top of page
Search

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| August 29, 2022


Dear Maestro,


Naisipan kong sumangguni sa inyo upang malaman kung magka-compatible ba kami ng boyfriend ko? Sa pagkakaalam ko, hindi compatible ang Virgo at Libra, pero okey at masaya naman ang relasyon namin, at anim na buwan na kami sa October 1.

Ano ang mangyayari sa aming relasyon, magiging maligaya ba kami at kami na ang magkakatuluyan? September 7, 1993 ang birthday ko, habang September 16, 1990 naman ang boyfriend ko.


Umaasa,

Janice ng San Jose, Baras, Rizal


Dear Janice,


Hindi naman totoong hindi compatible ang Virgo at Libra, sapagkat may pinanghahawakan tayong tatlong teorya o batas ng compatibility.


Una, ang tinatawag na “same feather flocks together” na hango sa paniniwalang Western Astrology na nagsasabing, ang magkakapareho ng elemento na mga zodiac sign ay siguradong compatible sa isa’t isa at kadalasang matatagpuang mag-bestfriend.

Sa kaso mo na Virgo, ang tunay na ka-compatible mo sa unang batas o teorya ng compatibility ay ang kapwa mo earth type sign na Taurus, Capricorn at tulad mo na Virgo.


Ang ikalawang teorya naman ng compatibility ay ang tinatawag nating “opposite poles attract each other”. Ang paniniwala namang ito ay hango sa Oriental Astrology na nagsasabing, ang nawawala mong pagkatao ang dapat pumuno at matagpuan mo sa iyong kasuyo.


Kumbaga, kung ikaw ay mahiyain o mahina ang loob, ang katumpakang ka-compatible ay silang malakas ang loob at hindi mahiyain. Kung ikaw ay malungkutin at mapag-isa, ang kulang sa iyo ay saya at lipunan, na dapat mong matagpuan sa iyong kasuyo.


Walang iniwan sa gabi at araw upang umusad ang paglalang. Kailangang sumapit ang dilim upang kinabukasan ay lumitaw naman ang liwanag. Ganundin ang konsepto ng “negative at positive poles” sa kuryente upang sumikad ang elektrisidad. Ito rin ang prinsipyo ng I Ching, kung saan kailangang may puwersang Yin at Yang upang magpatuloy ang ikot ng mundo.


Sa ikalawang teorya na ito, ka-compatible ng zodiac sign mong Virgo na earth element ang Pisces na water element. Habang secondary compatible mo naman silang mga isinilang sa Cancer at Scorpio.


Ngayon, may ikatlong teorya pa ba sa compatibility? Oo, meron pa at ito ang tinatawag na “neighboring attractions”, kung saan ang batas na ito ay hinango naman sa “gravitational attraction o gravitation force” ng mga planeta sa kalawakan.


Hindi ka ba nagtataka, hindi nahuhulog ang mga planeta habang sila ay nakalutang sa kalawakan? Sa halip, may harmonious relationship ang mga ito, kaya tulad ng mga bola na nakalutang sa langit, kahit minsan ay walang humulagpos o nalaglag sa kanila.


Ang lakas na hindi nakikita na nagpapanatiling magkakayakap ang walong planeta sa kalawakan ay ang tinatawag na “gravitational attraction” kung saan may kani-kanyang gravity ang bawat planeta, na nagsisilbing tali na hindi nakikita, kaya walang nahuhulog sa kanila.


Malakas ang gravitational force na ito sa kapitbahay o katabi niyang planeta, kaya imposible silang mahulog o malaglag sa kawalan.


Sa Astrology ay ganundin, kapag kapitbahay mo ang isang zodiac sign, siguradong magka-compatible rin kayo. Sa kaso mo na isang Virgo, walang duda na ka-compatible mo rin ang isang Leo at Libra. Silang dalawa kasi ang kapitbahay mong zodiac sign, kung saan may lakas na hindi nakikita na naghahatakan kayo ng puwersa at naghihigupan ng enerhiya.


Kaya maraming pagkakataong hindi naiiwasan ng isang Virgo na magkaroon ng karelasyong Leo o Libra.


Sa kaso n’yo ng boyfriend mo, kahit siya ay Libra, habang ikaw ay Virgo, tunay na magkatugma at magka-compatible kayo sa ikatlong teorya o batas ng compatiblility, na tinatawag nating neighboring attraction.


At ang neighboring attraction na ito ay lalo pang pinatatag ng hawak n’yong mga numero, kung saan ang birth date mong 7, ay sadya namang compatible sa birth date niyang 16 na nagkataong 7 rin (ang 16 ay 1+6=7). Ibig sabihin, habang patuloy kayong magkahawak kamay, magkasama at hindi naghihiwalay sa tali ng tunay at wagas na pag-ibig, magpapatuloy din ang masaya at panghabambuhay na pagmamahalan.

 
 

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| October 04, 2021



Dear Maestro,

Ako ay Taong Nueve (9), na isinilang noong August 27, 1992 at hanggang ngayon ay wala pa rin akong permanenteng karelasyon at hindi ko alam kung bakit, pero may mga nanliligaw naman sa akin. Actually, tatlo silang masusugid kong manliligaw.

