top of page
Search

ni Nitz Miralles @Bida | August 16, 2025



Image: Kim Chiu at Bela Padilla - IG



Ang feeling ng mga nakabasa sa post ni Bela Padilla sa pagbisita niya kay Kim Chiu sa Cebu, may kinalaman sa isyu ni Kim at ng sister nito ang tinukoy niya. Nabalita kasing nag-unfollow-han sina Kim at sister niyang si Lakam sa Instagram (IG).


Pahayag ni Bela, “She might think that I flew and drove all this way to make her feel good but days like this and seeing that she’s doing well makes me feel 100% better too.


“The Taureans in us make us so strong that we refuse to say anything until we’ve resolved everything on our own. But by now, I think I can read Kim like a book and she doesn’t need to tell me anymore when I should show up. The same way I didn’t need to ask her to come and hang out with me in Zurich when my dad passed away. We didn’t talk about his passing, we just had a great day doing things that I think he would have loved too.


“You’re one of my smartest, strongest friends, Kim. No one needs to tell you what to do, because you have such a strong moral compass.


“I know that things can get hard sometimes... The world keeps toughening us up but I will always remind you that our softness is what carries us through everything. I hope you get a few days to rest and breathe after this cycle of taping, always proud of you, Kimmy! As I will keep on saying... anytime, anywhere.”


Heartwarming ang sagot ni Kim sa post ni Bela, “Thank you, moms! Never imagined na sobrang busy mo, you’d go this far, grabe, gulat talaga ako! Thank you!!! We’re sooo twins na kahit walang sinasabi, we can already feel each other’s thoughts. Our friendship may be lowkey, but it’s pure quality.


“Thank you for going above and beyond, for flying to Cebu just for me. I wish I could give back every bit of time and effort you’ve given. Nahihiya talaga ako, moms, but babawi ako, ‘pag okay-okay na. I love you, my Taurean twin.”


Sabi naman ni Bela, hindi na kailangang bumawi pa ni Kim dahil sa ginawa niyang pagpunta sa Cebu. Dahil dito, ikinatuwa ng mga nakabasa ang palitan ng post nina Bela at Kim.


And speaking of Bela, happy ito sa 8M trailer views ng Viva Films movie nila ni JC Santos na 100 Awit Para Kay Stella (100APKS). Inaabangan na ang showing ng movie ni Director Jason Paul Laxamana. 


Kasama sa cast si Kyle Echarri, ang gaganap sa role ng makakaribal ng karakter ni JC kay Stella (Bela).



Ipinost ni Nessa Valdellon ng GMA Network at GMA Public Affairs at isa sa mga ninang sa wedding last August 14 nina EA Guzman at Shaira Diaz ang isa sa mga wedding photos ng mga bagong kasal. 


May caption ito na: “Congrats, Shaira and EA,” kung saan, makikitang nag-kiss ang mag-asawa.


Sumagot si Shaira ng “Thank you po, Ninang!!!” at sinagot ni Nessa ng “You look so gorgeous today. So happy for you.”


Ginanap sa St. Benedict Parish, Westgrove Heights sa Silang, Cavite ang kasal na parang finale sa kanilang 12 years relationship. Masaya ang pamilya at mga kaibigan ng dalawa dahil alam nilang matagal nila itong hinintay.


Well, nabanggit na ni Shaira na kabilang sina Boy Abunda at Arnold Clavio sa mga ninong. Kasama rin sina Sen. Jinggoy Estrada, Ben Chan, at Arnold Vegafria na manager ni EA. 


Kabilang naman sa mga ninang sina Susan Enriquez, Jean Garcia na nakasama ni Shaira sa Lolong at Ms. Rhea Anicoche-Tan ng Beautederm. 


Kasama rin ang GMA Network lady executives na sina Atty. Annette Gozon-Valdes, Joy Marcelo, Cheryl Ching-Sy at si Nessa.


Kabilang naman sa mga secondary sponsors sina Coco Martin at Julia Montes na naalala namin, pinuntahan ni EA sa kanilang bahay. 


Samantala, made in South Korea ang wedding gown ni Shaira Diaz bilang K-Pop fan siya at pati nga ang prenup nila ay doon din ginawa ang photoshoot.


Hindi naman napigilang mapaiyak ni Shaira nang makita ang napakagandang reception ng kanilang kasal na inayos ng event designer na si Gideon Hermosa.

Congratulations and best wishes sa mga bagong kasal!



RECORDING star na ang Sparkle at Kapuso talent at former Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition housemate na si Will Ashley, pero hindi siya sa GMA Music magre-recording kundi sa Star Music ng ABS-CBN. 


Partner pa rin naman ang GMA ng Star Music sa pagpasok niya sa pagiging recording star.


