top of page
Search

ni Nitz Miralles - @Bida | April 22, 2022


ree

Ayan, may mali-link na kay Sanya Lopez at siya ay ang basketball player ng De La Salle at St. Benilde na si AJ Benson.


Nakita kasing nanood ang bida ng First Lady sa laban ng La Salle at St. Benilde sa Mapua Cardinals kasama si Maxine Medina. Si Benson ang tsini-cheer ni Sanya dahil magaling daw.


Nagkakilala na sina Sanya at Benson dahil nang mag-guest sina Sanya at Maxine sa Game On-Sports Studio of Champions, nasa studio rin si Benson.


Clueless si Benson kung sino si Sanya, pero pagkatapos nilang magkakilala, tiyak na alam na ni Benson na artista si Sanya at for sure, pina-follow na niya sa Instagram.


Matagal nang walang nali-link kay Sanya, malay natin, magkasundo sila ni Benson at maging madalas na ang panonood niya sa game nito.


Hindi naman pababayaan ni Sanya kapag muling nag-schedule ng locked-in taping ang First Lady na hanggang July pa raw ang airing.



 
 

ni Nitz Miralles - @Bida | April 21, 2022


ree

Kung may mga hindi bilib kay Robin Padilla at hindi siya ibobotong senador, puwes, si DFA Secretary Teddy Locsin, Jr., iboboto si Binoe.


“I’ll vote for Robin Padilla; not asking anyone else to. He’s my friend; they’re not his; their loss. I’ve watched his life and career with admiration. He’s the real thing. I hope he makes it. He can count on me for the rest that’s outside politics and a whole lot tougher.


"Robin Padilla converted to Islam for real; the original Islam that brought peace and tolerance where it prevailed since 600 A.D. Robin is that rarest Filipino: a man of Complete conviction proved by his life and work mostly to no selfish advantage and sometimes at great risk.”


Sa mga nakakapanood ng interview ni Robin, napapahanga sila nito dahil ang daming alam, hindi lang sa pulitika, pati sa history ng bansa at sa marami pang bagay.


Marami ang boboto kay Robin at patunay nito ang pagpasok niya sa Top 12 ng mga senatoriables.


 
 

ni Nitz Miralles - @Bida | October 18, 2021



ree

This Monday, 3:25 PM, ang pilot ng Stories From the Heart: Never Say Goodbye tampok sina Jak Roberto, Klea Pineda at Lauren Young sa direction ni Paul Sta. Ana.


Fan pala si Jak ni Direk Paul dahil sa pelikula nitong Oros, kaya sobrang excited siya nang malamang ito ang magiging director nila. Hindi lang daw siya nagpahalata, pero kinikilig siya habang nag-uusap sila.


First solo lead role ito ni Jak at pinaka-heavy ang kanyang karakter sa mga nagampanan na niya.

“Matagal ko nang ine-aim na ma-prove ang acting ko sa drama. Kaya nang dumating ang project na ‘to, sabi ko, ‘pag ‘di ko pa ibinigay ang best ko, kailan pa? Heavy drama ito at buong series, grabe ang mga eksena ko at na-fulfill ang gusto ko na maipakita ang acting ko.”


May kissing scene si Jak kina Klea at Lauren at tinanong pala niya ang GF na si Barbie Forteza kung okay dito na may kissing scene siya at pumayag naman ang aktres.


“Sa akin, okay din may kissing scene siya, walang selosan,” ani Jak patungkol kay Barbie.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page