top of page
Search

ni Nitz Miralles @Bida | August 25, 2025



Marian Rivera - IG

Photo: Marian Rivera - IG



Pinuri ng mga netizens si Marian Rivera dahil wala raw kodigo sa kanyang acceptance speech nang manalong Best Actress sa 73rd FAMAS Awards. Pinansin din na pure na Tagalog ang speech ng aktres, may sense at masarap pakinggan.


Nanalo si Marian para sa pelikulang Balota at wish ng mga fans, maka-grand slam siya sa nasabing category. Isang award na lang ang inaabangan at kapag nanalo si Marian, mawawala na siguro ang mga hanggang ngayon ay ayaw pa ring maniwala at tanggapin na mahusay siya bilang si Teacher Emmy sa nasabing pelikula.


Sa mga ayaw maniwala kay Marian, parang sagot niya ang post sa Facebook (FB), “Last night was epic! Grateful for the recognition and all the amazing people who made it happen.”

Ang cute ni Dingdong Dantes, nag-dinner sila ni Marian after ng FAMAS Awards, ang caption ng aktor, “Sitting across a FAMAS Best Actress tonight,” habang nasa harap niya ang asawa.


Sagot ni Marian, “Thanks for the treat dada #Bundat.”


Dahil sa muling pagkapanalo ni Marian, dumarami rin ang request for her to do more movies. Sana raw, masundan na ang Balota at request din ng mga fans na muli siyang gumawa ng drama series sa TV. 


Sa ngayon, sa Stars On The Floor (SOTF) siya napapanood bilang isa sa mga judges.



Contract signing today ni Bela Padilla sa Star Magic at ibinalita na engrande ang pagbabalik ng aktres bilang Kapamilya. Ilalatag din sa kanyang contract signing ang mga gagawing projects ng aktres.


Anyway, kahit balik-Star Magic na si Bela, tuloy pa rin ang paggawa niya ng pelikula sa Viva Films, lalo na’t parang magkakaroon ng sequel ang movie nila ni JC Santos na 100 Awit Para Kay Stella (100APKS)


Open ang dalawang bida na ituloy ang story nina Stella (Bela) at Fidel (JC), may naisip na silang title at willing si Bela to co-write if ever may Book 3.

Tapos na ang shooting ng movie ni Direk Jason Paul Laxamana at malapit nang ipalabas. 


Sa post sa Instagram (IG), nagpaalam na si Bela bilang si Stella.

“I didn’t think I’d be sad after finishing #100AwitParaKayStella but here I am wishing we had a few more days. The last two shooting days were perfect! @j.c.santos and I were so in the zone and the scenes were so beautifully written that we gave performances that I think we both didn’t expect. 


“Kaps! Thank you for being our Fidel! Even if Stella doesn’t like sharing, she shares Fidel and his big, big heart with everyone who loves him and his poems... will always cheer you on, kahit hindi ako kasama mo sa ibang mga pelikula mo. Direk @jplaxamana thank you for trusting us with these characters and this material.


“@kyleecharri As I’ve said before, thank you for joining the circus! So excited for everyone to meet Clyde and to see a different you in this film!” bahagi ng post ni Bela.



MAY update uli si Kris Aquino at natuwa ang mga followers niya sa positive niyang post. Kaya naman, tuloy ang dasal sa kanyang paggaling. 

Ibinalita nitong nakalabas na siya ng hospital at staying in Makati Diamond Residences. She has good words sa MDR, na na-promote ito nang hindi sinasadya.


Sabi ni Kris, “To interventionist cardiologist (not to mention my cousin-in-law) Dr. Nick Cruz, Dr. Billy, his fellow; Dr. @ging.md one of my rheumatologists; Josh, the ultrasound technician; and for putting up with my never-ending questions about his treatment plan and when will he invite me to his fruit farm, my at times favorite and at other times the doctor I love to fight with and complain to but his patience must be heaven-sent. 


“Hindi n’ya ‘ko pinapatulan... There are many doctors in St. Luke’s BGC and he’s the head of the department I am most closely associated with... I promised I would never write or mention his name. #wordofhonor.


“Thank you for caring enough about me, my sons and the improvement of my health to keep us in your prayers. In one of my recent Bible devotional reading, your actions are called UNMERITED GRACE. Thank you.”


Ang lakas maka-encourage ng mga messages at paalala na ipinapadala kay Kris na siguradong nababasa nito, mas lalong nabibigyan ng lakas ng loob si Kris na magpagaling at magpalakas. Hindi na lang ito laban niya, laban ng kanyang mga anak at laban ng kanyang pamilya, laban din ito ng maraming nagmamahal kay Kris Aquino!


