top of page
Search

ni Nitz Miralles - @Bida | May 13, 2022


ree

May nabasa kaming post sa Facebook ng co-owner ng Mary Pauline and Sir George Salon na inalis na nila bilang isa sa mga celebrity endorsers si Andrea Brillantes. Dahil ito sa post ni Andrea na tinanong ang mga BBM supporters kung nasaan ang utak ng mga ito dahil ibinoto si Bongbong Marcos.


Post ni Mary Pauline Suson Danga-Obias patungkol kay Andrea na siguradong nakarating na sa aktres, "She was our client sa Mary Pauline and Sir George since 2018. When I read her comments, I asked my partner in Sir George Salon to call her mom Mabelle and to drop her from our roster of celebrity clients.


"Nakakahiya itong ginawa niya. In behalf of the Mary Pauline and Sir George Salon, our sincerest apologies.”


Puwedeng sabihin ni Andrea na marami namang salon na puwede niyang puntahan, pero paano kung sumunod ang ibang products na ine-endorse niya at alisin din siya?


Sana, hindi umabot na i-boycott ang mga products na ini-endorse ni Andrea dahil lang sa kanyang comment and considering, first time voter yata siya.


 
 

ni Nitz Miralles - @Bida | May 12, 2022


ree

Napa-scroll tuloy kami sa Instagram to check kung totoo ang comment ng isang follower ni Toni Gonzaga na walang nag-congratulate sa kanyang kapwa artista nang manalong Outstanding Celebrity Host sa Legacy Icon Awards. Kinilala rin ang Toni Talks bilang Outstanding Social Media Talk Show.


Kapapanalo lang din ni Toni ng Talk Show Host/Social Media Influencer sa 5th Asia Pacific Luminare Awards.


In fairness, nag-congratulate kay Toni sina Mariel Padilla, Karla Estrada, Candy Pangilinan, at Pops Fernandez. Comment pa nga ni Mariel, “You just keep winning, that’s my friend.”


Ang mapapansin, walang ABS-CBN talents na nag-congratulate kay Toni, pero expected na yata ‘yun ng aktres mula nang magpahayag ng suporta kay Bongbong Marcos at kay Sara Duterte.


Ano ‘to, kahit tapos na ang eleksiyon, tapos na rin ang friendship niya sa mga dating kasama sa ABS-CBN?


May bagong isyu kay Toni, ‘yung post niyang nakayakap siya kay Bongbong Marcos at ang caption ay: “Congrats Ninong Bong...”


Pati ang asawang si Director Paul Soriano, idinamay. Tiyak daw na si Direk Paul ang magdidirek ng first SONA ni BBM.


 
 

ni Nitz Miralles - @Bida | May 11, 2022


ree

Magagalit nito ang mga netizens kay Aga Muhlach dahil tinawag na “My Senator” si Robin Padilla na kanyang ibinoto.


In fairness kay Aga, nag-post siya ng photo ni Robin at in-endorse ito bago pa ang eleksiyon. Alam ni Aga na mananalo si Robin.


Sabi ni Aga, “This man has a good heart! He is as real as it gets. Naniniwala ako sa 'yo, kaibigan/kapatid that you will serve our country well. I’m proud of you! Mabuhay ka, my Senator!”


Hindi n’yo maaaway si Aga at kahit awayin n'yo, dededmahin lang kayo. Boto kasi niya ‘yun na dapat, inirerespeto nating lahat. Respetuhan lang!


Samantala, may bagong project si Aga, tila pelikula na sa Baguio ang shooting. Sina Directors Dan Villegas at Antoinette Jadaone ang mga producers ng project.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page