top of page
Search

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | April 23, 2021


ree

Maaaring gusto na talaga ng bata na humusay sa current events dahil sa ito ang madalas niyang problema tuwing may class discussions sila sa subject na iyon. Heto kung paano matutulungan ang anak hinggil sa current events at magkaroon ng malawak na kaalaman hinggil sa world events.


1. Sabihin sa kanya na ang isang balita ay iyong walang halong mga nagigimbal na larawan o bayolenteng mga eksena. Ang mga pampublikong programa sa telebisyon, sa social media man o pahayagan ay iyong mga tipo na angkop para sa mga bata na panoorin, hindi peligrosong basahin at hindi nakaka-shock at nakasisira ng kaisipan ng isang bata.


2. Ipaliwanag sa regular na paraan ang current events sa bata. Palagiang mahalaga na matulungan ang bata na isipin ang hinggil sa mga istorya na kanilang naririnig. Magtanong ng maraming bagay gaya ng: a. Ano ba ang naiisip mo hinggil sa naturang pangyayari? b.Bakit ito nangyari? c.Paano mo ba naisip na ito ay nangyari? Ang pagtatanong ng ganito ay nakahihikayat sa anumang talakayan ninyong dalawa ang tungkol sa nangyari bagamat hindi man hinggil sa balita ang paksa ng inyong pag-uusap.


3. Ilagay ang news stories sa tamang pagkakataon. Upang matulungan ang bata na magkaroon ng kabuluhan ang kanyang mga naririnig, ipakita sa kanya na ang isang pangyayari ay puwedeng may kaugnayan sa iba pang bagay at sikaping maipaliwanag nang mabuti sa kanya, ayon sa abot ng iyong pagkakaunawa sa balita.


4. Manood ng balita na kasama ang bata sa lahat ng oras at sikapin mong salain ang mga kuwento na angkop lang sa kanyang nauunawaan at malayo sa kanyang katatakutan.

5. Magkaroon ng gabay kung nararapat at iwasang ipakita ang mga palabas na hindi angkop para sa edad ng isang bata o antas ng kanyang paglago.


6. Kung dama mo na hindi ka komportable sa nilalaman ng balita o hindi ito ayon sa antas ng bata, i-off na ito.


7. Pag-usapan lamang ang magagawa para umasiste. Sa ilang kaso gaya ng mga nagaganap na kalamidad, magkakaroon ang bata ng kontrol at higit na dama niya ang seguridad lalo na kung hahanap ka ng ibang paraan upang makatulong sa mga taong apektado.

 
 

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | April 22, 2021



ree

Ang paghahanap ng sariling kaligayahan ay nagsisimula at nagtatapos din sa sariling paraan. Pero nahaharap ka sa matinding pang-iinsulto at binu-bully ka, basahin at alamin kung paano magkaroon ng higit pang maligayang buhay.

MAKINIG SA MGA NANG-AAPI. Kung maliit na bagay lang ang iyong narinig tulad ng, “Ngii, hindi bagay sa iyo ang kulay na iyan,” o isa namang marahas na komento na gaya ng, “Ang tamad mo naman!” Ang ganito kaliliit na komento ay parang isang lamok na kumagat sa braso mo, kailangan silang iwasan pero ang mga marahas na komento kahit na maliit ay kailangan mong magbago o mag-adjust sa sarili.


1. TANUNGIN ANG SARILI KUNG ANG MARAHAS NA KOMENTO AY TOTOO. "Tamad ba talaga ako?” Kung alam mo na agad ang sagot, huwag nang pansinin ang komento (maliban na lang kung paulit-ulit, at isa pa ay iwasan na ang naturang tao, kausapin siya hinggil dito o sabihin sa boss o teacher kung kailangan).


2. TANUNGIN ANG ISANG MAPAGKAKATIWALAANG KAIBIGAN KUNG INIISIP NILA NA ANG KOMENTO AY TOTOO, O TANUNGIN NANG DIRETSAHAN ANG TAO KUNG TOTOO ANG SINABI NIYA AT BAKIT NIYA NASABI IYON. Ang isang mabuting kaibigan ay konstruktibo at nakatutulong hangga’t kaya nila. AYUSIN NA AGAD ITO KUNG INIISIP MO NA INIINSULTO KA NG TAO. Walang taong perpekto, pero ang pagiging aktibo ay tiyak na mag-iibayo sa lahat ng aspeto ng iyong sarili. Sobrang mahina? Ayusin ang sariil. Humugot ng lakas ng loob o magsanay na magsalita sa harap ng publiko. Mataba? Ngayon ka na magsimulang magdiyeta at mag-ehersisyo. Hindi mo kailangang gawin ito nang sapilitan pero sa maliliit na bagay lang nagsisimula ang pambu-bully o pang-aapi ng iba at maaari mo nang maipag-ibayo nang buung-buo ang sarili maging ang iyong ugali.


