top of page
Search

by Info @ News | December 6, 2025



Alice Guo in jail

Photo: BJMP-NCR



Nailipat na ng kulungan si dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo nitong Biyernes ng gabi, Disyembre 5.


Mula sa Pasig City Jail Female Dormitory, dinala si Guo sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong City.


Hinatulang guilty ang dating alkalde kaugnay ng kasong qualified human trafficking at pinatawan ng habambuhay na pagkakakulong dahil sa pagkakadawit sa ilegal na Philippine Offshore Gaming Operation (POGO) sa Tarlac.

 
 

by Info @ News | December 6, 2025t



Norman Mangusin Francis Leo Marcos

Photo: Circulated



Tuluyan nang binawian ng lisensya ng Land Transportation Office (LTO) ang vlogger na si Norman Mangusin o mas kilala bilang Francis Leo Marcos.


Ayon sa ahensya, hindi sumipot si Mangusin sa itinakdang hearing ng LTO para magsumite ng kanyang paliwanag sa patung-patong na paglabag sa batas-trapiko dahilan para i-revoke nila ang lisensya nito.


Ito ay matapos siyang ireklamo ng netizens nang kumalat sa social media ang kanyang video na nagmamaneho ng isang Ford Expedition na may nakakabit na pekeng plaka at hindi nakasuot ng seatbelt.


Bukod dito, kita rin sa naturang viral video ang madalas na pagtingin niya sa camera ng cellphone habang nagmamaneho.

 
 

by Info @ News | December 6, 2025



Discaya / Senate of the Philippines

Photo Discaya / Senate of the Philippines



Ipinag-utos ng lokal na pamahalaan ng Pasig ang pagpapasara sa siyam na kumpanya na pagmamay-ari ng mag-asawang Curlee at Sarah Discaya matapos hindi makapagbayad ng P1.1 bilyon na buwis.


Bukod dito, walang occupancy permit ang mga kumpanya at license to operate mula sa Philippine Contractors Accreditation Board (PCAB).


Narito ang siyam na kumpanya ng Discaya couple na ipinasasara:

• Alpha and Omega General Contractor and Development Corp

• Amethyst Horizon Builders and General Contractor, and Development Corporation

• Elite General Contractor and Development Corporation

• Great Pacific Builders and General Contractor

• St. Gerrard Construction General Contractor and Development Corp

• St. Timothy Construction Corp

• Waymaker OPC

• YPR General Contractor and Construction Supply

• St. Matthew General Contractor & Development Corporation

 
 
RECOMMENDED
bottom of page