top of page
Search

ni Eli San Miguel @Overseas News | July 30, 2024



BINI x ENHYPEN / TikTok
AP photo

Arestado nitong Lunes ang isang 17-anyos na lalaki para sa murder at attempted murder dahil sa brutal na pananaksak sa Southport sa northwest England, na nakapatay sa dalawang bata at nakadisgrasya sa 11 iba pa.


Siyam ang bata sa mga nasugatan at nasa kritikal na kondisyon ang anim sa kanila. Gayunpaman, inihayag ng pulisya na hindi nila ito itinuturing na isang teroristang pag-atake.


Ayon pa sa mga otoridad, nasa kritikal ding kondisyon ang dalawa pang indibidwal na nasa wastong gulang, na sumubok na protektahan ang mga bata. Isinagawa ang workshop na Taylor Swift-themed sa unang linggo ng bakasyon ng mga bata na nasa edad 6 hanggang 11.


Sa ngayon, hindi pa kinikilala ang suspek na nakatira sa isang bayan na nasa 5 milya (8 kilometro) mula sa lugar ng pag-atake. Ayon sa pulisya, nagmula sa Cardiff, Wales ang suspek.

 
 

by Eli San Miguel @Overseas | July 28, 2024


Overseas News
Photo: Admma via Reuters

Namatay ang 12 katao dahil sa rocket attack sa isang football ground sa Israeli-occupied na Golan Heights, kasama na ang mga bata, noong Sabado. Inakusahan ng mga otoridad ng Israel ang Hezbollah at nanumpa ng paghihiganti.


Tumama ang rocket sa isang football pitch sa Majdal Shams, isang nayon ng Druze sa Israeli-occupied na Golan Heights, na nakuha ng Israel mula sa Syria noong 1967.


"Hezbollah will pay a heavy price, the kind it has thus far not paid," sabi ni Prime Minister Benjamin Netanyahu sa isang tawag sa telepono sa lider ng Druze community sa Israel, ayon sa pahayag mula sa kanyang opisina.


Itinanggi naman ng Hezbollah ang anumang responsibilidad sa pag-atake, na siyang pinakamatindi sa Israel o sa mga teritoryong sinakop ng Israel mula nang magsimula ang hidwaan sa Gaza.


Sa isang nakasulat na liham, inihayag ng Hezbollah, "The Islamic Resistance has absolutely nothing to do with the incident, and categorically denies all false allegations in this regard".

 
 

by Eli San Miguel @Overseas | July 28, 2024


Overseas News
Photo: Xinhua News Agency

Namatay ang 11 katao matapos mapuruhan ng mudslide ang isang bahay sa timog-silangang China nitong Linggo, habang malakas na ulan mula sa isang tropical storm ang nagdulot ng pagbaha sa rehiyon, ayon sa state media.


Ito ang kauna-unahang pagkamatay sa China na tila konektado sa Bagyong Gaemi, na nag-landfall noong Huwebes.


Bago pumasok sa China, pinatindi muna ng bagyo ang mga ulang dulot ng habagat sa Pilipinas, na nagresulta sa hindi bababa sa 34 na pagkamatay, at dumaan sa isla ng Taiwan, kung saan umakyat na sa 10 ang bilang ng namatay, ayon sa mga otoridad nitong Sabado ng gabi.


Tumama ang mudslide sa bahay bandang alas-8 ng umaga sa nayon ng Yuelin, na nasa ilalim ng hurisdiksyon ng Hengyang city sa lalawigan ng Hunan, ayon sa mga ulat ng state broadcaster CCTV.


Ipinapakita sa mga ulat na nagdulot sa mudslide ang malakas na ulan na bumuhos mula sa bundok.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page