top of page
Search

ni Nitz Miralles - @Bida | August 29, 2021



ree

Sakaling maligaw si Gerald Anderson sa Instagram ni Janus del Prado at mabasa ang pangalan ng mga taga-showbiz na nagla-like sa post ng aktor patungkol sa kanya, ano kaya ang mararamdaman ng boyfriend ni Julia Barretto?


May isang aktor na lahat halos ng posts ni Janus patungkol kay Gerald ay nila-like at siguradong kilala ni Gerald ang aktor na ito dahil Kapamilya rin.


May isa ring aktres na laging nila-like ang post ni Janus, freelancer siya, hindi lang kami sure kung nakatrabaho na ni Gerald sa ABS-CBN. May isa pang aktres na tsini-cheer si Janus ng “Go go go!!! @janusdelprado.”


Hindi natakot si Janus sa mga death threats sa kanya at may post pa nga itong “Don’t underestimate me. I know more than I say, think more than I speak, and notice more than you realize.”


Ang sweet naman ng mga followers ni Janus, nanawagan sa GMA na kunin nila ang aktor at isama sa teleserye ni Bea Alonzo para magkasama ang mag-best friend.

 
 

ni Nitz Miralles - @Bida | August 28, 2021



ree

Sina Dingdong Dantes at Marian Rivera na ang nagkumpirma na tuloy na ang kanilang balik-tambalan sa isang project.


“Yes! Yes ang sagot. Y-E-S!” ang excited na sagot ni Marian sa tanong sa kanila ni Dingdong sa ginanap na GMA Pinoy TV FunCon. Sinundan ni Dingdong ang sagot ni Marian ng “Very soon!”


Hinintay lang nina Dingdong at Marian na maging fully vaccinated na sila bago tumanggap ng project. Maaalala ang sagot ni Marian na inaayos lang ang script nang matanong kung gagawa na uli sila ni Dingdong ng TV project at ito na ‘yun.


Kung masusunod ang gusto nina Dingdong at Marian, baka nga sa sitcom natin sila mapapanood.


Ibinuking ni Dingdong sa DongYan FunCon na gustong maka-partner ni Marian si Hyun Bin na tinutukan ng aktres sa Crash Landing On You. Pero sabi ni Marian, gusto pa rin niyang kasama si Dingdong kung may project sila ni Hyun Bin, kaya lang, si Dingdong ang kontrabida.


Naloka lang si Marian sa pambubuking ni Dingdong sa kanya.


Samantala, sina Cassy Legaspi at Jillian Ward ang choice ni Marian na gumanap bilang siya kung gagawing pelikula ang love story nila ni Dingdong. Si Paul Salas naman ang choice ni Dingdong na gumanap bilang siya.

 
 

ni Nitz Miralles - @Bida | August 27, 2021



ree

Si Alden Richards ang unang Kapuso star na makakasama at makakatrabaho ni Bea Alonzo at binanggit ito ng aktres sa kanyang IG Live nu'ng Miyerkules. May shoot daw sila ni Alden ng isang show this weekend, pero hindi binanggit kung ano.


“I’ll be doing something this weekend, shoot for a show kina Alden. Not sure of the airing,” balita ni Bea sa mga fans na nanood ng IG Live niya.


Dahil sa balitang may big star na papasok sa The World Between Us sa pagbabalik ng teleserye sa November 15, inakalang si Bea ang big star na ito na makakasama na sa cast nina Alden. Kaya lang, end of August pa ang resume ng locked-in taping ng teleserye, eh, this weekend ang binanggit ni Bea na shoot nila ni Alden.


Lalong hindi pa para sa pelikula nilang A Moment To Remember ang shoot na binanggit ni Bea dahil sa September 24 pa ang simula nila ng locked-in shooting at nabanggit ng aktres na dadaan pa sila sa quarantine at look test bago magsimula.


May naniniwalang para sa All-Out Sundays ang show na pagsasamahan nina Bea at Alden dahil nasabi ni Bea dati na magge-guest siya rito. Kung tama ang mga fans, abangan na lang sa Sunday kung lalabas nga sa AOS si Bea.


Nag-taping na rin si Bea para sa The Boobay and Tekla Show. Riot ito, tiyak, kaya abangan at abangan din siya sa iba pang shows ng GMA-7.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page