top of page
Search

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| June 01, 2021



Dear Maestro,

May girlfriend ako at tawagin na lang natin siyang “Thea” na isinilang noong November 17, 1991 habang June 29, 1990 naman ang birthday ko. Gusto kong malaman kung siya na ba ang makakatuluyan ko at compatible ba kaming dalawa? Kung sakaling kami ang nagkatuluyan, magiging maligaya at maunlad ba ang aming itatayong pamilya? Gusto ko ring humingi ng masuwerteng numero dahil madalas akong tumaya sa lotto.

Umaasa,

Rob ng San Roque, Lupao, Nueva Ecija

Dear Rob,

Ayon sa zodiac sign mong Cancer, tunay ngang compatible kayo ng girlfriend mo, na isinilang sa zodiac sign na Scorpio, sapagkat ang Scorpio at Cancer ay may iisang tinataglay na elemento – ito ay ang elementong water o tubig.


Habang ang birth date na 17 o 8 ni Thea (ang 17 ay 1+7=8) na isang strong number ay nagkataong tugma rin sa weak number mo na 29 o 2 (ang 29 ay 2+9=11/ 1+1=2). Ibig sabihin, sadyang tugma kayo sa pag-aanalisang Numerology at Astrology, na nangangahulugang darating ang eksaktong panahon na kayo ang magkakatuluyan.


Samantala, bukod sa numero mong 29 at numero ng girlfriend mong si Thea na 8, mapalad din kayo sa mga numerong may sumatotal na 1, 2, 7 at 8, tulad ng 1, 10, 19, 28, 11, 20, 29, 38, 16, 25, 34, 43, 17, 26, 35 at 44. Puwede n’yo ring subukan ang mga numerong 1, 18, 23, 27, 34 at 40, gayundin ang 6, 17, 22, 31, 38 at 42. Maaari ka ring humugot ng kumbinasyon mula sa Quabbalistic of Numbers: 1732/ 472/ 1643/ 9081.


Upang masigurado ang malaking panalo, maghanap kayo ng lotto outlet na malapit sa tindahan ng mineral water o anumang produktong likido. Puwede ring lotto outlet na malapit sa tindahan ng mga gulay o may babaeng teller na naka-pula at may mahabang buok. Ang nasabing lotto outlet ang magpapatama sa inyo ng malaking halaga sa taong 2021 hanggang 2022 sa edad mong 31 pataas.

 
 

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| May 18, 2021



Dear Maestro,

Isinilang ako noong June 23, 1993. Gusto kong malaman mula sa inyo kung ano ang aking masusuwerteng araw at taon. Dati na akong nag-apply sa abroad at makakaalis na sana ako kung hindi nagkaroon ng pandemya. Sa ngayon, may trabaho naman ako kahit papaano, pero maliit lang ang aking suweldo na hindi ikauunlad ng aking pamilya at minsan ay kinakapos pa.

Kaya gusto kong makasampa ulit sa barko kapag puwede na muling makapag-abroad. May pag-asa pa bang makapag-abroad ulit ang isang seafarer na tulad ko? Sa palagay mo, Maestro, kung mayroon pa, kailan ito mangyayari?

Umaasa,

Randy ng Toledo, Silang, Cavite

Dear Randy,

Ang birth date mong June 23, 1993 ay nasasakupan ng zodiac sign na Cancer pero medyo malapit lang din sa zodiac sign na Gemini. Habang sa birth date mo namang 23 o 5 (2+3=5), nagtataglay ka rin ng destiny number na 6 (6+23+1993=2022/ 20+22=42/ 4+2=6).


Napansin mo ba ang numerong 2022 nang kinompyut natin ang iyong destiny number? Ibig sabihin, dahil may suma na 6 ang 2022, at ang 2022 ay ang susunod na taon, sa nasabing panahon at sa edad mong 29 pataas, kusa kang papalarin.


