top of page
Search

ni Nitz Miralles @Bida | August 19, 2025



Carla Abellana - IG

Image: Carla Abellana - IG


Ang daming nakikialam sa post ni Carla Abellana tungkol sa mystery guy na kanyang nakaka-date. 


Sa first date, chin lang ng guy ang ipinasilip ng aktres at ang dami agad reaction, both positive anegative.


Sa second date, rubber shoes na suot ng ka-date ni Carla ang ipinost ng aktres at marami pa rin ang nag-react. 


Galawang teen-ager daw ang aktres na paisa-isa ang pagpo-post. After ng chin, shoes naman, ano raw kaya ang susunod?


Parang soft launch daw ang ginagawa ni Carla, bakit hindi na lang niya ipakilala ang guy na obvious namang nagpapasaya sa kanya? 


May nag-akusa pang nagpapapansin siya.


Marami ring dumepensa, hayaan daw si Carla sa gusto at ginagawa niya, wala naman siyang naapakang tao. 


Comment pa ng mga fans, naiinis lang daw ang iba dahil gusto na nilang makilala ang ka-date niya. Kaya lang, mukhang hindi pa ito ready to show to the world the mystery guy.


Anyway, napa-Google kami nang may magbanggit na ang sneakers na suot ng ka-date ni Carla ay Travis Scott at mahal siya. Nalaman naming ex ni Kylie Jenner si Travis, isang singer-rapper na nakipag-collab sa Nike para sa brand ng shoes.


Kung may hindi natutuwa sa paisa-isang pagpo-post ni Carla Abellana, mas marami ang masaya para sa kanya. Deserve raw niyang maging happy at handa silang hintayin kung kailan siya ready sa face and name reveal ng kanyang ka-date.



BELA, PINALAGAN ANG P4600 NA TAX SA SHAMPOO AT SKINCARE, SINAGOT NG BOC



MAY update si Bela Padilla sa isyu niya sa Bureau of Customs (BOC) kung saan ang paniniwala niya, mahal ang tax na sinisingil sa shipment niya worth P11,000. 

Ang hininging tax sa kanya ay P4,600. Based sa online calculator, dapat daw P1,650 lang ang babayaran.


Sumagot ang BOC kay Bela at in-assure siyang tama ang computation nila sa duties at taxes at based sa laws and regulation. 


Sa sagot ni Bela sa message ng BOC, nalaman na shampoo at skincare products ang binili niya online. Kung P11,000 ang worth ng binili niya plus P4,600 taxes, lalabas na P15,600 ang worth ng shampoo at skincare products. 


Curious tuloy ang mga netizens kung anong shampoo at skincare products ito at bakit mahal.


Anyway, sa latest post sa X (dating Twitter) ng lead actress ng 100 Awit Para Kay Stella (100 APKS), sabi niya, “One thing I will acknowledge and inform you guys about is that there is a change in staff in BOC.”


Ikinuwento ni Bela ang pagkakaiba ng approach sa kanya ng staff ngayon at ng staff few years ago na tumawag sa kanya nang magkaroon din siya ng problema sa BOC.


Aniya, “Yesterday, when someone from BOC reached out... he texted first to ask if I could take a call. And then we discussed why I was given the fee I posted. (By the way, hidden charges should not be hidden from people paying for it!) and I even asked why consumers are being taxed a total now of 27% for imported goods (this is a congress matter) + additional charges from the shipping companies. He promised to look into how shipping companies are pricing our deliveries too.”


Maayos ang pag-uusap ni Bela at ng tinawag niyang si Mr. Nepomuceno. It turned out na ang bagong BOC Commissioner na si Ariel Nepomuceno mismo ang kumausap sa kanya. 


Hopefully, masolusyunan nito ang mga problema sa BOC.


Samantala, ready na ang mga fans na mapanood ang 100 APKS. Handang muling masaktan ang mga fans sa pelikula ni Direk Jason Paul Laxamana.



Ipinaboboykot ng DDS… ROMNICK, KINAMPIHAN SI VICE, TINAWAG NA LAOS



NA-BASH si Romnick Sarmenta dahil sinuportahan si Vice Ganda sa panawagang i-boycott ang McDonald’s (McDo) fast food chain at iba nitong ine-endorse na produkto dahil sa joke ng Unkabogable Star kay former President Rodrigo Duterte sa concert nila ni Regine Velasquez.


Nag-order si Romnick sa fast food chain kahit hindi siya gutom para lang ipakita ang suporta kay Vice. 


Hindi ‘yun nagustuhan ng mga supporters ng former president at binash siya.

Sa tweet niyang “Sa ingay ng pagtawag… Napa-order ako kahit ‘di naman masyadong gutom,” marami ang gumaya sa kanya.


May mga nagalit din at tinawag siyang laos at mababaw gaya ni Vice at dapat daw, hindi na siya pinapansin. 


