top of page
Search

ni Angela Fernando - Trainee @News | March 20, 2024




Tinanggihan ng Israeli Prime Minister na si Benjamin Netanyahu ang pakiusap ni President Joe Biden na kanselahin ang planong ground assault sa Rafah.


Ang Rafah ang huling takbuhan sa Gaza para sa higit isang milyong katao, na pinaniniwalaan ng Israel na pinagtataguan ng militanteng grupong Hamas.


Binigyang-diin din ni Netanyahu sa mga mambabatas nu'ng Martes na nilinaw niya kay Biden na determinado sila sa kanilang plano.


Matatandaang nagkaroon ng pag-uusap ang dalawang lider sa telepono nu'ng Lunes para subukang pigilan ang plano ng Israel na pag-atake sa Rafah.


 
 

ni Eli San Miguel - Trainee @News | March 19, 2024




Naitala ang India bilang bansa na may pinakamalalang polusyon sa hangin sa buong mundo.


Sa bagong ulat ng IQAir, sinasabi nito na nasa Asia ang lahat ng 100 “Most Polluted Cities” noong nakaraang taon. Itinuturing ang krisis sa klima bilang isang pangunahing dahilan ng polusyon sa hangin, na nagdadala ng panganib sa kalusugan ng bilyon-bilyong tao sa buong mundo.


Nagdudulot din ito ng mahigit sa walong milyong pagkamatay taun-taon, na halos 16 kada minuto.


Siyam sa top 10 Most Polluted Cities ang nasa India, na mas mataas kaysa sa anim noong nakaraang taon. Samantala, 49 lungsod sa India ang nasa top 50; at kabuuang 83 lungsod sa India ang nasa top 100.


Sa kasalukuyan, muling naitala ang Delhi bilang "Most Polluted Capital of the World," ang ikalimang pagkakataon sa huling anim na taon.


Gayunpaman, ipinapakita ng ulat ang malalaking kakulangan sa pagsubaybay sa polusyon dahil sa kakulangan ng pondo o kawalan ng political will.

 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | March 19, 2024




Inihirit muli ng Ukrainian President na si Volodymyr Zelensky ang tulong mula sa United States.


Nilinaw ni Zelensky ang kahalagahan ng tulong militar ng US para sa kanilang bansa ngayong muling nahalal na Presidente si Vladimir Putin nu'ng bumisita si Senator Lindsey Graham.


Pinangangambahan ng Ukraine ang pagpapaigting ng Russia ng kanilang mga atake lalo sa kasalukuyan.


Matatandaang ang muling pagkahalal ni Putin sa limang beses na pagkakataon ay kinuwestiyon ng maraming bansa.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page