top of page
Search

ni Mary Gutierrez Almirañez | April 8, 2021



ree

Negatibo si Pangulong Rodrigo Duterte sa pinakahuling COVID-19 swab test na isinagawa sa kanya nitong Mahal na Araw, ayon sa kumpirmasyon ni Senator Bong Go.


Aniya, “Regular naman pong nagpapa-swab test si Pangulong Duterte at so far naman po, sa awa ng Diyos ay negatibo naman po kung pagbabasehan po ‘yung last niya pong swab test.”


Matatandaang 126 na miyembro ng Presidential Security Group ang nagpositibo sa virus kamakailan kaya kinailangang dumaan sa test ng Pangulo. Gayunman, iginiit ni Senator Go na asymptomatic at mild lamang ang nararamdaman ng mga ito.


Sabi pa niya, “Wala po kayong dapat ikabahala pero we cannot take chances.”


“The physical safety of the President remains our utmost concern,” ayon naman kay Presidential Spokesperson Harry Roque.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | March 29, 2021



ree

Nakatakdang ianunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte mamayang gabi ang ipapatupad na quarantine classifications sa bansa simula sa April 5 hanggang 30, ayon sa Malacañang.


Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, dadalo muna si P-Duterte sa turnover ceremony para sa 1 milyon doses ng Sinovac COVID-19 vaccine mula sa China bago ang kanyang regular na “Talk to People” speech.


Inaasahan ding magiging bahagi ng pahayag ni P-Duterte ang tungkol sa ayuda o financial aid para sa mga naapektuhan ng implementasyon ng enhanced community quarantine (ECQ).


Pahayag ni Roque, “Inaasahan natin na sa ‘Talk to the People', maisasapinal na ‘yung quarantine classification simula April 5 hanggang katapusan sa Abril at saka ‘yung issue ng assistance sa gobyerno [dahil sa ECQ].”


Ang mga lugar na isinailalim sa ECQ ay ang Metro Manila, Rizal, Laguna, Bulacan, at Cavite simula ngayong Lunes dahil sa patuloy na paglobo ng kaso ng COVID-19.


 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | March 29, 2021



ree

Dinepensahan ni Senator Bong Go ang mga bumabatikos sa kumakalat na larawan ni Pangulong Rodrigo Duterte mula sa idinaos nitong ika-76 na kaarawan sa Davao kasama ang mga kamag-anak nitong Linggo, Marso 28.


Matatandaang unang lumabas sa social media ang larawan ng Pangulo habang hinihipan ang kandilang nakatusok sa nakaumbok na kanin. Kasunod nitong kumalat ang video kung saan makikita na hindi lamang iyon ang nakahain sa lamesa ng Pangulo kundi mayroong lechon at iba pa.


Batay sa ilang kritiko, huwag nang magpanggap na mahirap sapagkat insulto iyon sa totoong naghihirap.


Ayon pa sa tweet ni Bayan Muna Representative Ferdinand Gaite, "Acting poor for your birthday photo ops when you're not really poor is just mocking those who truly have nothing to put on their tables for their own birthdays.”


Giit naman ni Senator Go, “Simple lunch lang naman talaga. Sila-sila lang pamilya sa munting tahanan niya sa Davao. Ganu'n naman mag-birthday si PRRD. Wala pa ngang bihis. Presidente 'yan. Ayaw n'yo bang pakainin man lang ng pagkain na kinakain naman ng ordinaryong Pilipino kahit saan... Kahit man lang sa kaarawan niya? Sa mga bumabatikos kay Pangulo, tingin kayo sa salamin. Mas cute pa ang lechon sa inyo. Per PRRD, labinglimang apo at kasambahay ang kumain. Ano palang ipapakain niya?”


Sagot pa ni Presidential Spokesperson Harry Roque, “Tingin ko naman, utak talangka lang po 'yan. Birthday naman po ng Presidente, 76th. Ang importante, hindi po magarbo ang selebrasyon. Hindi naman sinasabi ni Presidente na kahit kailan na siya ay nagugutom.”


Sa ngayon ay burado na ang kumalat na video.


Inaasahan namang babalik sa Maynila ngayong araw si Pangulong Duterte upang salubungin ang pagdating ng 1 million doses ng Sinovac COVID-19 vaccines mula sa China.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page