top of page
WINNER - NETIZENS KAY PANELO KAWAWANG ‘PINAS!-IG _salvador.panelo & FB Robin Padilla.jpg
Search

ni Justine Berganio @Overseas News | July 9, 2026



Photo: Nasa larawan ang pag-escort ng pulis kay Lawrence Bishnoi (nasa gitna) papuntang korte sa New Delhi, India noong April 18, 2023. Rahul Singh/ANI/Reuters


Arestado ang 24 katao sa isang malawakang international anti-crime operation na tumarget sa mga sindikato ng organisadong krimen na pinamumunuan umano ng mga Indian gang leaders.


Pinangunahan ng mga law enforcement agency mula sa Estados Unidos, Canada at ilang bansa sa Europa ang magkasanib na operasyon laban sa mga grupong sangkot sa racketeering, contract killings, extortion, drug trafficking, kidnapping at iba pang mabibigat na krimen.


Ayon sa US Department of Justice, dose-dosenang indibidwal ang kinasuhan, kabilang ang dalawang umano’y lider ng sindikato na nagpapatuloy sa pamamahala ng kanilang mga operasyon kahit nakakulong sa India. Karamihan sa mga akusado ay nasa kustodiya na ng mga awtoridad.


Kabilang sa mga kasong isinampa ang pagpatay noong 2023 kay Hardeep Singh Nijjar, isang Canadian citizen at kilalang tagasuporta ng kilusang Khalistan na nagsusulong ng pagtatatag ng hiwalay na estado para sa mga Sikh.


Inakusahan si Lawrence Bishnoi, isang kilalang gangster mula sa Punjab, na nag-utos umano ng pagpatay habang nakakulong sa India. Itinuturing din ng Canada na isang terrorist enterprise ang kanyang organisasyon.


Ayon sa mga imbestigador, ginamit umano ni Bishnoi ang kanyang imahe bilang makabayang lider upang makahikayat ng mga miyembro, habang lihim na pinamunuan ang isang malawak na sindikatong sangkot sa political assassinations, murder-for-hire, extortion, drug trafficking, human smuggling at iba pang transnational crimes.


Kinasuhan din si Jaggu Bhagwanpuria, dating kaalyado at ngayo’y karibal ni Bishnoi. Ayon sa mga awtoridad, pinamumunuan niya ang sariling sindikato na may mahigit 1,000 miyembro sa Estados Unidos, Canada, United Kingdom, Europa, Australia at New Zealand.


Samantala, kabilang din sa mga inakusahan si Ravinder Singh Dhanda ng Vancouver, Canada, na umano’y sangkot sa malawakang operasyon ng pagpupuslit ng cocaine at methamphetamine mula Estados Unidos patungong Canada.


Sinabi ng Federal Bureau of Investigation (FBI) na malaking dagok ang operasyon sa tatlong transnational criminal organizations na matagal umanong sangkot sa karahasan, ilegal na droga at iba pang seryosong krimen sa iba’t ibang bansa. 

 
 

ni Justine Berganio @Overseas News | July 8, 2026



Yang Youlin, 69 sentenced to death for receiving bribe - Circulated


Hinatulan ng kamatayan ng isang hukuman sa silangang China ang former city official ng Nanjing matapos mapatunayang tumanggap ng mahigit 2.2 bilyong yuan (P17.82 billion) na suhol sa loob ng halos tatlong dekada.


Kinilala ang nahatulan na si Yang Youlin, 69, na nagsilbi sa iba’t ibang posisyon sa pamahalaang lungsod ng Nanjing mula 1993 hanggang 2023.


Bukod sa pagtanggap ng suhol, napatunayan din siyang nagkasala sa kasong embezzlement, abuse of power at money laundering. Ayon sa mga otoridad, kabilang ang halaga ng kanyang ilegal na yaman sa pinakamalaki sa mga kasong katiwalian na naitala sa China sa mga nakalipas na taon.


Lumabas sa imbestigasyon na ginamit ni Yang ang kanyang mga posisyon upang tulungan ang ilang indibidwal na makakuha ng engineering contracts, land transfers at financing kapalit ng malaking halaga ng pera at iba pang mamahaling regalo.


Isinagawa ang imbestigasyon laban kay Yang bilang bahagi ng malawakang anti-corruption campaign ni Chinese President Xi Jinping na tumututok sa mga opisyal ng gobyerno, militar at sektor ng pananalapi.

Ayon sa hukuman sa Changzhou, napakabigat ng mga paglabag ni Yang at nagdulot ang kanyang mga ginawa ng malaking pinsala sa interes ng estado at ng mamamayan.

Bagama’t nakipagtulungan umano si Yang sa mga otoridad, sinabi ng korte na hindi ito sapat upang mapagaan ang kanyang parusa dahil sa tindi ng kanyang mga krimen. Inamin din niya ang mga paratang at nagpahayag ng pagsisisi bago ibaba ang hatol.

Patuloy namang ipinatutupad ng China ang mahigpit na kampanya laban sa katiwalian, kung saan ilan sa mga pinakamalalaking kaso ng panunuhol ay nauwi sa parusang kamatayan.





MALAWAKANG BROWNOUT SA ZIMBABWE DAHIL SA PAGGUHO NG NATIONAL GRID



NABALOT ng malawakang brownout ang Zimbabwe nitong Lunes matapos gumuho ang national power grid ng bansa.