3. MATUTONG DEDMAHIN ANG MGA WALANG KUWENTANG KOMENTO. Ang kanilang opinyon na para lang makasakit ng damdamin at hindi naman lahat totoo. Tandaan na ang mga taong madalas na uminsulto ay dahil sa galit, inggit o selos nila. Ang ilang tao ay sadyang ipinanganak nang masakit kung magsalita. Pero anupaman ang iba pa niyang sasabihin ay dapat na lamang na kalimutan.


4. TAWANAN NA LAMANG ANG LAHAT. Hindi naman isang malaking bagay ito, hindi mo na dapat pang seryosohin ang isyu. Pero tandaan, ang pagtawa sa isang bagay na nakasasakit sa iyong tiwala sa sarili ay hindi dapat. Nagbibigay lamang ito sa pakiramdam ng iba na malaya nila itong magagawa nang palagian sa iyo. Kailangang harapin siya paminsan-minsan.


5. ALAMIN kung ano ka at kung ano ang iyong gusto. Kung ikaw ay komportable sa sarili mong balat, ang pagmamahal sa sarili ay natural nang nangyayari.


6. GUMAWA ng listahan ng mga bagay kung saan ka magaling o anong gusto hinggil sa sarili. Halimbawa, “May maganda akong ngiti” o “Ako ay magaling na manlalangoy.” Ang magkaroon ng listahan ng magagandang kalidad ay para maipadama sa sarili ang kahalagahan.


7. Kailangang maglaan ng maraming oras na mag-isa para makilala ang sarili. Tanungin ang sarili, “Ano ba ang aking gusto?” Anong bagay ang nagpapasaya sa akin?” Ano ang hindi ko gusto?” "Ano ba ang handa kong gawin upang mapanatag ang sarili?” Ang pagsulat sa isang notebook ay inirerekomenda.


8. Kapag alam mo na kung sino ka, at kung ano ang iyong gusto, masisimulan mong makaakit ng ng mga taong magugustuhan ka. "Birds of a feather flock together" ay HINDI lamang isang kasabihan, totoo na iyan.


9. Ang pagkakaroon ng mapagsuportang kaibigan ay makatutulong upang ‘di na mapansin ang malilit na bagay.


10. Tandaang magsisimula ang lahat ito kapag sinusuri muna ang sarili at magustuhan na ito. Hanggang sa magawa na adjustment, huwag magtaka kung marami na ang maaakit sa iyo.


11. Good luck sa masayang daan na tatahakin.


12. LAGING TANDAAN AT HUWAG NA HUWAG KALIMUTAN NA IKAW AY ISANG MAGANDANG NILALANG. ISANG MABUTING TAO AT MAY LUGAR SA MUNDONG ITO AT WALANG SINUMAN ANG HUHUSGA SA IYO.

 
 

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | April 21, 2021



ree

Mga magulang, tandaan ang anim na mga hakbangin na ito upang anuman ang abilidad ng bata ay maging isang mahalagang bagay ito na kanyang matutunan sa dakong huli. Halos lahat ng bata ay nagsisimulang excited na matuto sa sandali ng pagtuntong niya sa unang araw ng pag-aaral, pero ang discouragement at pagkadismaya mula sa paulit-ulit na kabiguan ang nagpapabagsak sa kanyang kasiglahan, magagawa mong palakasin ang learning ability ng bata.


1. Tanggapin na ang bata ay hirap na matuto pero naroon ang katotohanan na ito ay malalampasan din. Ang matapang na hakbangin na ito na iyong magagawa ang pinakamahalagang bagay na iyong gagawing solusyon para sa iyong anak.


2. Ilista ang naoobserbahang learning behavior ng bata. Tumatanggi ba siyang magbasa? Para bang aabutin pa ng matagalang panahon na makumpleto niya ang kanyang ginagawa? Kailangan na ng maraming atensiyon? Hindi siya makasunod? Sa bawat sintomas na ito ay isang susi sa pang-unawa para mabuksan ang kanyang potensiyal na matuto.


3. Makipag-usap sa propesyonal na guro para marebisa ang iyong mga naisulat at saka ikumpara ang test result ng bata sa kanyang patuloy na inuugali. Ang konsultasyon ay makatutulong upang maunawaan ang pinaglalabanan ng anak. Kapag sapat ang impormasyong ito, makapipili ka ng tamang gagawing aksiyon.


4. Maghanap ng espesipikong skills training options na angkop sa bata. Huwag nang mag-aksaya ng oras at pera sa tutoring kung hindi nila malulunasan ang ugat sa problema.


5. Tulungan ang anak na magsumikap ayon sa galing ng kanyang isipan sa loob ng 12-24 oras, ilang oras kada isang linggo. Hindi magtatagal ay makikita na ang resulta, pero kailangan nito ang effort at panghihikayat.

6. Pansinin kung ang hangarin ng anak na matuto ay mabilis na mangyayari, kaysa sa iyong inaasahan.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page