top of page
Search

ni Nitz Miralles - @Bida | June 14, 2021




Hindi lang si President Rodrigo Duterte ang naghihintay sa sagot ni Willie Revillame sa pangungumbinse ng presidente na tumakbong senador ang TV host sa 2022 national elections.


Nakaabang din sa magiging desisyon ni Willie ang kanyang mga supporters at sumusubaybay sa Wowowin: Tutok to Win.


Sa isang video message ni Pres. Duterte kay Willie, inulit nito ang wish na i-consider ng TV host ang pulitika sa kanyang mga plano ngayon.


“Willie, si Mayor ‘to. Kumusta ka? Matagal na tayong ‘di nagkita pero palagi kitang naaalala dahil gusto ko sanang maging senador ka,” sabi ng pangulo.


Nalaman ni Pres. Duterte kay Sen. Bong Go na nagdadalawang-isip si Willie na pasukin ang pulitika. Ang katwiran ng TV host, kahit wala siya sa pulitika, nakatutulong pa rin siya sa mga tao na nangangailangan ng kanyang tulong via his TV show Wowowin: Tutok to Win.


“Pero ganunpaman, open ang slot until the last minute. Kung ayaw mo na talaga, eh, di puwede na tayo mag-usap ulit.”


May nabanggit pa ang pangulo na “Bilib ako sa appeal mo sa masa.”


As of now, wala pang sagot si Willie kay Pres. Duterte dahil mas gusto pa rin nitong host siya ng sariling show at ngayon nga, papasukin na rin ang pagpoprodyus ng sitcom na tampok sina John Lloyd Cruz at Andrea Torres. Inihahanda na ang sitcom at sa October na ang filing ng mga kakandidato sa darating na elections.


Tatanggapin kaya ni Willie ang offer ni Pres. Duterte o mananatili sa telebisyon at sa kanyang free time ay lalaruin na lang ang bagong apo sa anak na si Meryll Soriano?

 
 

ni Nitz Miralles - @Bida | June 14, 2021




May mga lumabas na litrato na makikitang nakapila sina Dingdong Dantes at Marian Rivera habang hinihintay mabakunahan sa Venice Grand Canal Mall sa Taguig City kaya mali ang hanash sa socmed na sumingit ang mag-asawa at ginamit ang pagiging celebrity para mauna sa vaccination.


May nag-post pa nga na star-studded ang vaccination experience niya dahil nasa likod niya sa pila sina Dingdong, Marian at Boobay.


May picture pang kasama ng DongYan si Kim Atienza habang nasa pila sila.


Ang dami kasing hanash sa socmed na kesyo sumingit sa pila para mauna sina Dingdong at Marian. May comment pang bakit sila nauna, eh, may mga senior citizens pang hindi nababakunahan?


Eh, ayaw nga ng ibang senior na magpabakuna, bakit hindi ibigay ang bakuna sa may gusto? Saka kabilang ang DongYan sa A4 category na iniutos na puwede nang mabakunahan.


Sinovac ang ibinakuna sa DongYan at may mga nakumbinse silang magpabakuna rin nito. Kung ang dalawa raw ay hindi namili, hindi na rin sila mamimili.


‘Katawa lang na pati ‘yung kawalan ng band aid ng Taguig, pinansin ng mga netizens. Hindi kasi band aid kundi gauze ang inilagay sa DongYan after their vaccination.

 
 

ni Nitz Miralles - @Bida | June 12, 2021




Determinadong pumayat si Angel Locsin at parang may nutritionist siyang kinuha para ayusin at i-check ang kanyang diet.


Sa IG Story nga nito, ipinost na puro gulay ang kanyang kinakain at chicken ang meat.


Ibinuking ng friend nitong si Bubbles Paraiso na hindi pala kumakain ng gulay si Angel at ‘pag sabay silang kumain, inililipat nito sa plate niya ang gulay.


Sinagot ni Angel ang post ni Bubbles ng “Sorry, hindi ko na mabibigay ang gulay ko sa 'yo. Nagbago na ako. It’s time to move on.”


Broccoli, beans at carrots ang ilan sa mga ipinost ni Angel na sabi niya, nakain naman niya dahil crispy. Hindi nabanggit ni Angel kung ilang weeks o months ang kanyang pagda-diet.


Masaya ang mga fans ni Angel at wish nilang maging successful ang kanyang weight loss journey para sa kasal nila ni Neil Arce ay slimmer Angel ang makita nilang nakasuot ng wedding gown.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page