top of page
Search

ni Nitz Miralles - @Bida | June 22, 2021




Inamin na rin pala nina Ken Chan at Rita Daniela sa All-Out Sundays last Sunday na pareho silang tinamaan ng COVID-19.


Dahil inamin na nila, puwede na ring sabihin na ang kanilang pagkakasakit ang isa sa mga rason kung bakit natigil ang taping ng Ang Dalawang Ikaw. Iyon din ang rason kung bakit naurong ang premiere nito dahil kinailangan nilang magpagaling.


Sabi ni Ken, “Ito na siguro ang pinakamabigat na naranasan ko sa buong buhay ko dahil hindi lamang po ako ‘yung tinamaan at nagkaroon ng virus, ‘yung buong pamilya ko. Lahat kami sa bahay, nagkaroon ng COVID. Wala kang choice kung hindi harapin ito nang buong tapang. Sa kabila ng mga nangyari, nagsilbi itong aral sa aming lahat na ‘yung pag-iingat, kahit gaano siya kahirap, kailangan mong pagtuunan ng pansin.”


Ayon naman kay Rita, nakatulong ang dasal para magkaroon siya ng lakas ng loob na harapin ang pagkakaroon ng COVID.


“Of course, natakot ako. ‘Di ba, when you watch the news, you see numbers? Then it becomes the people that you know. Then one day, ikaw, meron ka na rin. Mahirap siyang tanggapin when you do everything to take care of yourself pero dinapuan ka pa rin.


“COVID is real. Si God lang talaga (ang) puwede mong kapitan. I prayed hard for myself and my family. Every morning I was given a chance to thank Him for all the things He has blessed.”


Nagpagaling muna sina Ken at Rita at saka bumalik sa taping ng Ang Dalawang Ikaw at natapos nila ang taping. Kahapon ang world premiere nito sa GMA-7.


 
 

ni Nitz Miralles - @Bida | June 19, 2021




Dahil sa post ni Mavy Legaspi na dinudutdot niya ang left dimple ni Kyline Alcantara at may caption na “her. her smile. her dimples. yup, that’s the post,” marami ang nag-isip na they are in a relationship.


Sila na raw ang newest showbiz couple at sa dami ng nag-like at nag-comment sa post ni Mavy, obvious na marami ang kinikilig na netizens, pati mga taga-showbiz, sa kanila.


Tinukso si Mavy at pinuri dahil kung totoong sila na ni Kyline, very proud ito at talagang nag-shout-out. Aliw ang reaction ng kakambal ni Mavy na si Cassy Legaspi na “Maverick Peter! Ano na naman to?” na sinagot ni Mavy ng “@cassymariacassandra! Ako lang 'toh!”


Nalungkot naman ang mga shippers nina Kyline at Miguel Tanfelix dahil akala nila, may something sa dalawa, pero si Mavy pala ang someone special ni Kyline.


 
 

ni Nitz Miralles - @Bida | June 17, 2021



Sharon on US-Instagram / reallysharoncuneta


Pine-flex ng mga taga-showbiz kapag sila’y nabakunahan na, which is a good thing, dahil nakukumbinse ang tao, lalo na kung fan ng artista, na magpabakuna na rin.


Gaya sa kaso ni Marian Rivera na maraming seniors ang nagpabakuna after silang makita ni Dingdong na nagpaturok na.


Kinumbinse rin nina Drew Arellano, Iya Villania, Glaiza de Castro, Jane Oineza, RK Bagatsing, Vhong Navarro at iba pang nabakunahan ang publiko na magpabakuna na para may panlaban tayo sa COVID-19.


Nabakunahan na rin sina Ai Ai delas Alas, Joross Gamboa, JM de Guzman, Mike Tan, Wendell Ramos, Boobay, Suzi Entrata at Piolo Pascual, na naging kontrobersiyal dahil sa kanyang joke na namatay siya after magpabakuna.


Sana, madagdagan pa ang mga taga-entertainment industry na mabakunahan para makabalik na sa trabaho at para mabuhay na ang industriyang ito.


Si Sharon Cuneta nga, ibinalitang fully vaccinated na siya. May video uli sa bakuna niya for her second dose at nagpasalamat ito. Pero hindi pa rin yata siya babalik sa bansa, may mga gagawin pa siguro siya sa Amerika.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page