top of page
Search

ni Nitz Miralles - @Bida | April 28, 2022


ree

Nag-react at itinanggi ni Bela Padilla via her Instagram Stories ang kumalat na fake statement diumano niya na patama kay Robin Padilla at sa administration ni President Rodrigo Duterte.


Nakiusap si Bela na itigil ang fake news and fake statements. Ang sabi pa, nakuha ni Bela ang fake statement mula sa FB group na Leni Robredo for President 2022.


Heto ang nakasaad sa fake statement na inalmahan ni Bela:


“We, the entire PADILLA clan, except Robin Padilla of course, who claims to be a Padilla, but in reality is not, since his DNA test reveals that he did not come from the Padilla family, strongly condemns the DESPOTIC DUTERTE ADMINISTRATION FOR SHUTTING DOWN ABS-CBN!”


Agad nilinaw ni Bela ang kumalat na fake news na pinalabas na galing sa kanya at ginamit pa ang logo ng ABS-CBN. Wala raw siyang ini-endorse na kandidato dahil hindi siya registered voter.


“Although I am not endorsing any politician for this upcoming election because I didn’t actually register to vote... I would never refer to my uncle @robinhoodpadilla who I grew up with by his first name. We were all taught better than that. Please stop with the fake news and fake statements,” pakiusap ni Bela.


May pahabol pa itong, “Also, PS: Why is the construction of this “statement” chaotic?”


May sasagot kaya sa tanong na ito ni Bela?



 
 

ni Nitz Miralles - @Bida | April 27, 2022


ree

One week na lang ang Book 2 ng Prima Donnas at mami-miss ng bawat isa ang isa’t isa at sabi nga ni Jillian Ward, sa Afternoon Prime ng GMA-7 sila nagdalaga ng mga kasamang young cast.


Three years silang magkakasama at locked-in ang taping nila, kaya naging chance para mas makilala nila ang isa’t isa at maging mas close. Pamilya ang turingan ng lahat ng nakasama sa series.


Sa tanong kung sino ang mami-miss niya sa Prima Donnas, si Direk Gina (Alajar) ang sagot ni Jillian.


“Parang naging nanay ko siya, parang naging mother-daughter ang relationship namin. Mami-miss ko lahat, at sana, makatrabaho ko uli sila,” sabi ni Jillian.


Hindi rin makakalimutan ni Jillian ang Prima Donnas dahil sa series na ito, hindi na bata ang karakter niya at dito rin siya nagkaroon ng love team.


Ibinuking nga ni Direk Gina na in love sa kanya si Will Ashley, kaya lang, bawal pang ligawan at mag-boyfriend si Jillian who is 17 years old na.


Sa finale presscon ng Prima Donnas, nabanggit ni Jillian na may kasunod na siyang project at umaasa ang mga fans nila ni Will na silang dalawa pa rin ang magkasama.


Wish naman ng ibang fans ni Jillian, ang remake ng Marimar o Dyesebel na parehong ginawa ni Marian Rivera ang ibigay sa kanya ng GMA.


Bagay daw kay Jillian ang mga nasabing project, she has the body, the face and the talent daw.







 
 

ni Nitz Miralles - @Bida | April 26, 2022


ree

Tumutulong na si Maine Mendoza sa kampanya ng boyfriend niyang si Arjo Atayde na tumatakbong congressman sa District 1 ng Quezon City.


Malapit na ang election at kung ang ibang tao nga, sinusuportahan si Arjo, bakit hindi puwede ang GF niya?


Napanood namin ang ilang video at photos kung saan sumama si Maine sa motorcade ni Arjo, kaya hindi lang si Arjo ang tinatawag ng mga tao, pati si Maine.


Kasama rin sa motorcade — pero nasa ibang sasakyan — ang parents ni Arjo. Kumbaga, the whole family na ang tulung-tulong sa kampanya ni Arjo.


Ang tanong ng mga fans, after election ba, manalo o matalo si Arjo, magpapakasal na sila ni Maine?


Hintayin natin ang kanilang sagot.





 
 
RECOMMENDED
bottom of page