top of page
Search

ni Nitz Miralles - @Bida | October 09, 2021



ree

Iba’t iba ang reaction ng mga netizens nang mabasa ang pangalan ni Kylie Padilla na ni-like ang photo nina Aljur Abrenica at AJ Raval sa isang website na naglalakad na magka-holding hands.

May nag-comment na gusto lang ipakita ni Kylie na wala na siyang pakialam kay Aljur. May naniniwala namang gusto lang asarin ni Kylie sina Aljur at AJ at may naniniwala ring tanggap na ni Kylie ang relasyon ng estranged husband niya at ni AJ.


May nag-comment naman na Kylie deserves better.


Hindi rin maiwasang pagkumparahin sina Kylie at AJ at mas pabor ang mga netizens kay Kylie sa lahat ng aspeto. Nagtataka nga sila kung bakit ipinagpalit ni Aljur si Kylie kay AJ.


Sa comments section, malalaman na sa locked-in shooting ng Viva Films movie na Nerisa nagkakilala at nagka-develop-an sina Aljur at AJ. Natatandaan namin, ang leading lady ni Aljur sa nasabing pelikula ang pinaghinalaang third party sa kanila ni Kylie. Maraming nagalit noon kay Cindy Miranda na maayos na itinanggi na siya ang “babae” ni Aljur.


Sabi ng mga netizens, nagsabi nang totoo si Cindy dahil lumalabas na hindi siya kundi si AJ ang pinuntirya ni Aljur. Marami pang babae ang pinaghinalaang “babae” ni Aljur, ‘yun pala, si AJ ang tinukoy ni Robin Padilla na “third party” sa hiwalayan nina Kylie at Aljur. In fairness, matagal ding naitago nina Aljur at AJ ang tungkol sa kanila.


Samantala, may mediacon ang BetCin movie nina Kylie at Andrea Torres next week, at siguradong matatanong si Kylie tungkol kina Aljur at AJ at ang pagla-like niya sa larawan ng dalawa.


Ang BetCin ay ang LGBT-themed series nina Kylie at Andrea, isang WETV Original series at streaming sa WETV sa October 15. May kissing scene at bed scene sina Kylie at Andrea rito. Ang biro kay Kylie, babae ang ipinalit niya kay Aljur.

 
 

ni Nitz Miralles - @Bida | October 08, 2021



ree

May bagong title si Aljur Abrenica pagkatapos lumabas ang panliligaw kay AJ Raval. Siya raw ang “Tirador ng mga Anak ng Action Stars.”


Bilib sa kanya ang mga netizens dahil hindi natakot kay Robin Padilla na ama ng estranged wife niyang si Kylie Padilla at hindi rin natakot kay Jeric Raval na ama ni AJ.


Hindi naniniwala ang mga netizens na nasa “getting to know” stage pa lang sina Aljur at AJ dahil sa dalawang beses na nakita silang magkasama, laging magka-holding hands.


Sa isa pang picture, nakaakbay si Aljur kay AJ at nakahawak naman si AJ sa bewang ni Aljur habang sila ay naglalakad sa mall. Hindi raw makikipag-holding hands at magpapaakbay ang girl kung nanliligaw pa lang ang guy sa kanya.


I-segue lang namin na kabilang sa mga pinag-iingat kay Aljur sina Ysabel Ortega na anak ni Sen. Lito Lapid at Lala Vinzon na anak ni Roi Vinzon. Hindi na isinali si Lovi Poe dahil may dyowa ito.


Pero, parang Ysabel and Lala can take care of themselves. Si Ysabel, panay ang training ng martial arts dahil sa Voltes V: The Legacy ng GMA-7. Si Lala, kahit na-introduce na singer, kung papasok sa acting, gustong subukan ang action.


Anyway, magaling na singer si Lala na isa sa mga bagong talents ng GMA Artist Center. For sure, bibigyan siya ng recording contract ng GMA Music o GMA Playlist dahil sayang ang ganda ng boses nito.


Kuwento ni Lala, sa probinsiya siya lumaki, simple ang buhay, naglalakad sa pagpasok sa school. Traumatic sa kanya na mapanood ang ama sa mov

 
 

ni Nitz Miralles - @Bida | October 05, 2021


ree

Kabilang si Richard Yap sa mga taga-showbiz na papasukin na rin ang pulitika dahil tatakbo siya sa 2022 elections bilang representative sa 1st District ng Cebu City.


Ang asawa ng aktor na si Melody Yap ang nag-file ng Certificate of Candidacy (COC) para sa aktor sa Commission on Elections office sa Cebu last Sunday (October 3). Nasa Manila yata ang Kapuso actor, may locked-in taping ng I Left My Heart in Sorsogon.


Matatandaang tumakbo na ring representative si Richard sa mid-term elections noong 2019, pero hindi nanalo. Bale, second try na ito ng aktor sa pulitika.


Early this year, nabalitang tatakbo si Richard at namigay pa nga ng gift pack sa mga taga-District 1 at doon pa lang, may nagsabi nang tatakbo uli ito.


Siguro naman, tapos na ang taping ng rom-com series nina Richard at Heart Evangelista na I Left My Heart in Sorsogon bago ang simula ng campaign period. Ang mas mabuti, maipalabas ang series bago ang simula ng kampanya dahil bawal yata sa mga tatakbo ang may TV show o pelikulang ipapalabas.


Wala pang nababanggit ang GMA-7 kung kailan ang airing ng I Left My Heart in Sorsogon na second cycle na yata ng locked-in taping.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page