top of page
Search

by Info @News | January 6, 2026



Bong Revilla

Photo File: Ramon Bong Revilla Jr. / FB



Iginiit ng kampo ni dating Senator Bong Revilla na walang basehan ang mga reklamong isinasampa laban dito kaugnay ng flood control anomalies.


Sinabi ito ng legal counsel ni Revilla na si Atty. Franchesca Señga kasunod ng paghahain nila ng counter-affidavit matapos sampahan ang dating senador ng reklamo ng National Bureau of Investigation (NBI).


“Sa totoo lang, ‘yung mga ganitong complaint, ayon sa batas at sa rules ng evidence, hindi ito dapat paniwalaan. Hindi ito dapat pakinggan dahil ito ay walang bigat at walang halaga,” ani Señga.


 
 

by Info @News | January 6, 2026



Biktima ng paputok - FP

Photo File: Biktima ng paputok - FP



Umabot sa 720 ang nabiktima ng mga paputok simula Disyembre 21, ayon sa Department of Health (DOH).


Base sa ulat ng ahensya, karamihan sa bilang ng mga biktima ay nasa edad 19 pababa.


Ayon sa ahensya, mas mababa ito ng 14% kumpara sa 834 kaso noong nakaraang taon.


Dagdag pa nila, pinakamaraming nasaktan sa mga paputok na kwitis, five-star at boga.


 
 

by Info @News | January 5, 2026



Bam Aquino

Photo: File / PCO



‘SA TINGIN NAMIN PORK BARREL-FREE’


Sa kanyang paniniwala, sinabi ni Executive Secretary Ralph Recto na "pork barrel-free" ang 2026 national budget.


Paliwanag niya, hindi naman aniya puwedeng mangialam ang legislator pagdating sa pag-execute ng budget at sinabing executive function na ito.


Matatandaang bago pa man pirmahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pondo ngayong Lunes, Enero 5, ilang mambabatas na ang hindi pabor dito kabilang na si Sen. Imee Marcos na sinabing "pork" pa rin ang budget, "giniling" lang aniya para hindi halata.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page