top of page
Search

ni Nitz Miralles - @Bida | October 13, 2021



ree

Nakapag-guest na rin sa Unang Hirit si Bea Alonzo last Monday, October 11, at sa interview sa kanya, nadagdag sina Derrick Monasterio at Ruru Madrid sa mga Kapuso stars na gusto niyang makatrabaho.


Looking forward si Bea to work with Kapuso stars na hindi pa niya nakakatrabaho, but still top on her list ang makatrabaho si Marian Rivera. In fact, may story concept na raw siya para sa proyektong pagsasamahan nila ni Marian.


“I actually have a concept in mind, ikukuwento ko na lang sa mga bosses... for me and Marian sana,” banggit ni Bea.


Still on Bea, panalo ang airplane cabin-inspired van nito na gamit niya sa taping at sa kanyang vlog, ipinakita niya ang loob ng kanyang van na sa ganda, para kang nasa business class cabin. May leather reclining seats, relaxing lights, at star light ceiling. May built-in Alexa voice-automated, dressing area, overhead compartments, fridge, microwave, coffee station, TV at bathroom with a leather door.


Kuwento ni Bea, siya ang nag-design sa kanyang van at idinisenyo niya na parang nasa loob siya ng airplane dahil dream pala ng aktres na magkaroon ng sariling private jet.


Kaya kapag nagsimula na ang shooting nina Bea at Alden Richards ng movie nilang A Moment to Remember o kaya’y nag-locked-in taping for her teleserye for GMA-7, may van siyang magagamit.

 
 

ni Nitz Miralles - @Bida | October 11, 2021



ree

Hindi raw si AJ Raval ang third party sa paghihiwalay nina Kylie Padilla at Aljur Abrenica at sinabi ito mismo ni Kylie sa convo niya with her fans sa “Kylievers” group chat.


Sabi ni Kylie, “And yes, I just want to confirm hindi nga si AJ ang third party,” at sinundan ng “Gusto ko na mag-move on. Hehehe!” at “Thank you sa love and support.”


Hindi na tinanong si Kylie kung sino ang babaeng rason ng paghihiwalay nila ni Aljur. Ibig sabihin, bago si AJ, may babae pang minahal si Aljur. Sino kaya siya?


Speaking of Kylie, may nagsi-ship sa kanila ni Andrea Torres. Sana raw, pati sa real life, maging sila ng aktres.


Kinakitaan kasi ng chemistry ang dalawa sa series nila sa WeTV Philippines na BetCin na streaming na sa October 15. Ano kaya ang masasabi ng dalawang aktres sa comment na gustong totohanin nila ang relasyon sa series?


Malapit na palang magtapos ang The Good Daughter ng GMA-7 na tampok si Kylie. Ang request ng mga fans sa network, bigyan ng bagong series si Kylie, ‘yung hindi re-run at kahit guesting na sila ni Ruru Madrid ang magkapareha.

 
 

ni Nitz Miralles - @Bida | October 10, 2021



ree

Aba’y seryoso nga si Aljur Abrenica sa panliligaw kay AJ Raval dahil sa ibinalita ni Cristy Fermin na nagpaalam pa si Aljur sa ama ni AJ na si Jeric Raval kung puwede niyang ligawan ang anak nito.


Obvious na pumayag si Jeric dahil puma-public na ang dalawa, nagmo-malling na magka-holding hands at magkaakbay.


May mga nagtanong kung nagpaalam din ba si Aljur kay Robin Padilla na liligawan niya si Kylie Padilla at wala silang matandaan. Kung ganitong seryoso si Aljur kay AJ, kailangan sigurong ayusin na niya ang annulment nila ni Kylie para mas matuwa sa kanya si Jeric.


Sa parte ni Aljur, wala siyang problema kay Kylie dahil may usapan sila na free na sila to date. Sa parte ni AJ, may konting isyu dahil pumalag ang ex nitong si Axel Torres at nag-post ng shading kay AJ with matching video clip ng aktres na ang background music ay You Betrayed Me (Traitor) ni Olivia Rodrigo.


In fairness, ang “ingay” ng love story nina Aljur at AJ, ha!

 
 
RECOMMENDED
bottom of page