Gusto kong malaman kung nasa mga manliligaw ko na ba ang aking mapapangasawa at sino ang ka-compatible ko sa kanila? Ang una ay si Mr. Aries na isinilang noong March 29, 1990, ang ikalawa naman ay si Mr. Leo na isinilang noong August 10, 1992 at ang ikatlo ay si Mr. Taurus na isinilang noong May 5, 1989.

Sana ay masagot ninyo ang aking katanungan para mapanatag na ang aking isipan at malaman ko na rin kung nasa kanila bang tatlo o wala ang magiging life time partner ko.


Umaasa,

Ms. Virgo ng Talaba, Bacoor, Cavite

Dear Ms. Virgo,

Ang isang Aries ay hindi masyadong ka-compatible ng zodiac sign mong Virgo, gayundin ang isang Leo, habang ang birth date ni Mr. Aries na March 29 ay hindi rin suweto sa birth date mong 27, gayundin ang birth date ni Mr. Leo na 10 ay hindi rin tugma sa birth date mong 27.


Ngunit nakatutuwang isipin na ang birth date na 5 ni Mr. Taurus at 27 o 9 naman ang birth date mo (ang 27 ay 2+7=9) ay suwetong-suweto. At ang totoo nito, habang patuloy na nagsasama at nagmamahalan ang mga may numerong 5 at 27, napakalaki ng tsansa na umunlad at yumaman kayong dalawa.


Hindi lang kayo sa pag-aanalisang Numerology tugma ni Mr. Taurus, bagkus ay tugma rin kayo sa pag-aanalisang astrolohiya, kung saan ayon sa Western Astrology, ang zodiac sign mong Virgo na may elementong earth o lupa ay suwetong-suweto rin sa zodiac sign na Taurus ni Mr. Taurus, dahil ang Taurus at Virgo ay kapwa pinangingibabawan ng elementong earth o lupa.


Ibig sabihin, sa tanong mo na kung sino ang dapat mong piliin sa tatlo mong manliligaw at sino ang pinaka-compatible mo sa kanila, malinaw ang tugon dahil ang pinaka-compatible sa iyo ay si Mr. Taurus. Siya ang dapat mong sagutin at mapangasawa, upang sa edad mong 29 pataas, hindi pa naman huli ang lahat, sa piling ni Mr. Taurus ay tiyak ang magaganap— sa iyong pag-aasawa at pagtatayo ng sariling pamilya, habambuhay na kayong uunlad, aasenso at magiging maligaya.

 
 

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| October 03, 2021



Dear Maestro,

Hanggang ngayon ay wala pa rin akong nagiging boyfriend, at kaya naisipan kong kumonsulta sa inyo ay upang malaman kung kailan ako magkaka-boyfriend. Gayundin, sino ang lalaking ito at saan ko siya makikilala? Gusto ko ring malaman kung ano ang aking suwerteng kulay at kailan ito dapat isuot upang ako ay suwertehin din, hindi lang sa pag-ibig kundi sa lahat ng aspeto ng aking buhay? July 7, 1994 ang birthday ko.


Umaasa,

Nelissa ng Tugatog, Malabon City

Dear Nelissa,

Ayon sa birth date mong 7 at zodiac sign na Cancer, mapalad ka sa kulay na berde, habang ang destiny number mo namang 4 (7+7+1994=2008/ 20+08=28/ 2+8=10/ 1+0=1) ay nagsasabing bukod sa berde, mapalad ka rin sa kulay na dilaw.


Ganito ang paggamit, tuwing sasapit ang mga petsang 7, 16, 25, 2, 11, 20 at 29, higit lalo kung ang nasabing mga petsa ay natapat sa araw ng Lunes at Sabado, berde ang gamitin mong kulay. Tuwing sasapit naman ang petsang 1, 10, 19, 28, 4, 13, 22 at 31, higit lalo kung ang nasabing mga petsa ay natapat sa araw ng Linggo, dilaw ang gamitin mong kulay.


Sa ibang mga petsa at pagkakataon, puwede ka ring gumamit ng itim at pula bilang pampabuwenas.


Bukod sa nasabing mga petsa at araw, susuwertehin ka namang magka-boyfriend o sabihin na nating makikilala mo ang magiging first boyfriend mo mula ika-20 ng Hunyo hanggang ika-25 ng Hulyo, mula sa ika-20 ng Oktubre hanggang ika-25 ng Nobyembre at mula ika-20 ng Pebrero hanggang ika-25 ng Marso, na maaaring maganap sa taon ding ito ng 2021 o susunod na taong 2022.


Habang, ayon sa iyong Love Calendar, ang magiging boyfriend mo ay nakatakda mong makilala sa isang pagbiyahe o paglalakbay, maaari ring nakasakay ka sa isang pampublikong sasakyan. Ang nasabing lalaki ay nagtataglay ng zodiac sign na Pisces, Scorpio, Capricorn o kapwa mo Cancer, na may birth date na 2, 11, 20, 29, 7, 16 at 25. Sa unang araw pa lang ng inyong pagtatagpo, may kakaibang karanasan nang magaganap, at ang nasabing relasyon ay tuluyan na ring mauuwi sa isang nakakikilig at maligayang pag-ibig habambuhay.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page