top of page
Search

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | April 13, 2021



ree

Napakasarap pakinggan na mabigyan ka ng ikalawang pagkakataon at para itong mahika na muling iikot ang iyong mundo. Anuman ito, hinggil sa pagiging magulang man, personal, o relasyon sa trabaho. Kahit sino ay may karapatan na magkaroon ng 2nd chance, para patunayan niya ang kanyang halaga sa uri ng commitment na tutuparin.


1. GAWING MABUTI ANG TRABAHO. Napakahalaga na umiwas na makalikha ng isyu mula sa isang maliit na bagay kaya mainam na magtrabahong mabuti at ipakitang mas pokus ka sa iyong ginagawa para mas mapabilib siya.

2. MAGKAROON NG PANAKA-NAKANG SOUL-SEARCHING. Ang pinakamainam na magagawa ay bago konsiderahin ang ikalawang tsansa, maupo, mag-isip at mag-meditate sa mga unang dahilan ng hindi pagkakaunawaan.


3. GAWIN LANG KUNG ANO ANG TIYAK NA UUBRA. Huwag nang uulitin pa sa usapan ang dati nang naging isyu at asahan kung ano ang magagawa matapos bigyan ng tsansa.


4. KAILANGANG MALAMAN ANG ISYU. Ang mga magulang minsan iniisip nila na tayong mga anak nila ay hindi marunong magpatawad, pero hindi naman talaga mawawala sa ating kalooban na maghinanakit at para malaman nila na mali sila pero nananatili kang umasa na mabigyan sila ng tsansa na maayos ang lahat ng bagay etc.


5. BIGYAN ANG RELASYON NG ISA PANG TSANSA. Kung ikaw ay nasa isang relasyon na mahalaga ang pagmamahal, pero may nangyaring hindi pagkakaunawaan, isipin muli ang mga dapat gawin at hayaan sila na magkaroon ng ikalawang tsansa para mailagay sa tama ang lahat ng bagay lalo na't pagdating sa finals ay kayo pa rin ang magiging magkakampi.


6. HAYAANG ANG ORAS AT PANAHON AY MAHILOM. Kung ang anumang bagay ay nasisira na sa pagitan ninyo ng partner, medyo bigyan n’yo muna ang bawat isa ng space, tapos ay magbigay ng 2nd chance sa dakong huli.


7. MAGING RESPONSABLE. Kung sa tingin mo ikaw ang nagkamali, at alam mong totoo ito, ang mainam mong gawin ay “sarilinin” ang pagsisisi”.


8. MAGPALAMIG. Kung medyo sa tingin mo ay muling mag-iinit ang isyu, ikaw na rin ang medyo manahimik at palamigin ang sitwayon bago muling mapag-usapan ito sa dakong huli.


9. Kailangan mong maging mabuting tagapakinig at bigyan ang iba pa ng oras.Gayunman, kung parehong nagtatalo, walang magandang kalalabasan ito.


10. Huwag na huwag mong susundin ang sasabihin ng ibang tao, maaaring makaapekto sa iyong paghuhusga, positibo man o negatibo, maaari kang makinig sa kanila pero hindi mo kailangang gawin anuman ang sasabihin nila kung makakaapekto sa relasyon ninyo ng mahal mo sa buhay.


11. Sundin ang kutob. Kung dama mo na anumang hakbang ay uubra, huwag mag-alinlangan na gawin ito.


12. Huwag nang maghintay ng matagal kung mahuhuli na, ngayon pa lang ay umaksiyon ka na.


13. Bigyang tsansa mo kung ano ang sinasabi ng iyong puso na tama, huwag mo nang kuwestiyunin ang iyong kutob o damdamin, lapitan na siya.


14. Kung ang mga bagay ay nakadidismaya pa rin, medyo dumistansiya ka muna. Magpalamig kumbaga.

 
 

biyayang natatanggap.


ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | April 12, 2021


ree

Kahit pandemic ngayon at nahaharap sa krisis, marami pa rin tayong dapat na ipagpasalamat lalo na kung sa iyong mga dasalin ay nakatatanggap ka ng mga biyaya at pagpapalang malusog na pangangatawan. Kung noon maraming tao ang biniyayaan na’t lahat, pero hayun nagagawa pang magreklamo sa buhay, parang walang kakuntentuhan. Heto ang tips para sa ganyang uri ng attitude kung nais mong baguhin.


1.PASALAMATAN ANG SARILI. Isipin ang lahat ng bagay na iyong nagawa, tulad ng pagbibigay ayuda sa kapwa o iba pang mahal sa buhay. Isipin at damhin na dapat kang magpasalamat, pero bakit hindi mo yata nagagawa. Tapos ay isulat ang mga ito. Pasalamatan ang sarili dahil nakagawa ka nang mabuti at ito ang unang nasa isip mo ngayong panahon ng krisis. Tapos ay basahin ang listahan muli at maging mapagpasalamat na nagawa mo na pala. Tapos ay isipin at damhin ang bawat isa.


2.Gumawa ng petsa sa pagsasabi ng pasasalamat. Pumili ng araw at markahan ito sa iyong kalendaryo. Ito ang araw na maaari mong sabihin ang salitang Salamat kahit kanino na may mabuting nagawa sa iyo. Oo, kahit na sa isang agwador. Kahit na sa isang delivery rider na naghatid sa iyo ng pagkain ay magpasalamat ka. At kapag nagsasabi ka ng “Salamat ng marami,” damhin ng totoo ang kahulugan. Tapos sa susunod na araw ay sabihin na, “I appreciate it,” sa halip na salamat na. Damhin ang ibig sabihin nito, sa bawat oras na sinasabi mo ito.