Ayon sa state-owned Zimbabwe Electricity Transmission and Distribution Company ZETDC, naitala ang pagkawala ng suplay ng kuryente alas-6:24 ng gabi (local time). Hindi agad tinukoy ng kumpanya ang eksaktong sanhi ng grid collapse, ngunit sinabi nitong agad na inabisuhan ang mga kaukulang departamento upang simulan ang pagpapanumbalik ng serbisyo.


Samantala, ipinaliwanag ng parent company nitong Zimbabwe Electricity Supply Authority (ZESA) na isang technical fault sa power network ang naging dahilan ng malawakang pagkawala ng kuryente.


Patuloy umanong iniimbestigahan ang pinagmulan ng problema habang isinasagawa ang mga hakbang upang maibalik ang katatagan ng national grid sa lalong madaling panahon.


Matagal nang nakararanas ang Zimbabwe ng kakulangan sa suplay ng kuryente dahil sa mababang power generation at luma nang imprastraktura ng bansa.


Karamihan sa elektrisidad ng Zimbabwe ay nagmumula sa coal-fired Hwange Power Station, habang ang Kariba Hydropower Plant, isa pa sa pangunahing pinagkukunan ng kuryente, ay naapektuhan ng mababang antas ng tubig bunsod ng kakulangan sa ulan at paulit-ulit na tagtuyot.





WHO, NAGBABALA SA PATULOY NA PAGLALA NG EBOLA OUTBREAK SA CONGO


LUMAMPAS na sa 500 ang bilang ng mga nasawi sa patuloy na Ebola outbreak sa Democratic Republic of Congo (DRC), ayon sa pinakahuling datos ng World Health Organization (WHO).


Batay sa ulat ng WHO, umabot na sa 1,561 ang kumpirmadong kaso ng Ebola sa DRC mula nang ideklara ang outbreak noong kalagitnaan ng Mayo. Sa bilang na ito, 506 ang kumpirmadong namatay, habang 254 naman ang nakarekober sa sakit.


Mayroon ding 354 pinaghihinalaang kaso na patuloy pang iniimbestigahan ng mga awtoridad. Tinatayang nasa 32 porsyento ang case fatality rate ng kasalukuyang outbreak.


Pinakamatinding naapektuhan ang Ituri province, bagama’t naitala na rin ang mga kaso sa apat na lalawigan sa hilagang-silangang bahagi ng bansa.


Ayon sa WHO, ang outbreak ay dulot ng bihirang Bundibugyo strain ng Ebola, na wala pang aprubadong bakuna o partikular na gamot.


Bilang tugon, nagsimula na sa DRC ang clinical trial ng dalawang posibleng lunas—ang monoclonal antibody na MBP134 at antiviral drug na remdesivir—upang masuri ang kaligtasan at bisa ng mga ito laban sa naturang strain.


Kasabay nito, muling nanawagan si WHO Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus sa mga bansa na palakasin ang paghahanda laban sa mga pandaigdigang outbreak habang ipinagpapatuloy ang negosasyon sa pandaigdigang kasunduan para sa mas maayos na pagtugon sa mga pandemya.


Aniya, ang kasalukuyang Ebola outbreak sa DRC ay patunay na nananatiling seryoso ang banta ng mga nakahahawang sakit at maaaring muling humarap ang mundo sa panibagong krisis sa kalusugan.


Samantala, gumaling na at nakalabas ng ospital sa France ang isang doktor na nagpositibo sa Ebola matapos bumiyahe mula sa DRC noong Hunyo.


Nagbabala rin ang United Nations Office for the Coordination of Humanitarian Affairs (OCHA) na nahihirapan ang mga humanitarian worker na kontrolin ang outbreak dahil sa kakulangan ng pondo, hindi maayos na sanitasyon sa evacuation sites at lumalalang karahasan sa ilang bahagi ng DRC.

 
 

ni Mylene Alfonso @News | July 6, 2026



Pangulong Bongbong Marcos at 𝗣𝗿𝗶𝗺𝗲 𝗠𝗶𝗻𝗶𝘀𝘁𝗲𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗸 𝗖𝗮𝗿𝗻𝗲𝘆 - FB

Photo PBBM at Prime Minister Mark Carney / FB



Inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na itinaas na sa Strategic Partnership ang ugnayan ng Pilipinas at Canada, kasabay ng US$2.5 bilyong investment commitments mula sa Canadian companies.


Sa kanyang ulat matapos ang four-day official visit sa Vancouver, Canada, sinabi ng Pangulo na naging mabunga ang kanyang mga pulong kay Canadian Prime Minister Mark Carney, iba pang government officials, at business leaders.


Nakipagpulong umano siya sa ilang Canadian companies para talakayin ang kanilang planong mamuhunan sa Pilipinas, partikular sa mining, critical minerals, energy, information technology at business process management, at digital economy. Kabilang dito ang B2Gold Corporation, OceanaGold Corporation, TELUS Corporation, at NQX.


Ayon kay Marcos, lalo nitong pinatitibay ang pangangailangang maisulong ang free trade agreement sa pagitan ng Pilipinas at Canada.


Tinanggap din ng Pangulo ang pakikilahok ng Canada sa Luzon Economic Corridor, kabilang ang paunang dalawang milyong Canadian dollars na suporta para sa infrastructure, supply chain, at clean energy projects.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page