top of page
Search

ni Eli San Miguel @Overseas News | July 14, 2024


Showbiz Photo
Photo: Ariel Schalit

Libu-libong tagasuporta ng isang radikal na partido sa Pakistan ang nagtipon malapit sa Islamabad noong Sabado, upang iprotesta ang mga pag-atake ng Israel sa Gaza at hikayatin ang dagdag na tulong para sa mga Palestinian.


Hiniling din nila na sa Pakistan na ituring si Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu bilang "terorista." Wala namang agad na tugon mula sa gobyerno matapos ang rally sa Rawalpindi.


Walang diplomatikong relasyon ang Pakistan sa Israel. Matagal nang nanawagan ang Pakistan para sa tigil-putukan sa siyam na buwang sigalot sa pagitan Israel at Hamas, at nitong mga nakaraang buwan ay nagpadala ng tulong para sa mga Palestinian sa Gaza.


Sinabi ni Saad Rizvi, ang pinuno ng Islamist Tehreek-e-Labiak Pakistan party na nanguna sa rally, na magpapatuloy ang sit-in protest hanggang sa maaprubahan ng gobyerno ang kanilang mga panawagan.

 
 

ni Eli San Miguel @Overseas News | July 13, 2024



Showbiz Photo
Photo: Muhammad Tanko Shittu

Gumuho ang isang paaralan sa gitnang Nigeria noong Biyernes, na ikinamatay ng hindi bababa sa 21 katao, karamihan ay mag-aaral na nagsasagawa ng mga pagsusulit, ayon sa Red Cross at mga saksi.


Nakulong ang mga bata sa pagguho ng Saint Academy sa Jos North district ng Plateau State, habang desperadong naghahanap ang kanilang mga magulang, ayon sa ulat ng isang AFP correspondent sa lugar.


Sinabi ni Nuruddeen Hussain Magaji, tagapagsalita ng Red Cross, sa AFP, "[there were] 21 fatalities, and 69 injuries all in admission at various hospitals."


Sa ngayon, hindi pa malinaw kung ano ang sanhi ng pagguho ngunit sinabi ng mga residente na naganap ito matapos ang tatlong araw ng malakas na mga pag-ulan.

 
 

ni Eli San Miguel @Overseas News | July 12, 2024



Showbiz Photo

Namatay ang hindi bababa sa 65 na long-finned pilot whales matapos silang ma-stranded sa isang isla sa hilaga ng baybayin ng Scotland, ayon sa isang rescue charity nitong Huwebes.


Inihayag ng British Divers Marine Life Rescue na inabisuhan sila nang mas maaga sa posibleng stranding at nagpadala ng mga mediko sa isang baybayin sa Sanday, isang isla sa Scotland sa arkipelago ng Orkney.


"On arrival, the medics found there to be about 77 animals high up the beach, having evidently been stranded for several hours already. Sadly, only 12 of them (were) still alive at this point," saad ng charity sa pahayag.


Maaaring ma-stranded ang mga balyena dahil iba't iang dahilan, tulad ng pagkaligaw o pagkakulong sa mga daluyan ng tubig, ngunit sinasabi ng mga siyentipiko na walang iisang tiyak na dahilan sa likod ng phenomenon na ito.


Halos isang taon na ang nakalilipas, may katulad na insidente ang nangyari sa mga pilot whales sa Lewis, isa pang isla sa Scotland na matatagpuan sa kanlurang bahagi ng pangunahing lupain, kung saan namatay ang hindi bababa sa 55 na balyena.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page