top of page
Search

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | April 20, 2021




ree

Nakalulungkot kapag nanalasa ang malalakas na bagyo sa bansa lalo na kung apektado ang malalayong probinsiya. Halos hindi sila maabot ng tulong para may makain at may mainom na malinis na tubig.


Ang tao ay hindi kayang maka-survive nang walang pagkain at tubig sa mas mahabang panahon. Ang totoo, ayon sa SurvivalTopics.com, ang pinakamahabang araw na maaaring maka-survive ang tao nang walang tubig ay 10, nang walang pagkain o apat hanggang anim na linggo. Gayunman dahil na rin sa iba’t ibang kaso, depende na rin ito sa sitwasyon. Ikalawa ito sa kailangang hangin o oxygen, ang tubig ang pinakamahalagang compound na kailangan ng katawan para maka-survive. Kung kukuwestiyunin ang statement na ito, subukang huwag uminom ng tubig sa isang araw.


1. ANG TUBIG. Ang dami ng araw-araw na tubig na kailangan ng katawan para manatili ang kalusugan ay 2 quarts. Katumbas ng hanggang apat na 16 oz na bote ng tubig. Gayunman, ang dami na ito ay nagbabago kung pisikal na aktibo, ang klima ay nagiging mainit o ang klima ay natutuyo. Sa sitwasyon na ito, lumalabas ang tubig mula sa iyong balat dahil na rin sa pawis at kailangan itong mapalitan ng anumang nawala. Sa kondisyong ito, kailangang uminom ng isang galon ng tubig sa isang araw.


2. TEMPERATURA.Dahil ang dami ng tubig na kailangan ay depende sa iba’t ibang sitwasyon. Pagbabasehan ang dami na kailangan para sa isang tao. Ang dami ng kailangan ay kung sakaling may sumasakit ang tiyan, dapat ay mainit na tubig. Kung malamig ang paligid at puro tubig, kailangan ng maligamgam na pang-inom. Huwag iinom ng tubig na galing kung saan.


3. PAGKAIN. Ang tao ay puwedeng magpatuloy sa buhay nang walang pagkain sa mahabang panahon. Gayunman, kapag walang pagkain sa ilang araw o hanggang isang linggo ay kakaiba. Ilan sa sintomas ng kakulangan ng sustansiya mula sa pagkain ay panghihina, mahina ring mag-isip, nahihirapang huminga, iritable at nalilito.


4. ANG KAKAYAHAN NG TAO. Ang dami ng oras na kaya ng isang tao na walang pagkain ay base sa impormasyon mula sa doktor ay hindi tatagal ng apat hanggang isang linggo. Gayunman, ang anumang kaya ng katawan ng tao ay iigsi o mapapahaba pa. Ang iba pang kaso gaya ng pag-igsi o paghaba ng oras. Ang ilang bagay tulad ng sobrang taba o hindi pag-inom ng sapat na dami ng tubig ay nagbabago sa panahon nito ng oras. Ang isang sobrang taba na tao na malusog din ay magtatagal kahit saan ng hanggang 25 linggo nang walang pagkain. Pero kapag nagkaroon ng kakulangan sa pagkain at tubig, ang tao ay hindi makaka-survive ng higit sa 10 araw.


5. PAG-IWAS/ SOLUSYON. Ang tubig at pagkain ay hindi laging handa at available. Sa maraming rason, makikita ang sarili sa posisyon na nagsisisi o disin sana’y naging handa ka noon. Ang matuto ka ng mga survival skills gaya ng panghuhuli ng mga hayop, pangingisda at trapping ay magandang gawin. Alamin kung anong mga ligaw na damo o mga dahon ang siyang puwedeng kainin. Magtabi rin ng iodine tablets para magamit sa water purification para hindi makainom ng kontaminadong tubig habang nagpapakulo ng tubig.


Kung may mga kababayan tayong nakakain ng mga nalunod na hayop, gaya ng kambing, kalabaw, kabayo at iba pang nakakarneng hayop, sila ang mga mahuhusay na survivors. Aanhin mo na nga naman ang pera kung wala kang makain kapag ang paligid mo ay lubog sa tubig-baha.

 
 

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | April 19, 2021


ree

Hindi natin akalain na summer season pero bigla na lang may dumating na bagyo, nag-iiba na nga ang takbo ng ating mundo. Hindi naman tag-ulan pero biglang may tropical storm at sabi ng PAG-ASA kapag lumakas pa ay magiging super typhoon ang Bising, huwag naman sana. Mag-ingat po ang ating mga kapatid sa Kabikulan at iba pang bahagi ng Samar dahil diyan hahagupit ang bagyo ngayong araw. Paano tayo maging handa sakaling tumindi ang pagbaha.


1. Linising mabuti ang dalawang malalaking plastic drum o malinig na jugs at hugasan sa klorox para mapaglagakan ng tubig. Punuin ng tubig na puwedeng mainom. Maghanda ng mga kumot, flashlight, flare gun, vests, lubid, gloves, at first aid kid, ilagay ito sa isang ligtas na wet bag.


