top of page
Search

ni Nitz Miralles - @Bida | August 19, 2021


ree

Ipinakilala ng Eat...Bulaga! sina MJ Lastimosa at Kakai Bautista na new guest co-hosts ng noontime show.


Malinaw ang sinabing “guest co-hosts,” hindi permanente o hindi pa regular, kaya walang dapat ikabahala ang mga dating hosts na regular lumalabas na sila’y mapapalitan.


May mga nabasa kasi kaming comments ng fans ni Maine Mendoza na nagtatanong kung papalitan na ba ni MJ si Maine dahil ilang araw na raw na hindi nila napapanood si Maine.


Tuloy, may mga nagpahayag na ayaw nila kay MJ at si Maine lang ang gusto nila.

Baka naman may importante lang na ginawa si Maine o nag-taping ng #MaineGoals at iba pa niyang shows sa TV5 kaya absent.


Produced din ng APT Entertainment ang #MaineGoals kaya walang isyu rito kung i-prioritize muna nito ang iba niyang shows, tutal ay may iba pa namang hosts ang Eat... Bulaga!

 
 

ni Nitz Miralles - @Bida | August 18, 2021


ree

Nagkaroon na ng virtual storycon ang teleseryeng Love. Die. Repeat na pagsasamahan nina Jennylyn Mercado at Xian Lim noong Lunes. Naka-post sa Instagram ni Jennylyn at sa IG Stories ni Xian ang naganap na storycon na ididirehe ni Irene Villamor.


Makakasama nina Jennylyn at Xian sina Kim Domingo, Mike Tan, Valerie Concepcion, Shyr Valdez at Gardo Versoza.


Ang nabasa naming synopsis ng serye ay mamamatay ang husband ng karakter ni Jennylyn. Sino kaya kina Gardo at Mike ang gaganap na asawa ng karakter ni Jen? Hindi naman siguro ang karakter ni Xian ang mamamatay. Parang hindi maganda kung ang first project ni Xian sa GMA-7 ay mamamatay ang karakter niya.


Finally, kahit virtually, nagkita na rin sina Xian at Jennylyn dahil nabanggit ng aktor na hindi pa sila nagkikita nang personal. Sa locked-in taping na sila magkikita nang personal ng aktres.


And speaking of Xian, hindi na siya ipina-presscon ng GMA, siguro dahil per project lang ang gagawin niya sa Kapuso Network dahil sa Viva Artist Agency siya may management contract.

 
 

ni Nitz Miralles - @Bida | August 17, 2021


ree

Nag-renew kahapon ng kanilang kontrata sa GMA Artist Center sina Mavy at Cassy Legaspi, kaya ang four years nilang pinirmahan bilang Kapuso ay magtutuluy-tuloy pa.

With the new contract, magiging masaya ang four years celebration nila sa October.


Si Mavy, ginagawa ang I Left My Heart in Sorsogon. Si Cassy naman, sure nang may next project after First Yaya, pero bawal pang sabihin. Napapanood naman siya sa Sarap ‘Di Ba at nasa All-Out Sundays. Gusto niyang mag-level-up sa acting, 'yung more dramatic and more mature role.


Ano ang feeling for their new contract with GMAAC and still a Kapuso?


Sabi ni Cassy, “We’re very excited sa plans ng GMA sa amin at thankful sa trust nila sa amin. Namo-motivate kami to do better.”


Pangako naman ni Mavy, hindi masasayang ang trust ng GMA sa kanila. “We’re doing our best para maibalik ‘yung trust nila sa amin.”


Ang cute pala ni Mavy, ibinuko ang sarili na love niya si Kyline Alcantara nang sabihing he left his heart in Sorsogon. Looking forward na rin ito sa next leg ng locked-in taping dahil araw-araw niya uling makikita si Kyline. Puro magaganda rin ang sinabi ni Mavy kay Kyline.


'Kaaliw din si Mavy sa inaming kinikilig siya kapag kinikilig ang fans sa kanila ni Kyline at ganu’n din si Cassy kapag kinikilig ang fans sa kanila ni JD Domagoso.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page