top of page
Search

ni Nitz Miralles - @Bida | June 10, 2022


ree

Mamahalin ng mga bloggers si Senator-elect Robin Padilla dahil ipinagtanggol sila nito sa mga kontra na isama sila sa press briefings sa Malacañang sa papasok na administrasyon ni President-elect Bongbong Marcos.


Nag-react si Robin sa TV interview kay veteran journalist Vergel Santos na kontra sa planong bigyan ng press credentials ang mga bloggers para makapag-cover sa Malacañang. Naniniwala si Mr. Santos na blogging is not journalism.


Kinontra ni Robin ang pahayag ni Santos at pinanindigan na lahat ng tao ay may right to free speech.


“Sir, it’s not about journalism. It’s about freedom of expression. When we start to identify what is superior and inferior, freedom goes straight to the garbage. Read the constitution. It does not say anything about who is educated or not, who has a network or does not have. It is a right that every Filipino should enjoy as long as it doesn’t violate any law or right of someone else.


"Malacañang or any other government institutions are directly owned by the people. As long as there is law and order, everyone should be welcome. Everyone deserves to know the truth."

Samantala, ipinagtanggol ni Senator-elect Chiz Escudero si Robin sa pagkakapili rito bilang chairman sa Committee on Constitutional Amendments.


Sabi ni Chiz, “Sen. Padilla is as qualified as any senator elected to serve as such to chair any committee that the majority decides to elect him.”

 
 

ni Nitz Miralles - @Bida | May 19, 2022


ree

Kung parehong tatanggapin at gagawin nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo ang movies na offer ng Star Cinema at GMA Pictures, dalawang pelikula ang aabangan ng mga fans nila. Magiging sobra ang saya ng kanilang mga fans na matagal naghihintay ng comeback project ng paborito nilang love team.


Ang alam natin, may naka-line-up nang pelikula sa Star Cinema sina JLC at Bea at sinabi pa ngang ‘yun ang magiging comeback project nila. May title at director na nga ito, pareho lang sigurong busy ang dalawa, kaya hindi pa nila magawa.


Nababalita na rin ang film offer ng GMA Pictures kina Bea at JLC, pero kung may offer sa kanila ang GMA-7, baka matulad ito sa movie nila ni Alden Richards na hindi masimulan dahil tinatapos pa nila ang TV series na Start-Up.


Maganda ang suggestion ng isang JLC at Bea fan, bakit daw hindi na lang mag-collab ang Star Cinema at GMA Pictures sa pelikula ng dalawa para matuloy na lang ang pagbabalik-movie nila kesa maghihintayan pa.


Anyway, kinilig ang BeaDom fans nang makita ang larawan ni Bea kasama ang pamilya ng boyfriend na si Dominic Roque at ang caption ay “Familia Roque.”


Para sa mga fans, ang saya raw malaman na considered member na ng pamilya ni Dominic si Bea. Wish nilang magpakasal na ang BeaDom.

 
 

ni Nitz Miralles - @Bida | May 14, 2022


ree

‘Katuwa ang reaction ng mga followers at fans ni Heart Evangelista sa post niya ng kanyang Hermes sandals. Kasi naman, worth $830 o P43,749 ang sandals. Hermes Oran daw ito mula sa Fall/Winter 2021 collection.


Ang sabi sa sandals, “It is covered with sheepskin fur,” kaya naman ang caption ni Heart ay “cozy.”


'Kaaliw ang comment na “Grabe naman. Samantalang sa 'min, 25 pesos sa Shopee lang, hahahaah. Naol, Heart.”


At may nag-comment ng “Again, nasampal na naman ako ng pagiging dukha ko.”


Sabi naman ng isa, “Tapos, kapag may nakitang ipis, ihahampas. Suwerte ng ipis."


Komento ng isa pa, “Bawal sa pasmadong paa, hahaha.”


May nag-comment pa na puwedeng ipanampal ang sandals at ‘pag nasampal ka, tanggap mo ang sakit dahil Hermes ito, branded at mamahalin.


May nag-dare rin kay Heart na tsinelasin siya gamit ang Hermes sandals.


May nagtatanong kung umalis ba si Heart dahil sa isa niyang post, nabanggit ang first ever fashion show ng Louis Vuitton sa Salk Institute sa San Diego, California. Naka-schedule ito ng May 12 at May 13. Kapag wala si Heart sa Manila, malamang, nasa San Diego, California siya.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page