top of page
Search

ni Nitz Miralles - @Bida | May 4, 2022


ree

Tama ba ang nasagap namin na ‘yung bagong piano ni Julie Anne San Jose ay regalo ni Rayver Cruz?


Parang advance birthday gift daw ni Rayver kay Julie ang Steinway & Sons piano dahil birthday ng singer-actress sa May 17.


Ang bongga palang magregalo ni Rayver! Inaabangan na tuloy kung ano naman ang ireregalo ni Julie kay Rayver sa birthday nito sa July 20.


Ang tsika, dapat ay sorpresa ang regalo ni Rayver kay Julie. Hindi lang napigil ng nag-deliver ng piano kina Julie dahil ipinost sa Facebook at maraming fans ang nakabasa.


Siguro, hindi pa man naide-deliver ang piano, nalaman na ng mga fans ng dalawa na siyempre, kinilig.


Sa regalong piano ng aktor, madalas mag-collab sina Rayver at Julie at ibig sabihin, madalas ang una sa bahay ng huli, gaya ng latest collab nila na ang sabi ng mga fans, ginawa sa recording studio nina Julie.


Mababasa rin ang mga comments na puro positive at aprub ang love team nina Julie at Rayver.

Mababasa rin ang mga comments ng relatives ni Rayver gaya nina Sunshine Cruz, Geneva Cruz, ang brother na si Rodjun Cruz at asawa nitong si Dianne Medina.


Naki-comment din ang uncle ni Rayver na si Jeff Cruz, ang mga showbiz friends ng dalawa kabilang sina Lani Misalucha, Shaira Diaz, EA Guzman, Jak Roberto at Piolo Pascual.


Parehong nagpasalamat sina Julie at Rayver kay Piolo sa comment nitong “Wow! Galing n’yo 'tol” sa collab ng dalawa sa song na Location Unknown. May bonus ang fans dahil towards the end of the video, sa halip na makiapir kay Julie, biglang niyakap ni Rayver ang singer-actress.


Samantala, mapapanood na ang Limitless concert ni Julie sa TV sa May 15, 22 at 29, Sunday at 2 PM. Ang concert ay nanalo ng Silver Medal sa New York Festivals TV & Film Awards 2022.


 
 

ni Nitz Miralles - @Bida | May 3, 2022


ree

Nauna pa palang nanganak si Jennylyn Mercado kay Angeline Quinto dahil April 25 nanganak si Jennylyn at April 27 si Angeline.


Sa kanyang vlog, nabanggit ni Jennylyn na magpapa-check-up lang dapat sila, “Bigla na lang kaming manganganak na raw. Hindi kami ready.”


Hindi pa ipinakita sa vlog ni Jennylyn ang baby nila ni Dennis Trillo na kung tawagin nila ay "Baby D". Ang ipinakita muna sa vlog ay ang nursery room ng kanilang baby na ang ganda-ganda ng ayos at kulay pink.


Mapapanood din sa vlog na kasama ni Jennylyn sa delivery room si Dennis at inire-record ang panganganak ng asawa. Inamin ni Dennis na ninerbiyos siya habang nakabantay kay Jennylyn.


Kani-kanyang hula ang mga fans nina Dennis at Jennylyn kung ano ang full name ni Baby D, kung sino ang kamukha at ano ang exact date ng panganganak ng aktres.


 
 

ni Nitz Miralles - @Bida | May 2, 2022


ree

Sunud-sunod na ang panganganak ng mga buntis sa showbiz. Nauna na si Angeline Quinto na nanganak noong April 27 ng baby boy. Sumunod na nanganak si Winwyn Marquez kahapon, May 1, ng isang baby girl at pinangalanan nilang Luna Teresita Rayn.


Wala pang detalye sa isinilang ni Winwyn na baby girl na makikita sa litrato na matangos ang ilong.


Natutuwa ang mga netizens kina Angeline at Winwyn dahil agad ipinakita ang mukha ng kani-kanilang baby.


Ang hinihintay na lang ng mga netizens ay ang face reveal ng partner ni Winwyn. Ginawa raw ito ni Angeline nang ipakita ang mukha ng dyowa at wish nilang gawin din ni Winwyn. So far kasi, side view pa lang ng dyowa nito ang ipinakita.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page