbes madagdagan, binawi ang alegasyon sa iba, binawasan ang bilang, 6 na kongresista na lang ang idinadawit nila sa flood control scam.


Hindi talaga dapat maging state witness ng gobyerno ang mag-asawang Discaya dahil ang mga laban-bawi statement nila sa mga dawit sa kickback ay pagpapatunay talaga na pareho silang sinungaling, boom!


XXX


MALAPIT NANG MARANASAN NI ZALDY CO ANG BUHAY-IMPIYERNO SA CITY JAIL -- Sinampahan na ng Ombudsman sa Sandiganbayan si Zaldy Co, mga tauhan niya sa Sunwest Corporation at mga Dept. of Public Works and Highways (DPWH) ng mga kasong malversation of public funds through falsification of public documents at iba pang graft cases.


Kumbaga, para na ring sinabi ng Ombudsman na kapag may warrant of arrest at natimbog na si Zaldy Co, ‘yung buhay-hari niya noong kongresista pa siya ay mapapalitan na ito ng buhay-impiyerno sa loob ng Quezon City Jail, abangan!


XXX


SABLAY ANG STATEMENT NI HARRY ROQUE NA PABIBIGYAN NIYA NG IMMUNITY SA MGA KASO SI ZALDY CO KAPAG PRESIDENTE NA SI VP SARA -- Sablay ang statement ni former presidential spokesman Harry Roque na kapag napatalsik daw si Pres. Bongbong Marcos (PBBM) dahil sa mga video na “pasabog” ni Zaldy Co na sangkot umano ang Presidente sa Bicam insertions at kickback, at si VP Sara Duterte-Carpio na ang pumalit na pangulo, lahat daw ng paraan ay gagawin niya para magkaroon ng immunity o hindi na masampahan ng kaso ang dating kongresista.


Sablay talaga, dahil sa statement niyang iyan ay lumalabas na mula sa kampo ng oposisyon ang nagpalutang kay Zaldy Co para atakehin si PBBM na ang kapalit, immunity sa mga kaso, period!


 
 
RECOMMENDED
bottom of page