top of page
Search

ni Eli San Miguel @Overseas News | August 5, 2024


File photo
Photo: New York Times

Ibinida nitong Linggo ni Pangulong Volodymyr Zelenskyy ang mga bagong dating na F-16 fighter jets ng Ukraine, at inihayag na magpapalakas ang mga eroplano sa pagsisikap ng bansa sa digmaan laban sa Russia.


Dalawang F-16 jets, na may tatak ng trident insignia ng Ukraine, ang nagsilbing dramatikong background para sa talumpati ni Zelenskyy sa Air Forces Day, isang pagdiriwang na ginanap sa ilalim ng mahigpit na seguridad sa isang hindi inihayag na lokasyon upang protektahan ang mga fighter jets mula sa mga pag-atake ng Russia.


Maaaring ilagay ng Ukraine ang ilang F-16 fighter jets sa mga foreign base upang protektahan ang mga ito mula sa mga pag-atake ng Russia, ayon sa isang mataas na opisyal ng militar ng Ukraine.

 
 

ni Eli San Miguel @Overseas News | August 4, 2024


File photo
Photo: WVUE FOX 8 / FB

Inihayag ng pulisya sa Somalia nitong Sabado na 32 tao ang namatay at 63 ang nasugatan sa isang pag-atake sa isang beach hotel sa kabisera na Mogadishu, noong Biyernes ng gabi.


Sinabi ng al-Shabab na kaalyado ng Al-Qaida sa Silangang Africa sa pamamagitan ng kanilang radio station, na ang kanilang mga tauhan ang nagsagawa ng pag-atake.


Ayon sa tagapagsalita ng pulisya na si Maj. Abdifatah Adan Hassan sa mga mamamahayag, na isang sundalo ang namatay at isa pa ang nasugatan, habang ang natitirang mga namatay ay mga sibilyan. Iniulat ng mga saksi ang isang pagsabog na sinundan ng pagputok ng baril.


Noon pa man, may istorya na ang Lido Beach ng pagiging target ng mga militante na kaalyado ng al-Shabab. Siyam na tao ang namatay sa pinakahuling pag-atake noong nakaraang taon.

 
 

ni Eli San Miguel @Overseas News | August 3, 2024


File photo
Photo: Pixelz.cc

Inihayag ng World Health Organization (WHO) noong Huwebes na nasa 175,000 tao ang namamatay kada taon sa Europe dahil sa init, kung saan tumataas ang temperatura nang mas mabilis kaysa sa ibang bahagi ng mundo.


Ayon sa WHO, mula sa humigit-kumulang 489,000 na pagkamatay na nauugnay sa init na naitala bawat taon mula 2000 hanggang 2019, 36 porsiyento o average na 176,040 pagkamatay ang nagmumula sa rehiyon ng Europe.


Binubuo ng 53 bansa ang European region ng WHO, kabilang ang ilang mga bansa sa Central Asia.


Inihayag din ng WHO na tumaas ng 30 porsiyento ang pagkamatay kaugnay ng init sa rehiyon sa nakalipas na dalawang dekada.


Ayon pa sa organisasyon, inaasahan na tataas nang husto ang bilang ng mga pagkamatay kaugnay ng init sa mga susunod na taon dahil sa global warming.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page