Kasunod nito, may balitang magdu-duet din sina Will at Bianca De Vera under Star Music din. 


Ibig sabihin nito, hindi lang solo ang recording na gagawin ni Will, magdu-duet din sila ni Bianca na ikinatuwa ng WilCa (Will at Bianca) shippers.


Hintayin na lang ng mga fans ni Will Ashley ang paglabas ng kanyang recording, solo man o duet nila ni Bianca de Vera.

 
 

ni Nitz Miralles @Bida | August 14, 2025



Image: Anne Curtis-Smith - IG



Pag-aawayin pa yata ng fake Anne Curtis sina Vice Ganda at Anne sa post nito sa X (dating Twitter) na nag-comment sa joke ni Vice patungkol kay former President Rodrigo Duterte sa Super Divas (SD) concert.


Post ng fake na Anne, “Sometimes ‘yung joke mo, Vice ay hindi na talaga nakakatuwa. ‘Di mo talaga ramdam na nakakasakit ka na ng tao, kahit ‘yun man ang role mo, mag-control ka naman sa mga biro mo. Alam mo ba na iilan din kami na may lihim na galit sa ‘yo? ‘Di ka na lang namin pinapatulan dahil lamang sa respeto. Ang hilig mo magpahiya ng tao, ‘di mo nga alam na marami sa mga contestant na bad trip sa ‘yo.”


Heto ang rebuttal ng totoong Anne Curtis, “Good morning, guys! See you on Showtime today! And siguro naman, by now, alam n’yo na hindi galing sa akin ‘yung post that’s floating around about my sisterette!!! Konting RESPETO naman po.”


Nalaman agad na fake ang post dahil sa spelling ng respeto na ikinorek nga ni Anne. Saka, straight Tagalog ang fake post, eh, kung hindi English ay Taglish magsalita si Anne. 


Kahit fake ang post, may mga naniwala pa rin, naging topic sa mga vlogs at naging dahilan para mag-away-away ang mga pro at anti-Duterte.



GUSTO ni Roderick Paulate ang tawag sa kanya na “The G.O.A.T” o “Greatest Of All Time” dahil ‘yun ang tawag ng mga GenZ sa kanya. 


Ibig sabihin daw, kilala siya ng mga ito at hindi na lang fans noong ‘90s ang nakakakilala sa kanya. Na-appreciate raw pala siya ng mga kabataan ngayon.


Ang mga fans sa panahon ni Roderick ay “The Legend,” “The Original” at “The Iconic Comedian” kung siya ay tawagin, pero ang GenZ fans, The G.O.A.T ang itinawag sa kanya, na ikinatuwa nito. Ito ay pagkatapos mapanood ang trailer ng movie ng CreaZion Studios na Mudrasta: Ang Beking Ina (MABI).


Nakikipagsabayan din ang GenZ sa pagko-comment na panonoorin nila ang comedy comeback movie ni Roderick na showing simula August 20, 2025. Gusto nilang mapanood ang brand ng kanyang comedy at gusto nilang matawa.


Sigurado ring karamihan sa 9.3M views ng trailer ng movie based sa combined views ng CreaZion Studios pages at ibang channels ay GenZ ang nagpataas. 

Madaragdagan pa ang number ng mga views na ito habang papalapit na ang showing.


We asked Roderick’s reaction sa 9.3M views sa trailer ng pelikula. 

“S’yempre, nasayahan ako! Kasi sa Facebook (FB) lang, nag-8.8M views na kaya nag-9.3M.


Thank you sa mga netizens na nanood ng trailer ng Mudrasta: Ang Beking Ina

“Sana lang, ganu’n din ang manood sa sinehan para masaya. Hahaha! Wishful thinking lang. Prayers pa more para sa Mudrasta: Ang Beking Ina,” sagot nito.

Anyway, ibinalita ng CreaZion Studios na may screening ang said movie sa Australia simula Aug. 23. Available na ang tiket para rito.



FACE card pa lang ni Zela ang nakita ni RS Francisco, pumasa na ang singer-songwriter sa panlasa ng isa sa mga bosses ng AQ Prime Music. 


Kuwento ni RS sa mediacon, nang makita niya si Zela, sabi agad niya, “‘Yan! ‘Yan!

S’ya ang hinahanap natin,” at paulit-ulit niya itong sinabi.


Lalo pang na-impress si RS nang malamang hindi lang singer si Zela, she writes her songs also. In fact, six songs from her 10-track Lockhart album ang isinulat nito at siya rin ang nag-produce.


Dagdag pa ni RS, “Zela can do everything. Kulang na lang, pati tarpaulin n’ya, s’ya na rin ang gumawa.” 


Ang tinukoy ni RS ay ang tarpaulin ng album ni Zela na naka-display sa mediacon na kung ipinagawa sa kanya, for sure, gagawin din.


