top of page
Search

ni Nitz Miralles - @Bida | May 7, 2022


ree

Humabol si Mariel Rodriguez, ikinampanya si Robin Padilla sa sortie sa San Pedro, Laguna at suot ang green na blazer, kinanta ni Mariel nang acapella ang Fallin' at naki-sing-along ang mga tao sa kanya.


Anyway, may mga curious kung nakalimutan lang ba ni Mariel na isama sa listahan niya ng Women Celebrities na hindi niya makakalimutan si Bianca Gonzales. Ang akala ng marami, close ang dalawa, pero missing ang name ni Bianca sa list ni Mariel.


Ang mga kasama sa list ni Mariel ay sina Vina Morales, Karla Estrada, Aubrey Miles,

Ruffa Gutierrez, Nadia Montenegro, RR Enriquez, Valerie Concepcion, at ang magkapatid na Alex at Toni Gonzaga. After ng list, may nakasulat na “Grateful” at may kasama pang heart emoji.


May mga nagsabi na ang mga female celebrities na kasama sa listahan ni Mariel ay kabilang sa mga nag-donate para sa kandidatura ni Robin, kaya raw “grateful” ang caption ng aktres.


 
 

ni Nitz Miralles - @Bida | May 6, 2022


ree

Nasa IG story ni Miss Spain ang photo nila ni Alden at naka-tag pa ang aktor, kaya tiyak na nakita na nito ang photo nilang dalawa. May mga nag-isip na baka may project si Alden with Miss Spain na welcome sa fans ng Kapuso actor.


Tapos na ang Miss Universe Philippines, nasa bansa pa rin sina Miss Spain at Miss Bahrain at sa Instagram ni Miss Spain, parang may photo shoot siya for a magazine yata o endorsement.


Dahil sa lumabas na photos kasama ang naggagandahang dilag, may nagpaalala na naman kay Alden na kailangan na niyang maghanap ng girlfriend.


 
 

ni Nitz Miralles - @Bida | May 5, 2022


ree

Sina Max Collins at Julie Anne San Jose ang mga guests sa summer episode ng Happy ToGetHer, ang sitcom na pinagbibidahan ni John Lloyd Cruz.


Sa Boracay kinunan ang episode at dahil summer episode, naka-swimsuit sina Max at Julie.


Second season na ng Happy ToGetHer at nabanggit ni JLC na may offer na ibang show ang GMA-7 sa kanya at nagustuhan niya.


Ang usapan, si Bea Alonzo ang kanyang makakapareha, kaya lang, ginagawa ni Bea ang Start-Up with Alden Richards. Kung itutuloy ng GMA-7 na si Bea pa rin ang ipareha kay JLC, matatagalan pa ito dahil may Start-Up si Bea at marami pang projects.


Sino kaya sa Kapuso leading ladies ang puwedeng makapareha ni JLC maliban kay

Bea?


Saka na gawin ang JLC-Bea project, bigyan na lang ng bagong makakapareha si JLC sa series na kanyang gagawin sa GMA-7.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page