Sa pagpasok ng "ber months" ay nagsimula nang magsulputan ang mga nagtitinda ng mailaw na mga parol at dekorasyong pamasko sa ilang lugar sa Metro Manila gayundin sa bahagi ng San Fernando, Pampanga.
Nananatiling mataas ang baha sa ilang barangay sa Obando, Bulacan sa gitna ng walang tigil na pag-ulan sa nakalipas na mga araw. Matataas na traysikel o bangka na ang ginagamit ng ilang residente upang maitawid ang mga papasok sa trabaho at eskwela.
Pinangunahan ni First Lady Louise Araneta-Marcos ang selebrasyon ng ika-127 Araw ng Pinaglabanan o ang commemoration of the Battle of San Juan del Monte na ginanap sa Pinaglabanan Shrine sa San Juan City kahapon. Sinamahan mismo si FL Marcos nina San Juan City Mayor Francis Zamora at PNP Chief General Benjamin Acorda, Jr.