top of page
Search

ni Nitz Miralles - @Bida | August 26, 2021



ree

May bagong kaiinisan ang mga haters at bashers nina Kiko Estrada at Heaven Peralejo kapag napanood ang IG Story ng aktres kung saan kasama niya ang BF.


Sa una, sweet-sweet-an lang ang dalawa, later on, kinagat ni Kiko ang right cheek ng GF, nanggigil siguro. Kaya lang, pinutol agad ni Heaven ang IG Story niya, nabitin tuloy ang shippers nila ni Kiko.


Anyway, nagsalita na si Kiko sa interview sa kanya ni Ogie Diaz sa vlog nito na walang overlapping sa kanila nina Heaven at ex-GF niyang si Devon Seron. Break na raw sila ni Devon nang maging sila ni Heaven at inaming ‘bad breakup” ang nangyari sa kanila.

Saka, parang mas alam ng mga fans nina Kiko at Devon ang timeline sa nangyari kina Kiko at Devon na nag-break nu'ng Valentine’s Day. Three months lang daw after ng breakup nila, GF na ni Kiko si Heaven.

 
 

BAGO PA MAGING BALDADO.


ni Nitz Miralles - @Bida | August 25, 2021


ree

Ang heartwarming ng larawan nina Sen. Manny Pacquiao at asawang si Jinkee after the fight. Magkatabi ang mag-asawa, natutulog si Manny na ang ulo ay nasa balikat ni Jinkee. Halata pa ang pamamaga ng mukha, lalo na sa may eye area ni Manny dahil sa suntok ni Yordenis Ugas.


Ang caption ng post: “Your best friend should be your spouse” na lalong nagpa-heartwarming sa larawan.


May mga nag-comment na sana, payuhan ni Jinkee si Manny na tumigil na sa pagboboksing at isipin ang kanyang kalusugan. ‘Wag na raw hintayin ni Manny na maging baldado pa siya bago tumigil sa boksing.

 
 

ni Nitz Miralles - @Bida | August 24, 2021



ree

“Misis,” “My Angel” at “Mama Mary ko ‘yun” ang tawag ni Tom Rodriguez kay Carla Abellana kahit sa October 23, 2021 pa ang kanilang kasal na wish ni Tom ay matuloy dahil nga sa paiba-ibang quarantine measures. Nakahanda na ang lahat and this week, idi-distribute na ang wedding invitation.


Ang isa sa mga pinoproblema ni Tom ay kung makakapunta ang kanyang pamilya na nasa Amerika dahil ayaw niyang ma-compromise ang health, lalo na ang mom niya na senior na.


Ang sister naman niya, kagagaling lang sa COVID, pero hindi pa puwedeng mabakunahan. Hindi rin siya sure kung makakarating din ang two brothers niya for safety reasons din.


Isa sa malaking pagbabago after ng kanilang kasal, gusto ni Tom na magka-baby agad sila.


“Isang malaking change ang gagawa agad kami ng baby. Ini-request ko sa kanya na gawa agad kami ng baby at mabuti, napapayag ko para makadalawa pa kami ng babies,” ani Tom.


Anyway, nalungkot si Tom na nagkaroon ng season break ang The World Between Us dahil akala, by September 6, tapos na ang taping nila at makakatulong na kay Carla sa preparation sa kanilang kasal. Pero dahil sa ECQ, na-extend ang taping nila at baka magkita sila ni Carla, a week or two before the wedding na. Pero, naintindihan niya na kailangan nila ng season break.


Anyway, natutuwa si Tom na emotionally invested ang mga viewers sa story at mga karakter ng TWBU. Binabasa niya ang comments at kahit galit sa karakter niyang si Brian ang mga viewers, at least, alam niyang pinapanood sila.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page