top of page
Search

ni Eli San Miguel @Overseas News | August 2, 2024


File photo
Photo: Donald Trump / IG

Iniulat nitong Huwebes ng presidential campaign ni Donald Trump, na nakalikom ito ng $138.7 milyon noong Hulyo, na nagtapos sa buwan nang may kabuuang $327. Nangyari ito sa buwan kung kailan pinagtangkaan siyang patayin.


Mas mataas ng 24% ang pondo para sa Hulyo kaysa sa $111.8 milyon na nalikom ng kampanya noong Hunyo.


Inaasahan namang magpapataas ng mga kontribusyon sa kampanya ang pagtatangkang pagpatay kay Trump noong Hulyo 13 sa isang rally sa Butler, Pennsylvania.


Sinabi ng kampanya ni Trump noong nakaraang buwan na nakalikom sila ng $331 milyon sa ikalawang quarter, na lumampas sa $264 milyon na nalikom ng kampanya ni dating Democratic candidate at U.S. President Joe Biden sa parehong panahon.


Matatandaang umatras sa presidential bid si Biden para sa reelection noong Hulyo 21 at sinuportahan na lamang ang Bise Presidente na si Kamala Harris para sa halalan sa Nobyembre 5 laban kay Trump.

 
 

ni Eli San Miguel @Overseas News | August 1, 2024


File photo
Photo: CBS News / FB

Napatay ang dalawang mamamahayag ng Al-Jazeera sa isang Israeli strike sa hilagang Gaza nitong Miyerkules, ayon sa network. Sila ang pinakabago sa mga Palestinian na mamamahayag mula sa Qatari network na napatay sa lugar kung saan nagpapatuloy pa rin ang giyera.


Nasawi ang mamamahayag na si Ismail al-Ghoul, 27, cameraman na si Rami al-Rifi, at isang hindi nakikilalang bata dahil sa pagsabog na tumama sa isang kotse sa Gaza City.


Nag-uulat ang mga mamamahayag mula sa Shati Refugee Camp. Sa maagang bahagi ng araw na iyon, napatay sa Tehran si Hamas leader Ismail Haniyeh, na dumalo sa inagurasyon ng bagong pangulo ng Iran na si Masoud Pezeshkian.


Batay sa karagdagang pagkamatay ng mga reporters ng Al-Jazeera, umabot na sa 111 ang kabuuang bilang ng mga mamamahayag na namatay mula nang umusbong ang digmaan sa pagitan ng Israel at Hamas noong Oktubre 11 ng nakaraang taon.

 
 

ni Eli San Miguel @Overseas News | August 1, 2024


File photo
Photo: All India Radio News Thiruvananthapuram / FB

Patuloy na sinisiyasat ng daan-daang rescuers ang putik at debris mula sa maraming landslides na nakapatay sa hindi bababa sa 151 katao sa katimugang bahagi ng India.


Nangyari ang mga landslides matapos ang malakas na ulan na nagdulot ng pag-agos ng putik at tubig na rumagasa sa mga plantasyon ng tsaa at mga bayan.


Higit sa 300 rescuers ang nagtrabaho upang iligtas ang mga tao na naipit sa putik at debris, ngunit nahirapan sila dahil sa mga nakaharang na kalsada at hindi matatag na lupa.


Ayon kay spokesman P.M Manoj, mahigit sa 8,300 tao na ang nailikas sa 82 relief camp na pinamamahalaan ng gobyerno. Tinitiyak naman ng gobyerno ang paghatid ng pagkain at mga pangunahing pangangailangan sa mga relief camp.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page