 
 

ni Nitz Miralles @Bida | August 22, 2025



Frankie Pangilinan - IG

Image: Frankie Pangilinan - IG


Nakakatuwa ang reaction ni Frankie Pangilinan na, “Mama, need to post. I love you (smiling emoji),” nang i-post ni Sharon Cuneta na binigyan siya ni Frankie ng envelope filled with cash. Overwhelmed si Mega dahil first time raw na binigyan siya ng anak niya ng cash, kaya niya ipinost.


Nag-react si Frankie dahil ayaw na siguro nitong malaman na binigyan niya ng pera ang mom niya. Ang hindi alam nito, marami ang natuwa sa ginawa niya, lalo na’t may kasamang letter with the promise to take care of her parents kapag tumanda na sina Sharon at Sen. Kiko Pangilinan.


Ang daming pumuri kay Frankie sa pagiging mabait na anak at ipinakita lang daw nito kung paano siya pinalaki ng parents niya. 


May mga nag-comment pa nga na sana, may anak sila na kagaya ni Frankie.

Anyway, marami ang nagtanggol kay Frankie sa akusasyon na kaya siya na-appoint na Chairperson of the Committee on Youth of the Senate Spouses Foundation, Inc. (SSFI) ay dahil senador ang dad niya.


Sabi ng isang nagtanggol kay Frankie, “SSFI is a non-profit, voluntary initiative of the spouses of the senators... and Kakie (Frankie) is representing her mom.


“This is a foundation by the spouses/kamag-anaks of the sitting senators. Sila ang nagpapatakbo nito. Each senator has a representative. 


“In this case, Frankie is sitting in for Sharon. Nepotism cannot be applied here. Kukuha at kukuha ng kamag-anak ng senador ang organization na ito. US Congress has this organization also composed of spouses of the senators.”


Kasama rin si Ciara Sotto representing her mom (Helen Gamboa-Sotto) at si Ciara ang PRO ng SSFI with Mariel Rodriguez-Padilla. 


Bakit nga ba ang hirap paliwanagan ng ibang tao?


Fans, todo-demand…

WILL, MAY SERYE NA, MAY MOVIE PA


NAGSIMULA nang mag-taping si Will Ashley para sa guesting niya sa Sanggang Dikit FR (SDFR) at nagpahayag ito ng tuwa na mapasama sa action series nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado. 


Next week na raw siya mapapanood at malalaman na ang kanyang karakter.


Sey niya, “Sobrang na-miss kong mag-taping ng teleserye. Nilu-look forward ko ang mga ganitong characters. Ito ang role na gusto kong gampanan, gusto kong mag-action. Kaya nang magawa ko, sobrang fulfilling.”

Sa mga fans ni Will, ayan, masaya siya to be working again at sana, masaya rin kayo. 


May ilang mga fans kasi ang aktor na ayaw na guest lang si Will at dapat daw, may sarili siyang series. Sana ay maghintay sila dahil hindi naman basta na lang bibigyan siya ng project, pinaplano ‘yun para maging successful.


Anyway, bukod sa action series, may pelikulang gagawin sina Will, Dustin Yu at Bianca de Vera, collab ito ng Star Cinema at Regal Entertainment. In fact, ang Star Cinema ang nag-announce at sa announcement, may clue na kung sino ang mga bida ng movie.


Sinimulan ito ng balitang “New Movie Alert” at sinundan ng clues na first letters ng name nina Will, Dustin at Bianca, kaya tuwang-tuwa ang mga fans na may pelikula na ang tatlo.


Kasunod nito ang puksaan ng mga fans kung kanino mapupunta si Bianca sa story ng movie, kung sinong grupo ng mga fans ang mas malakas, kung sino ang mas marami, at kung sino ang mas may malaking pera.


Cash binili… SHAIRA, FORD EVEREST ANG WEDDING GIFT SA SARILI


BUMILI ng Ford Everest si Shaira Diaz, wedding gift daw niya sa kanyang sarili dahil kakakasal lang nila ni Edgar Allan “EA” Guzman. Magkasama ang mag-asawa na pinick-up ang SUV at si Shaira ang nag-drive pauwi.


Sabi ni Shaira, fully paid ang SUV niya, “Para wala na akong babayaran monthly. Para akong naiiyak, I’m so happy, my hard earned money.”


Biniro ni Shaira si EA na mas excited pa raw sa kanya at sagot ni EA, excited siya for his wife na may bago nang car.

“Thank you, Lord,” wika ni Shaira.


Kabilang sa mga pinasalamatan ni Shaira ang mga fans at viewers ng kanyang mga show, kabilang ang Unang Hirit (UH) sa GMA-7. 


Ang sunod nating aabangan sa bagong kasal ay kung kailan sila magkaka-baby.