Nang i-check ni Romnick ang profile, dalawa lang ang followers. Tanong nito, iiyak na ba siya, na lalong ikinainis ng mga nag-react.


Sey niya, “I’m perplexed. You guys say you don’t know me, call me names and say I am irrelevant... But you keep reposting, commenting, and are so affected by my posts? And you say I should move on? Interesting...”


Well, may ilang celebrities din na nakikisabay sa isyu na hindi na raw sila bibili sa McDo. ‘Kaloka!

 
 

ni Nitz Miralles @Bida | August 18, 2025



Alden Richards - IG

Image: Alden Richards - IG



Aprub sa mga fans ni Alden Richards sakaling totoong magiging National Police Commission (NAPOLCOM) Ambassador siya. Kaya lang, wala pang kumpirmasyon tungkol dito. 


Nakasulat lang sa caption ni NAPOLCOM Commissioner Ralph Calinisan ang ‘NAPOLCOM Ambassador?’ at ‘UN Ambassador?’ nang bumisita sa NAPOLCOM office ang aktor.


Bale ba, may logo ng United Nation (UN) kung saan nagpa-picture sina Atty. Calinisan at Alden at kasama pa ang aktor sa meeting ng United Nations Office on Drugs and Crime (UNODC) Programme Office in the Philippines. 


Pero dahil malabo siyang ma-designate na UN Ambassador, mas may tsansa na maging NAPOLCOM Ambassador siya o baka naman may ibang rason kung bakit kasama niya si Atty. Calinisan at kung bakit nasa UNODC office sila.


Well, baka naman kukuning ambassador si Alden for drugs prevention.


Naku, hintayin na nga lang natin ang announcement kung para saan ang presence ng aktor sa UNODC office at kung bakit kasama niya si Atty. Calinisan.



ANG lakas ng AshDres love team nina Andres Muhlach at Ashtine Olviga at narinig namin ang malakas na sigawan, palakpakan, lakas ng kilig fever sa katatapos na Vivarkada Fancon na ginawa sa Smart Araneta Coliseum. 


Mula sa first appearance nila sa stage, sa duet at dance number nila, malakas na sigawan at palakpakan ang ibinigay ng mga fans.


Obvious din na ang AshDres ang pinakabida sa lahat ng Vivarkada talents dahil sila ang pang-finale. 


Nagulat kami dahil kumakanta at sumasayaw pala si Andres, akala namin acting lang ang alam niya. Mas alam namin na kumakanta at sumasayaw din ang kakambal ni Andres na si Atasha Muhlach na isa rin sa mga performers that night.


May portion sa number ng AshDres na may sasabihin si Andres kay Ashtine at inakala ng mga fans na magtatapat na si Andres at sasabihin nito na love niya ang ka-love team. Pero sa halip na ‘I love you’, nagpahayag ng gratefulness si Andres kay Ashtine for being his love team. Ang biruan ng mga fans, nabudol sila ng aktor.


Ini-announce ng AshDres na as of August 15, puwede nang makabili ng advance ticket para sa movie nilang Minamahal


Ang lakas ng first movie ng AshDres, may 12M views ang teaser 2 after 36 hours. Kinilig ang mga fans dahil sa teaser, may eksenang nasa bed ang mga bida. Full trailer ang request ng mga fans na hindi na makapaghintay sa pelikula ni Direk Jason Paul Laxamana.


Ang lakas din ng sigawan ng mga fans nang mapanood sa teaser na may Book 2 ang Ang Mutya ng Section E (AMNSE), ang first project ng AshDres at kung saan sila ipinakilala. 


Sa November ang streaming nito sa Viva One at ngayon pa lang, inaabangan na ng kanilang mga fans.



Kani-kanya na… HEAVEN, MAY JEROME AT JOSEPH MARCO NA, MARCO, MAY JAYDA NAMAN



MUKHA ngang hindi muna pagtatambalin ng Viva ang ex-couple na sina Heaven Peralejo at Marco Gallo dahil iba ang partner nila sa mga bago nilang projects. 


Sina Jerome Ponce at Joseph Marco ang partner ni Heaven sa series na I Love Since 1892 (ILYS1892) at si Jayda Avanzado naman ang makakapareha ni Marco sa Project Loki (PL). 


Kasama nila rito si Dylan Menor na sunud-sunod ang project sa Viva kahit MQuest artist siya.


First acting project ito ni Jayda at tiyak na aalalayan siya ng parents niyang sina Jessa Zaragoza at Dingdong Avanzado. Of course, susuportahan din siya ng Viva Artists Agency at kung kailangan ng acting workshop, dadaan siya rito bago simulan ang taping.


Ikinagulat pa ng mga fans nang mabasa na si Xian Lim ang magdidirek ng project. At least daw, hindi na lang pagpapalipad ng eroplano ang focus ng aktor-piloto dahil back to directing na uli siya. 


Tanong ng mga fans, kailan naman daw babalikan ni Xian Liam ang pag-arte? 

