top of page
Search

ni Madel Moratillo | May 3, 2023



ree

Balik-online muna ang klase sa ilang eskwelahan sa Metro Manila dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19.


Sa isang abiso sa kanilang Facebook page, sinabi ng pamunuan ng Adamson University

na mula May 2 hanggang 6 ay magpapatupad muna sila ng online class.


Ito ay dahil sa mataas na kaso ng COVID sa Maynila.


Sa datos ng Manila LGU, ang kanilang active cases ay nasa 164.


Ang Department of Health, ipinaubaya naman sa Department of Education at pamunuan ng eskwelahan ang pagdedesisyon sa magiging paraan ng pag-aaral ng mga estudyante.


Ang mga ito kasi umano ang mas nakakaalam ng sitwasyon.


 
 

ni Lolet Abania | September 3, 2021


ree

Nakapagtala ang Department of Education (DepEd) ng kabuuang 16,038,442 o 61.2 porsiyento ng mga estudyanteng nakapag-enroll para sa School Year 2021-2022 hanggang ngayong Biyernes.


Base sa pinakabagong datos ng DepEd, may 10,794,716 estudyante ang nag-register sa pampublikong paaralan; 671,660 sa pribadong eskuwelahan; at 14,739 sa state universities at colleges, kabilang dito ang mga lokal na unibersidad at kolehiyo.


Nasa tinatayang 4,557,327 estudyante naman ang nakapag-sign-up para sa early registration ngayong school year. Ang rehiyon na may pinakamaraming enrollees ay nasa Calabarzon na umabot sa 2,481,554; kasunod ang Central Luzon na nasa 1,591,509; at National Capital Region na nasa 1,577,155.


Para naman sa Alternative Learning System (ALS), sinabi ng DepEd na may kabuuang 130,418 o 21.76% ng mga estudyante nu’ng nakaraang taon ang nakapag-enroll sa ngayon.


Sinabi naman ng DepEd na magpapatuloy pa rin ang regular enrollment ng hanggang Setyembre 13, 2021, habang inaasahang tataas pa ang bilang ng mga estudyante na sasabak muli sa online learning.


Ayon sa DepEd, nakatakda ang pagsisimula ng school year sa Setyembre 13, subalit, sinabi ng ahensiya na may mga private schools na sinimulan na nang maaga ang kanilang online classes.


Matatandaang noong nakaraang taon nang magbukas ang klase ng Oktubre 5, 2020, ang kabuuang bilang ng mga enrollees na nai-record ng DepEd ay nasa 24.7 milyon.


Batay pa sa DepEd, ito ay nasa 89% lamang ng kabuuang enrollment sa panahon ng School Year 2019-2020. Gayundin, ayon sa ahensiya, noong nakaraang taon ay tinatayang nasa 398,000 estudyante na mula sa private schools ang nag-transfer sa public schools sa gitna ng nararanasang pandemya.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | May 18, 2021


ree

Pinag-aaralan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang pagbabakuna sa mga estudyante laban sa COVID-19, ayon sa Commission on Higher Education (CHED).


Pahayag ni CHED Chairman Prospero de Vera, "Magbabakuna ba tayo ng mga estudyante at mga bata? This is going to be discussed, by the way, in the IATF this week.”


Aniya pa, "In other parts of the world... they are reviewing their policy and thinking of prioritizing vaccinating students so they can go back to some face-to-face classes."


Ayon kay De Vera, maaaring makatulong sa mental health ng mga estudyante ang pagbabakuna dahil marami ang mas nahihirapan sa online classes.


Saad pa ni De Vera, "The mental health of students are really getting affected and they'd like the students to be going out of their homes more frequently. The answer in other countries is to vaccinate them.”


Ayon sa vaccine czar na si Secretary Carlito Galvez, kabilang sa mga pinag-aaralang bakunahan ay ang mga edad-12 hanggang 17.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page