 
 

ni Nitz Miralles @Bida | August 21, 2025



Dingdong at Shuvee - GMA Network

Image: Dingdong at Shuvee - GMA Network


Katabi ni Dingdong Dantes si Shuvee Etrata sa storycon ng Master Cutter (MC) dahil second lead ito sa action series ng aktor. Hindi lang siya second lead, isa rin siya sa love interest ng karakter ng aktor. Ibig sabihin, isa siya sa main cast at tama lang na katabi siya ni Dingdong.


Sa video na napanood namin, makikitang ayaw pa sanang umupo ni Shuvee sa chair na itinuro sa kanya at kung saan may name plate siya. Saka lang siya umupo nang ipaliwanag sa kanya kung ano ang role niya.


“Hindi ko po sukat-akalain kasi nga po, sabi ko, of course I wanna hone (sharpen) my skills into acting. I know there’s a busy schedule now with brands endorsements, etc.,” wika ni Shuvee.


“Pero with acting kasi, it’s part of me na gusto kong patunayan na lang ‘yung sarili ko na kaya ko. So, sabi ko sa management, I’m willing to do anything kahit na ano’ng ibigay nila sa akin. Kasi alam ko, hindi nila ako bibigyan ng something na hindi ko kaya,” dagdag ni Shuvee.


Kuwento pa ni Shuvee, nang malaman niyang magiging part siya ng MC, ine-expect niyang minor role lang ang kanyang gagampanan. Kaya nagulat na lang siya nang malamang isa siya sa lead characters ng series.


Ang tanging nasabi ni Shuvee ay ‘privilege’ and ‘an honor’ for her to be in the cast.

“As long as I’m with Kuya Dong, it’s already a privilege, it’s already an honor. Rest assured, of course, now that they’ve given me this chance, I’m gonna do my best to help and improve and actually make the most of it,” pagtatapos ni Shuvee.


And speaking of Shuvee, sunud-sunod pa rin ang endorsements niya. Magkasunod na araw ang kanyang contract signing for her two new endorsements.


Semi-regular host din siya ng It’s Showtime (IS) at kasama siya sa Metro Manila Film Festival (MMFF) entry movie nina Vice Ganda at Nadine Lustre na Call Me Mother (CMM).



Hindi lang ang paggaling ni Kris Aquino ang ipinagdarasal ng mga nagmamahal sa kanya, kundi ‘wag ding maapektuhan ang vital organs niya sa dami ng gamot na iniinom.


May concerned supporter na nagtanong kung kumusta na ang liver, kidney at heart ni Kris sa dami ng medication na tine-take niya every day. Sana raw, ma-monitor ang vital organs ni Kris na for sure, ginagawa ng kanyang mga doctor.


Kasama rin sa mga prayers na gumaling na si Kris ay para ma-enjoy ni Bimb ang buhay teen-ager, na in fairness, normal naman ang buhay ng bunso ni Kris. 


Pero malaking tulong si Bimb sa mom niya at may mga naiyak nga nang makita ang post ni Kris na habang nasa ospital siya, nasa tabi niya si Bimb at natutulog.



FAMILY and friends ang invited ni Roderick Paulate sa advance screening ng movie niyang Mudrasta: Ang Beking Ina (MABI). Kami at ang ibang press people ay kasama sa “friends list” ni Dick, ang nasa “family list” niya ay ang mga kapatid na in full force sa pagsuporta sa kanya.


Lumapit kay Pilar Mateo ang Ate Loida ni Dick para ibalitang kasama niya ang mga kapatid. Apat yata silang present at isang kapatid lang nila ang wala. Siguradong nasa advance screening din ang ilang pamangkin ni Dick.


Tiyak ding natuwa ang mga kapatid ni Dick sa pelikula niya na puno ng katatawanan at pagmamahal sa pamilya at sa minamahal. Sabi nga namin sa kanya, love story pala ang Mudrasta na sinagot nito ng “Love story with comedy” na siyang totoo.


Naaliw kami na may manika sa story, 

parang story ng Guy & Pip nina Nora Aunor at Tirso Cruz III. 


Comment pa ng ibang press, kaya nakakatawa ang movie dahil ‘90s comedy ang treatment ni Direk Julius Ruslin Alfonso na hinaluan ng comedy at situation now.


Kaya makaka-relate ang GenZ sa story, lalo na sa karakter ni Elmo Magalona na beki pala at may dyowa. Mabuti at pumayag ito sa role na ibinigay sa kanya ng CreaZion Studios.


Anyway, after ng Mudrasta, wish ng mga fans ni Dick na gumawa pa siya ng maraming comedy movies. Sana raw, hindi abutin ng ilang taon bago masundan ang pelikula niya ngayon na showing sa more than 100 cinemas nationwide.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page