Nami-miss na siyang mapanood sa TV at movies, balikan muna raw ang showbiz at later na ang pagiging piloto.


 
 

ni Nitz Miralles @Bida | August 17, 2025



Heart Evangelista - IG

Image: Heart Evangelista - IG



Napanood namin ang reels video ng pagsugod ng mga fans ni Vice Ganda sa isang branch ng McDo para raw suportahan ang Unkabogable Star na ipinanawagan ng mga DDS (fans ni ex-Pres. Rodrigo Duterte) na i-boycott ang mga ine-endorse niyang products. 


Isa ang fast food chain sa mga ine-endorse ni Vice, kaya kabilang ito sa ipinapa-boycott ng mga nagalit sa kanya dahil sa joke niya patungkol kay former President Duterte.

Sa nasabing reels, pati mga customers ay nagulat sa pagpasok ng masayang grupo at binanggit na kaya sila nasa McDo ay bilang suporta kay Vice. 


Hindi man sinabi, parang pantapat nila sa panawagang boycott sa kanilang idol ang pagda-dine-in sa fast food chain.


Hindi kami magugulat kung mangyari sa ibang branch ng fast food chain ang pagsugod ng mga fans ni Vice para siya’y suportahan. 


Sey nila, sila ay may patunay na sinusuportahan nila si Vice, samantalang ang nanawagan ng boycott, sa online lang daw active.


And speaking of McDo, ini-launch last Friday si Heart Evangelista bilang bagong endorser. Nag-post ito ng photos niya na nasa loob ng store at nasa harap ang Chicken McDo at french fries.


Sabi ni Heart, “Another dream come true. Little Heart, this one’s for you. I can’t even put into words how much love and gratitude I feel right now. @mcdo_ph, thank you for all the love you’ve given me, I can’t wait to share that with everyone. The best dreams are the ones we get to pay forward.”


Kaya kung may magbo-boycott man sa McDo, may kapalit agad dahil susuportahan ng mga fans ni Heart ang bago niyang endorsement.



HINDI lang aarte si Kyle Echarri sa 100 Awit Para Kay Stella (100 APKS), kakanta rin siya sa movie nila nina Bela Padilla at JC Santos. Kasama rin siya sa OST (official soundtrack) ng movie.


Hindi lang isa kundi 3 ang songs ni Kyle sa OST at ibig sabihin, hindi lang ang pagiging actor niya ang mapapanood, pati na rin ang pagiging singer.

Si Kyle ang kumanta ng Lipstick na Itim, Nakupo at Iisang Daan na duet nila ni Rob Deniel. Si Rob naman ang kumanta ng iba pang songs sa OST na pawang magaganda, gaya ng Simoy.


Kasama rin si Kyle sa poster ng movie at silang 3 lang nina JC at Bela ang nakalagay at malalaman na malaki talaga ang role niya sa pelikula ni Direk Jason Paul Laxamana.


Grateful si Kyle na mapasama sa nabanggit na pelikula at makatrabaho sina Bela at JC na pareho raw magaling at propesyonal. Nagpasalamat din siya sa warm welcome ng dalawa at iba pang cast, hindi na siya nag-adjust at nagtrabaho na lang at sabi nga nito, he did his best na magampanan ang role at karakter ni Clyde.


Nahiya pang ikinuwento ni Kyle na nagulat siya nang malamang kasama siya sa 100 APKS and the fact na he was handpicked. Hindi na siya dumaan sa audition, siya na agad si Clyde.



Anak, may puwesto na rin sa Senado… 

SHARON, PROUD NA PROUD KAY FRANKIE



NAGSIMULA na si Frankie Pangilinan sa kanyang trabaho bilang Chairperson of the Committee On Youth of the Senate Spouses Foundation, Inc.. 

Ipinost nito ang photos after ng oath-taking niya kay Senate President Chiz Escudero at kasama rin sa oath-taking niya ang ibang appointees at naroon nga si Ciara Sotto.

Kasama rin sa photo si Heart Evangelista na president ng Senate Spouses Foundation, Inc.. 


Well, ang gaganda ng comment kay Frankie at marami ang nag-congratulate sa kanya. Bagay daw sa kanya ang designation dahil matalino siya. May nag-comment pa nga na baka si Frankie ang magmana sa pagiging pulitiko ng ama niyang si Sen. Kiko Pangilinan.


Kabilang sa mga nag-congratulate kay Frankie si Judy Ann Santos na ang sabi, “Proud of you, baby.” Nag-congratulate rin sa kanya sina Jackie Lou Blanco, Bianca Gonzalez, at marami pang iba.


Of course, ang pinaka-proud sa lahat ay ang kanyang ina, si Megastar Sharon Cuneta na ang caption sa ipinost niyang photo ng anak ay “So proud of my baby girl!!!” 


Iyon lang ang sinabi nito pero ramdam pa rin ang tuwa sa puso nito sa ipinost na mga heart emojis.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page