top of page
Search

ni Nitz Miralles - @Bida | May 1, 2022


ree

Wala sa bansa si Glaiza de Castro sa premiere bukas, May 2, ng mini-series nila ni Xian Lim na False Positive pagkatapos ng First Lady sa GMA-7.


Nasa Northern Ireland si Glaiza at ang asawang si David Rainey, nagbabakasyon, pero tiyak na mababasa niya ang feedback ng mga viewers sa series nila ni Xian.


Makumbinse na kaya ang ilang fans nina Xian at Kim Chiu na panoorin ang False Positive para kay Xian?


Ayaw daw nilang panoorin ito dahil hindi si Kim ang kapareha ni Xian at naaliw kami dahil ang ibang fans, ayaw banggitin ang pangalan ni Glaiza. Ang tawag sa kanya ay “Kapuso actress na may malaking mga mata.”


Anyway, sina Glaiza at Xian din ang kumanta ng theme song ng False Positive na Iyo Hanggang Dulo kaya natupad din ang dream ni Xian na makapag-record sa GMA Music, although ang duet nila ni Glaiza ay under GMA Playlist.


Pagbalik pala ni Glaiza, itutuloy nito ang pagsu-shoot sa series na Seed of Love na natigil dahil sa pandemic. Nakapag-taping na sina Glaiza, Mike Tan at iba pang cast sa Benguet nang mag-decide ang GMA-7 na itigil ang taping for health reasons.


Ngayong pa-normal na ang takbo ng buhay sa Pilipinas, itutuloy na ang taping ng series sa direction ni Ricky Davao.


 
 

ni Nitz Miralles - @Bida | April 30, 2022


ree

Pasabog ang role ni Lianne Valentin sa Afternoon Prime ng GMA-7 na Apoy sa Langit na premiere na sa Monday, May 2, 2:30 PM after Eat... Bulaga!.


Pasabog dahil sa maiinit at mapusok niyang eksena kasama si Zoren Legaspi. Bilang si Stella, gaganap siyang kabit ni Cesar (Zoren) at titira pa sa bahay ni Cesar at ng mapapangasawa nitong si Gemma (Maricel Laxa).


May kissing scene, bed scene at iba pang nakakakiliting eksena sina Zoren at Lianne at abangan din ang mga eksenang ang mga kamay ni Zoren will do wonders to Lianne’s body.


ZOREN, MAY IKINAMANG 20-ANYOS

ree

After Apoy sa Langit, hindi na 20 years old ang magiging tingin kay Lianne kahit 20-anyos lang siya in real life.


Sabi nito, “I’m 20 years old at nag-decide ako that I wanna step up sa role na gagampanan and I really want to be challenged. Kaya nang mag-audition ako sa role ni Stella, no second thought, this is what I’m looking forward. Kinabahan ako sa audition with Direk Laurice Guillen, pero hindi ako natakot dahil ito ang gusto ko.”


Daring nga siguro ang mga eksena nina Zoren at Lianne dahil tinanong ni Zoren kung alam ng parents ni Lianne ang kanyang gagawin.


Hindi raw sumagot si Lianne, pero sabi nito, ipinaalam niya sa parents niya ang mga eksena niya para hindi mabigla sakaling mapanood na siyang nakikipaghalikan at nasa bed with Zoren.


 
 

ni Nitz Miralles - @Bida | April 29, 2022


ree

Tila hindi pa successful si Andrea Brillantes na i-convert ang boyfriend na si Ricci Rivera na maging Kakampink mula sa pagiging BBM supporter.


Kaya namin ito nasabi ay dahil sa pahayag ni Ricci na “Do not be afraid to come out as BBM supporter. That is your freedom to express.”


Nabanggit kasi ni Andrea na patuloy niyang kinukumbinsi ang boyfriend na mag-switch into a Kakampink, kaya lang, nananatiling BBM supporter si Ricci.


In fairness kay Ricci, ipinagtanggol nito si Andrea sa mga bashers. Kung sa kanya raw ay okay lang ang effort ni Andrea to convert him to support VP Leni, sana, ganu’n din daw ang mga netizens.


Finlex pa nga niya ang effort ng GF para magbago ang isip niya.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page