- BULGAR
- Aug 11, 2024
ni Eli San Miguel @Overseas News | August 11, 2024

Inihayag ng kampanya ni U.S. ex-President Donald Trump na na-hack sila at ipinahiwatig na maaaring ang mga Iranian ang nasa likod ng pagnanakaw at pamamahagi ng sensitibong mga dokumento.
Wala silang ibinigay na tiyak na ebidensya sa kaugnayan ng Iran sa hacking, ngunit ang pahayag na ito'y kasunod ng ulat ng Microsoft tungkol sa panghihimasok ng mga dayuhan sa kampanya ng U.S. para sa 2024.
Binanggit nito ang isang insidente noong Hunyo kung saan nagpadala ang isang Iranian military intelligence unit ng "spear-phishing email" sa isang mataas na opisyal ng isang presidential campaign mula sa isang na-hack na email account ng dating senior advisor.
Gayunpaman, bilang tugon sa ulat ng Microsoft, itinanggi ng Iran's United Nations mission na may plano silang makialam o magsagawa ng mga cyberattack sa U.S. presidential election