2. Maghanda rin ng malalaking balsa o raft o anumang sasakyang pantubig, bangka o de motor. Itupi ang raft at ilagay sa isang bundle. Isama ring itali ang portable air compressor sa raft para may pambomba ng hangin. Magtali rin ng 2 talampakang lubid sa raft at bag kit. Ilagak ang mga ito sa pinakamataas na bahagi ng bahay, pulbusan ang lahat ng ito ng baby powder para ma-preserba ito. Maglagay din ng deacons sa paligid nito o maging sa ibaba nito para hindi makalapit ang anumang daga o bubuwit o ipis para hindi ito makagat.


3. Kapag mayroong baha at na-trap ka sa loob ng bahay, agad na umakyat sa 2nd floor. Wasakin na ang anumang butas sa bubungan, kasing laki ng puwedeng daanan ng raft/bag kit. Magsuot na ng goggles kaagad.


4. Bombahin na agad at punuin ng hangin ang raft, magsuot na rin ng safety vests. Manatili sa bubungan hanggang sa sumapit ang ‘di inaasahan.


5. Kung kailangan nang lumusong sa tubig sa lugar na malayo sa malakas na agos ng tubig ipaanod ang raft habang nakasakay ang buong pamilya. Ito’y para hindi ka tumama sa mismong bahay ninyo at ma-trap pa sa kung saang lugar.


6. Isakay na lahat ng loveone sa rafts. Itali na agad sa pinakamalapit na pinakamataas na punong-kahoy ang lubid habang hawak ng buong pamilya. Pumuwesto sa tabing puno na hindi inaagusan ng malakas na tubig. Pumili ng mas matibay na punong kahoy, huwag magtatali sa poste ng kuryente.


7. Kung may dala kang flare gun, mainam ito para makahanap ng liligtas na chopper kung papuputukin mo ito bilang hudyat ng paghingi ng tulong.


8. Maghintay habang palutang-lutang sa raft hanggang sa kayo ay mailigtas. Huwag bababa sa tubig, dahil baka tangayin ka ng iba pang lakas ng agos patungo sa delikadong mga lugar.


9.Pagtali-taliin ang mga sarili, huwag itali ang sarili sa raft.


10. Manatiling nakasakay sa raft.


11. Oo, napakalamig dahil basang-basa ka ng tubig ulan at baha, pero ang responsibilidad mo ay unahin ang iyong buong pamilya. Huwag silang iwanan kahit anong mangyari para lang magligtas ng iba pa, hayaan na gawin na lang ito ng rescuers.


12. Manatili sa mas hindi malakas na agos ng tubig sa mga gilid ng gusali at puno para manatiling ligtas.

 
 

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | April 17, 2021


ree

Isa sa pinakamalaking problema ng magulang na may matampuhing anak ay hindi niya alam kung paano niya aayusin ito para na rin mabago habang siya ay lumalaki.

Kung minsan dahil na rin sa pagiging overprotective ng magulang at pagbibigay ng gusto sa anak, ay namimihasa na siya rito.

1.Pagtulungan ninyong mag-asawa na magkaroon ng kapaligiran na may apat na elemento, istruktura at limitasyon, damdamin, pag-obserba sa sarili at panghihikayat. Ang apat na elemento na ito ay nakatutulong kapag sobrang sensitibo o matampuhin ang bata.


2. Magpakita ng simpatiya sa sensitibong bata dahil kailangan niya ng iyong suporta. Ang kanyang damdamin ay pinaghaharian ng pagkasensitibo at abilidad na tanggapin ang anumang dumarating na sitwasyon. Maipakita mo lang sa kanya ang iyong damdamin ay lalabas na kampante ang kanyang reaksiyon at nasa tama dahil hindi siya magpa-panic. Halimbawa, kapag tumatanggi ang bata na matulog sa gabi, sabhin sa kanya na, “Alam kong gusto mo pang maglaro, pero kami ay mga pagod na, kailangan na nating lahat na matulog para magising tayo na masaya at handa na muling harapin ang mga gagawin pati ang iyong pag-aaral sa module.”


3. Bukod diyan, bigyang istruktura at limitasyon ang kanyang pagka-agresibo at pagsusumpong. Okey lang na maramdaman niyang sumisimpatiya ka sa kanya, pero kapag naghigpit ka habang naiintindihan mo ang kanyang sumpong at ugali, kailangan pa rin niyang magkaroon ng tamang uugaliin.


Kapag sinusumpong pa rin siya imbes na matulog na, sabihan siya na, “Hindi puwede yan, matutulog ka na ngayon.”


Habang ang bata ay nagiging agresibo, dapat matatag ka sa iyong boses at ekspresyon ng mukha at mas seryoso ka.


4. Hikayatin ang bata na maging maingat at nasa kontrol. Kapag dama niya na parang marami ang naiinis sa kanya at nagagalit dahil sa kasalbahihan niya, sabihan siya na “ Ganyan din ako noong bata kung minsan pareho tayo nang nararamdaman, sweetie.” Oras na maipadama mo na nariyan ka lagi sa kanyang tabi, hikayatin siya na pigurahin kung paano niya iha-handle ang parehong sitwasyon sa hinaharap para mas matuto siyang ayusin ang sitwasyon hanggang sa kanyang paglaki.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page