top of page
Bea Alonzo at Dominic Roque - fb
Search

ni Mai Ancheta @News | March 24, 2026



Oil Price Hike, Petrolyo

Photo: File



Mahigit 400 gas stations sa buong bansa ang pansamantalang tumigil sa kanilang operasyon dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo.


Ito ang inihayag ng Philippine National Police (PNP) kaugnay sa kanilang monitoring matapos sumirit ang mataas na presyo ng langis dahil sa tensyon sa Middle East.


Ayon kay PNP Spokesperson Brig. Gen. Randulf Tuaño, ang mahigit 400 gas stations ay bahagi ng 14,313 na gasolinahan na mino-momitor ng PNP upang mapigilan ang posibleng hoarding at profiteering.


Sinabi ng opisyal na ang mga natukoy nilang mataas magpresyo ay may mga karatulang “out of service” na gas stations at nai-report na nila sa Department of Energy para sa beripikasyon at pagtukoy kung sangkot sa mga ilegal na aktibidad.


Sinabi ni Tuaño na batay sa kanilang  pagkakaalam, may sapat na supply ng langis na tatagal hanggang April 15, 2026.


Magpapatuloy aniya ang kanilang pagbabantay sa mga gas station na magpapanggap na walang supply ng langis para hintayin ang mas mataas na presyo bago magbenta.


Kasama sa iniimbestigahan ng PNP ani Tuaño ang ilang indibidwal na nahuling ilegal na nagbebenta ng produktong petrolyo mula sa Nueva Vizcaya, Eastern Samar at Guinobatan, Albay.

 
 

ni Mai Ancheta @News | March 24, 2026



Oil Price Hike, Petrolyo

Photo: File



Nadagdagan na naman ang maagang penitensiya ng mga motorista dahil sa panibagong taas-presyo ng produktong petrolyo.


Ayon sa Department of Energy, ang inaasahang dagdag-presyo sa langis ngayong Martes ay ang sumusunod:


- Diesel hanggang P11.88 per liter

- Gasoline hanggang P6.47/L

- Kerosene hanggang P13.66/L


Gayunman, batay sa ilang kumpanya ng langis, mas mataas ang magiging oil price hike batay sa kanilang pagtaya, mas malayo sa komputasyon ng DOE.


- Diesel tataas ng P17.80 per liter

- Gasoline hanggang P10.70/L

- Kerosene hanggang P21.90/L


Sinabi ni Energy Secretary Sharon Garin na bahagyang kumalma ang presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan at mangilan-ngilang pagtaas nitong nakalipas na ilang araw.

Sinabi ng kalihim na patuloy silang makikipag-usap sa mga oil player para gawing unti-unti ang pagtataas sa halip na minsanan na magiging mabigat para sa mga motorista.


Pero may ilang kumpanya aniya ang nagsabing hindi nila kaya ang staggered price increase kaya naghihintay ang DOE sa report ng mga kumpanya ng langis.


Sinabi ni Garin na hinihintay pa nila umano ang pahayag ng ilang oil players sa pagbabago ng presyo ng langis at sa pakiusap na gawing staggered ang pagpapatupad sa oil increase.





OIL PRICE WATCH (MARCH 24, 2026)

ni Cristine Marish Rivera @News





Spaghetting pataas, pataas nang pataas


Mga ka-BULGAR, epektibo na muli ang panibagong taas-presyo sa mga produktong petrolyo ngayong Martes, Marso 24, ayon sa Department of Energy (DOE).


Aabot hanggang P12 ang taas-presyo kada litro ng gasolina, habang hanggang P18 naman sa diesel.


Samantala, hanggang P22 naman ang itataas kada litro ng kerosene.

 
 

ni Madel Moratillo @Business | March 20, 2025



Currency exchange rate forex

Photo File / Circulated



Nagsara sa P60.10 ang palitan ng piso kontra US dollar kahapon. 

Sa palitan kahapon bumagsak sa P60.40 ang trading ng piso kontra dolyar mula nang magbukas ito sa P59.90. 


Sa pagsasara ng trading, umabot ito sa P60.10. Ito na ang pinakamataas na palitan ng piso kontra dolyar sa kasaysayan. 


Nabatid na sinusubukan na ng Bangko Sentral ng Pilipinas na mag-intervene sa foreign exchange market para suportahan ang piso at hindi na ito sana umabot sa P60 level.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page