Talking about the album, Zela performed A.C.E. o Activate Confidence to Empowerment na isa rin sa mga compositions and produced niya. Tunog-banyaga ito at magugustuhan. Mabilis namang mae-LSS o Last Song Syndrome ang mga fans sa Bababa, ang second song she performed, written by Ernesto Carlos Orduna.


Sa tanong kung ano ang edge niya sa ibang P-pop artists,[ sagot niya, “Konti lang ang P-pop soloist and I do everything on my own. I wrote most of my songs, I rap. I can do ballad. I can do any genre. Ang disadvantage naman, it gets lonely sometimes.”


 
 

ni Nitz Miralles @Bida | August 13, 2025



Image: Sarah Lahbati - IG



Ikinatuwa ng mga fans ang TikTok (TT) na magkasama sina Anne Curtis at Sarah Lahbati. Nagsayaw ang dalawa at panigurado, nagkumustahan at nag-usap. Kung ano ang kanilang napag-usapan, hindi natin alam.


Hindi naman siguro magre-react si Richard Gutierrez sa caption sa post kina Anne at Sarah na: “Past loves of Richard Gutierrez” dahil totoo naman ito. Matagal din ang naging relasyon nina Anne at Richard bago sila nagkahiwalay.


Si Sarah ang nag-post ng photo nila ni Anne sa kanyang Instagram (IG) Story na magkayakap. May comment si Anne na, “This woman.” 

Comment naman ng fan, “Iba talaga ang mga legit.”


And speaking of Sarah, nabanggit nito sa reels video na she’s single, but happy. 

Tanong ng mga fans, ibig daw bang sabihin, hindi totoo ang tsikang boyfriend niya si Tacloban Councilor Marty Romualdez na anak ni House Speaker Martin Romualdez? 

May nagpalagay naman na baka break na ang dalawa, kaya nasabi ni Sarah na single siya.


Hindi pa nga nakumpirmang magkarelasyon sina Sarah Lahbati at Marty Romualdez, heto ang balitang break na sila? Hindi man lang daw naispatan na magkasama ang dalawa, tapos na agad ang relasyon.



ANG maganda at masayang balita ni Barbie Forteza, extended until next week ang P77, ang movie na kanyang pinagbibidahan. On its third week na rin ang pelikula na hindi lang maganda ang review, maganda rin ang box office result.


Ang balita last week, umabot na sa P50 million ang gross ng movie at madaragdagan pa dahil extended ang showing. Naso-soldout ang tiket at maraming block screenings na bigay ng mga brands na ine-endorse ni Barbie, her fans, and friends. 


Hindi siya pinabayaan ng mga nagmamahal sa kanya, kaya sabi nito, “Napakasaya ng puso ni Luna. Maraming salamat!!!”


Ang Luna na binanggit ni Barbie ay ang pangalan ng karakter niya sa nasabing pelikula na hindi ka lang tatakutin, pasisigawin ka sa gulat at paiiyakin. 

Nakatulong din para mas marami ang makapanood sa P77 ang pinababa at special ticket price sa SM cinemas. Sana, lahat ng sinehan, ganito na ang ticket prices para mas masaya.


Samantala, umiwas nang ma-bash sina Barbie at Jameson Blake na nabalitang magkasama sa birthday party ng isang beauty at wellness clinic owner na kabilang ang aktres sa mga endorsers. Magkasama raw ang dalawa, pero walang photos nila na lumabas. Walang photos, wala ring bashing.



BONGGA si Kyline Alcantara, um-attend pala ito ng wedding ng friends niya sa Milan, Italy, kaya lumipad. 


Maiinis na naman ang mga bashers ng Beauty Empire (BE) actress dahil umabot na siya sa ibang bansa para lang dumalo ng wedding. Idagdag pa na mga socialites ang kasama ng aktres. 


Sabi kasi ng mga bashers nito, nakikipagkaibigan lang siya sa mga sosyal para maging sosyal din.


Ayun, nag-enjoy sa Milan si Kyline at kasunod nito, may show din siya sa Canada this August din. Makakasama niya rito sina Ruru Madrid at Ai Ai delas Alas. 


Hindi na lang pinapatulan ni Kyline ang bashing sa kanya, trabaho na lang siya nang trabaho. Kung tama kami, kaya masipag siyang magtrabaho ay dahil gusto niyang mabigyan ng bahay ang kanyang pamilya.


Pinayuhan din si Kyline ng mga kaibigan na huwag muna siyang magka-love life, i-enjoy muna ang pagiging single at piliin ang lalaki na sunod niyang mamahalin. 

Sa ngayon, mag-enjoy muna siya sa buhay, na siya naman nitong ginagawa.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page