Bukod sa taong 2022, ikaw ay lubha ring magiging mapalad sa mga susunod na taong 2023 at 2024 sa edad mong 30 at 31, higit lalo tuwing sasapit ang buwan ng Hunyo hanggang Hulyo at Oktubre hanggang Nobyembre, higit lalo sa mga petsa na 7, 16, 25, 4, 13, 22, 31, sa partikular na araw ng Linggo, Lunes at Miyerkules.


Habang, ayon sa iyong Travel Calendar, kusang aangat ang graph ng suwerte sa pangingibang-bansa at tulad ng nasabi na, eksaktong sa taong 2022 hanggang 2023, ‘pag nagkataon na nagiging normal na ang mundo dahil unti-unti na ring nawawala ang pandemya, sa taon ding tinuran, may masagana at mabiyayang pangingibang-bansang itatala sa iyong karanasan.

 
 

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| May 12, 2021



Dear Maestro,

Nais kong malaman kung magkakabalikan pa ba kami ng ex-boyfriend ko? Nanghihinayang kasi ako sa relasyon namin dahil mag-iisang taon na sana kami sa June 15, pero hindi ko akalaing sa wala rin pala mauuwi ang lahat.

Sa ngayon, wala na akong balita sa kanya dahil bigla na lang siyang nawala at hindi na nagpakita sa akin. Sa text ko lang siya nakilala kaya hindi ko rin alam kung taga-saan talaga siya at ang alam ko lang ay taga-Laguna siya.

Ang pangalawang tanong ko ay kung hindi na siya babalik at hindi siya talaga ang lalaking nakalaan sa akin, may darating pa bang iba? Kung mayroon, sino, saan at kailan ko siya makikilala? October 12, 1998 ang birthday ng ex-boyfriend ko, habang September 2, 2000 naman ang birthday ko.


Umaasa,

Ms. Virgo ng Santo Niño, Cainta, Rizal

Dear Ms. Virgo,

Hindi kayo gaanong magka-compatible ng ex-boyfriend mo sa zodiac sign mong Virgo at zodiac sign niya na Libra. Gayundin, ang birth date mong 2 ay hindi suweto sa birth date niyang 12 o 3 (ang 12 ay 1+2=3).


Bagama’t magkapitbahay na zodiac sign ang Virgo at Libra, kaya nagkaroon kayo ng relasyon ngunit ang ganu’ng ugnayan ay hindi naman gaanong magtatagal, sa halip, madali namang nagwawakas kapag hindi dinilig ng kalinga, romansa at tunay na pagmamahal.


Tulad ng nasabi na, dahil ang pagiging compatible ng Virgo at Libra ay nagaganap lamang sa ilalim ng ikatlong batas ng compatibility na kung tawagin ay “neighboring attraction”. Kung saan ang magkakapitbahay na planeta at zodiac sign ay natural na naghahatakan at naghihigupan ng lakas, ngunit sa sandaling kapwa napagod ang pusong nagmamahalan at nagkataong LDR ang nasabing relasyon, mauuwi rin ito sa pagkawala at tuluyang pagkatunaw.


Sa susunod na pakikipagrelasyon, upang lumigaya ka, mas makabubuting hanapin mo ang mga lalaking isinilang sa zodiac sign na Taurus, Capricorn, Pisces, Gemini at kapwa mo Virgo, higit lalo silang may mga birth date na 2, 11, 20, 29, 7, 16, 25, 5, 14 at 23 kung saan ang mga lalaking ito ang tunay na ka-compatible mo. Gayundin, sa piling nila ay makasusumpong ka ng isang permanente at panghabambuhay na ligaya.


Ayon sa iyong Love Calendar, nakatakdang dumating ang nasabing ikalawang magiging boyfriend mo at makakasama sa pagbuo ng isang maligaya at panghabambuhay na ring pamilya, humigit-kumulang sa susunod na taong 2022, sa edad mong 22 pataas, hatid ng lalaking isinilang sa zodiac sign na Taurus.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page