3.Pag-aralan ang lahat ng mga kaibigan at ang kanilang buhay. Tapos ay isipin, kung ano ang iyong dapat na i-appreciate sa kanila. I-appreciate sila, anumang tagumpay o mga bagay na mayroon sila. Kung nakabili siya ng bagong sasakyan, o lote, may mabait at mapagsuporta kasi siyang asawa, ipagpasalamat mo iyon. I-appreciate mo na naging kapitbahay mo sila at nakikita mo silang mag-asawa na sweet na sweet.


4.Tanggapin ang anumang bagay na mayroon ka. Isulat ang magagandang bagay na nangyayari sa iyo, positibong pakiramdam at matalinong pag-iisip na mayroon ka. Pagmuni-munihin ito at tanggapin ang kahulugan nito sa iyo. Tanggapin ang sinumang tao na hihingi ng tulong sa iyo lalo na sa kagipitan. Ngayong pandemic, ikaw na pinakamasuwerte, maraming pera, malusog at ligtas sa COVID-19 ay dapat maging bahagi ng iyong araw-araw na gawain sa buhay ay ang tumulong.


5.Kapag nasa isang sitwasyon ka o harap ng mga tao na walang iniintindi, tingnan kung saang bagay o bahagi ka dapat magpasalamat.


6.Kung magagawa mong makakausap ang mga taong hindi mo dati iniintindi sa paggawa ng mga hakbangin na nabanggit,palawakin mo pang mabuti ang mga dahilan kung bakit kailangan kang magpasalamat, at i-appreciate sila.

 
 

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | April 11, 2021



ree

Kapag sobra ka nang materyoso at marami ka na halos binibili nang kung anu-anong bagay dahil lamang sa iyong luho, higit na mag-aalala ka dahil ang dami mong mga kagamitan o bagay na pag-aari na dapat alagaan. Alalahaning mas mahalaga ang sariling kalusugan at buhay dahil hindi mo madadala lahat sa kabilang-buhay ang mga iyan. Mas dapat ituon ang buhay sa mas mahalaga at gastusin ang pera sa kung ano ang kailangang-kailangan. Mas masarap sa pakiramdam na sa panahon na ito ng pandemya ay maipamahagi mo ang iyong pera pantulong sa kapwa kaysa gastusin sa mga walang kuwentang mga bagay.

  1. Maigsi lang ang buhay, kaya dapat maging maingat sa paggastos. Tandaan mong anumang luho ang iyong idaragdag sa iyong bahay, darating ang mga taon na hindi ka na interesado rito.

  2. Sa tuwing iikot ka o maglilinis ng iyong bahay, minsan napapaisip mo nang itapon ang ibang mga bagay o ipamigay na lang. Isulat mo muna ang presyo ng mga alam mong kalat na lang sa buhay, magugulat ka sa laki pala ng perang naaksaya. Ngayon pa lang, imotiba na ang sarili na huwag nang maging maluho sa kung anu-anong mamahaling mga bagay sa buhay.

  3. Kung may balak kang dalhin sa bahay, pinakamainam na ipagpalit mo ito sa iba mong gamit. Para mabawasan ang mga kalat.

  4. Ang tunay na kaligayahan ay natatagpuan sa ibang tao, mga hayop, kalikasan at karanasan. Kung minsan ang pagiging materialistic o maluho ay hindi na magandang larawan para sa ibang taon. Nakikita nila ang tunay mong pagkatao kung pawang mga material things lang ang nagpapasaya sa'yo.

5. Tandaan na kung higit mong nailalaan ang lakas at buhay sa mga bagay na may buhay, higit na aanihin mo ang saya at blessings na darating sa iyo kaysa ang ma-stress ka sa mga mamahaling alahas, appliances, gadgets o sasakyan na pagdating sa huli ay mga masisira lamang o kukupas.


PARA MAS MAGING SIMPLE LANG

  1. Ilista ang mga importanteng bagay na hindi ka mabubuhay kung wala ito. Huwag nang idagdag ang cable TV sa listahan. Ilista lang ang bayad sa renta, kuryente, pagkain. Huwag na munang isipin ang bagong damit na isusuot.

  2. Ano ba ang mga babawasang gastusin mula sa luho. Halimbawa, kung hindi mo naman kailangan ng bagong cellphone, wag na bumili, pero kung kailangan ay segunda mano na lang.

  3. Kung nangangati sa luho, sikaping unang isipin ang mga babayarang utang. Makikita mong mas makakatipid ka.

  4. Sikaping humanap ng mga natural na alternatibo sa mga bagay na magastos. Kung may ibig kang orderin online na pizza, gawa ka na lang sa bahay. Kung may expensive na registration online ng mga event exercises, maglakad-lakad sa bakuran, mag-jogging sa barangay o ipatong sa tripod ang bisikleta at saka ka pumedal at mag-yoga, maglatag ng mat sa sala.

5. Kung plantita ka, i-recycle ang mga plastic bottles o iba pang mga lalagyan na hindi na ginagamit sa loob ng bahay, matutong mag-recycle. Simulan na rin ang urban gardening at magbinhi ng mga petsay, mustasa, sili, talong, okra, mga ilang buwan lang makakaani ka na mula sa pagtatanim sa lumang mga lata, recycled bottled water, mga timba at plangganang butas para hindi ka na bibili.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page